Ika-26 ng Mayo 2021 Super Blood Moon: Dumarating ang Dakila at Kahila-hilakbot na Araw ni Jehova

08.06.2021

Ang Palatandaan ng mga Huling Araw: sa Ika-26 ng Mayo ay Makikita ang Super Blood Moon

Ang madalas na paglitaw ng blood moon sa mga nakaraang taon ay pumukaw sa atensyon ng maraming iskolar ng Biblia. Ito ay dahil ang blood moon na ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag ay ipinapahiwatig ang pagdating ng araw ng paghatol ng Diyos at hudyat ng paglitaw ng malalaking kaganapan. Ayon sa mga meteorolohikong ulat mula sa iba't ibang bansa at mga pahayag ng mga astronomo, makikita natin ang pinakamalaking blood moon sa ika-26 ng Mayo ngayong taon. Isang bihirang pangyayari ang magpapakita sa kalangitan: Isang super blood moon na may pulang kulay ang magpapakita habang total lunar eclipse, mas malaki at maliwanag kumpara sa tipikal na full moon. May mga itinalang blood moon sa buong mundo, at ang mga blood moon ay madalas na kinikilalang tagapauna ng mga sakuna at pambihirang kaganapan.

Sa pagbabalik tanaw sa kasaysayan, mamangha tayong matuklasan na may mga malalaking kaganapan na nangyari matapos ang paglitaw ng mga blood moon.

Isang blood moon, o isang total lunar eclipse ang lumitaw noong ika-9 ng Nobyembre, 2003. At sa taong iyon, nagkaroon ng SARS sa Hong Kong.

Noong ika-15 ng Abril, 2014, nagkaroon ng total lunar eclipse (blood moon) na pinakauna sa apat na sunod-sunod na total eclipse, isang pambihirang astronomikal na pangyayari na apat na beses lamang lumitaw sa nakaraang 500 taon. Sa ika-16, isang lantsa ang lumubog sa South Korea, na nag-iwan nang higit 300 nangamatay na tao.

Noong ika-29 ng Marso, 2021, maraming tao sa Taipei ang nakakita ng isang blood moon sa madilim na kalangitan. Pagkalipas ng tatlong araw, noong ika-2 ng Abril, nakalas sa riles ang tren na Taroko Express na pinapatakbo ng Taiwan Railways Administration, na naging dahilan ng malalang kamatayan at pinsala, na gumulat sa internasyonal na opinyon.

Hindi maiwasang mag-alala ng maraming mga tao: Malalaking kaganapan ang mangyayari pagkatapos ng pagsapit ng isang blood moon. Kung gayon ano naman ang mangyayari ngayon? Samantala, sila ay nag-aalala sa kapalaran ng sangkatauhan sa hinaharap. Bilang mga Kristiyano, kung gayon, paano natin titingnan ang pagpapakita ng blood moon na ito.

Sa Katuparan ng mga Propesiya sa Biblia, ang Dakila at Kahila-hilakbot na Araw ni Jehova ay Dumarating

Alam nating lahat na maraming mga talata sa Biblia tungkol sa blood moon. Ipinropesiya sa Joel 2:29-31, "At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos Ko sa mga araw na yaon ang Aking Espiritu. At Ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova." At sa Pahayag 6:12, "At nakita ko nang buksan Niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo." Sa mga nakaraang taon, lumitaw nang maraming beses ang blood moon, tulad ng serye ng apat na blood moon na lumitaw noong 2014 at 2015, ang super blood moon na kulay asul ng 2018, na nagpakita rin 152 taon na ang nakakaraan, at ang super blood wolf moon na nagpakita noong ika-21 ng Enero 2019. Maraming mga nakakita ang matatag na naniniwala na ang pagpapakita ng mga blood moon ay ang katuparan ng mga propesiya sa Biblia, at ang dakila at kahila-hilakbot na araw ni Jehova ay nalalapit na. Sa mundo ngayon, ang mga giyera at sakuna tulad ng mga lindol, tagtuyot, baha, at salot ay madalas na nangyayari sa iba't ibang bansa. Ang sitwasyon ng mundo ay patuloy na nagbabago, at ang atmospera ay mas nagiging mainit. Lalo na, ang hindi inaasahang pandemya ng COVID-19 ay nananalasa sa mundo mula 2020. Makikita na ang mga malalaking sakuna ay nalalapit na sa sangkatauhan. Sinabi ng Panginoon Jesus noon, "At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan" (Mateo 24:6-8). Ang pagpapakita ng mga palatandaan na ito ay sapat na upang patunayan na ang mga propesiya sa Biblia ay natupad na at ang araw ng pagbabalik ng Panginoon ay dumating na.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Buksan ninyo ang inyong mga mata at tumingin, at makikita ninyo ang dakila Kong kapangyarihan sa lahat ng dako! Makatitiyak kayo sa Akin sa lahat ng dako. Pinalalaganap ng sansinukob at ng papawirin ang Aking dakilang kapangyarihan. Nagkatotoo nang lahat ang mga salitang sinabi Ko sa pag-init ng panahon, sa pagbabago ng klima, sa mga abnormalidad sa loob ng mga tao, sa kaguluhan sa galaw ng lipunan, at sa panlilinlang na nasa puso ng mga tao. Pumuputi ang araw at pumupula ang buwan; nasa kaguluhan ang lahat. Hindi pa rin ba talaga ninyo nakikita ang mga ito?" "Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan." Mula sa mga salitang ito ng Diyos, makikita natin na ang paglitaw ng iba't ibang mga sakuna ay ang palatandaan ng mga huling araw tulad ng ipinropesiya sa Biblia, at matatag na pinapatunayan nito na ang Panginoon ay nagbalik na. Sa isang banda, ang paglitaw ng mga sakuna ay pinapaalala sa atin na ang Panginoon ay nagbalik na; sa kabilang banda, ito ay ang pagkastigo ng Diyos sa masamang kapanahunan na ito. Sa mahalagang oras na ito, paano natin dapat tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon?

______________________

Malaman ang higit pa:  

Madalas na Nagaganap ang Mga Sakuna: Paano Maging Handa sa Pagdating ng Panginoon 

© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia