Mga tanong tungkol sa pananampalataya sa Diyos | Natagpuan Mo na Ba ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan?
sinabi ng Panginoon Jesus: "Datapuwa't ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan" (Juan 4:14). Sinabi sa atin ng Kanyang mga salita na ang Diyos lamang ang mapagkukunan ng buhay ng tao at ang Diyos lamang ang maaaring magbigay sa tao ng daan ng buhay na walang hanggan. Iprinopesiya din ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). Makikita mula sa mga salitang ito, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, bibigkas Siya ng mga salita at ipagkakaloob ang lahat ng mga katotohanan sa sangkatauhan. Ngayon, ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-taong at dumating sa gitna ng mga tao. Siya ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw. Ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan upang mailigtas ang tao, isiniwalat ang lahat ng mga misteryo ng 6000 taong planong pamamahala ng Diyos, at binibigyan tayo ng daan ng buhay na walang hanggan. Kapag natamo natin ang mga katotohanang ito bilang ating buhay, maaari tayong maligtas tayo sa makalangit na kaharian.
____________________________
Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita upang mailigtas ang tao at iperpekto ang tao at gumagamit ng mga salita upang maihayag ang tao at puksain ang tao. Kapag napagtanto natin ang kahalagahan ng salita ng Diyos, dapat nating tanggapin at isagawa ang mga salita ng Diyos.