Araw-araw na mga Salita ng Diyos | Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos | Sipi 136
Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging katawang-tao, hindi Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupa't ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, hindi naniwala sa Kanya ang mga tao, lalo pa ang kilalanin Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba't ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng tao, paano ang tao magiging malapit sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayahang magpatotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkod sa Diyos, ang pagluwalhati sa Diyos-hindi ba mga mapanlinlang na kasinungalingan ang mga ito? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga di-makatotohanan at di-praktikal na mga bagay na ito, hindi ba gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka magiging malapit sa Diyos kung hindi mo man lamang nakikilala kung sino ang Diyos? Hindi ba ang gayong layunin ay malabo at mahirap maunawaan? Hindi ba ito mapanlinlang? Paano ba maaaring maging malapit sa Diyos ang isang tao? Ano ba ang praktikal na kabuluhan ng pagiging malapit sa Diyos? Maaari ka bang maging malapit sa Espiritu ng Diyos? Nakikita mo ba kung gaano kadakila at kabunyi ang Espiritu? Ang maging malapit sa di-nakikita at di-nahahawakang Diyos-hindi ba iyon malabo at mahirap maunawaan? Ano ang praktikal na kabuluhan ng gayong layunin? Hindi ba ang lahat ng ito ay mga mapanlinlang na kasinungalingan? Ang layunin mo ay maging malapit sa Diyos, gayong sa totoo lamang ikaw ay masunuring aso ni Satanas, dahil hindi mo kilala ang Diyos, at hinahabol ang di-umiiral na "Diyos ng lahat ng mga bagay," na di-nakikita, di-nahahawakan at mula sa iyong sariling mga pagkaintindi. Sa malabong pananalita, ang gayong "Diyos" ay si Satanas, at sa praktikal na pananalita, ito ay ikaw mismo. Hinahangad mo ang maging malapit sa iyong sarili nguni't sinasabi pa rin na nilalayon mo ang maging malapit sa Diyos-hindi ba iyon isang paglapastangan? Ano ang halaga ng gayong paghahabol? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi naging tao, ang substansya ng Diyos ay isa lamang di-nakikita at di-nahahawakang Espiritu ng buhay, walang anyo at walang hugis, mula sa uring di-materyal, di-nalalapitan at di-naaabot ng tao. Paano magiging malapit sa tao ang isang walang-katawan, kamangha-mangha, at di-maarok na Espiritu na gaya nito? Hindi ba ito isang biro? Ang gayong katawa-tawang pangangatuwiran ay hindi-tama at hindi-praktikal. Ang nilikhang tao ay mula sa isang likas na uri na iba sa Espiritu ng Diyos, kaya paano magiging magkalapit ang dalawa? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi naging tunay sa katawang-tao, kung ang Diyos ay hindi naging katawang-tao at hindi ibinaba ang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang nilalang, ang taong nilalang ay kapwa walang kakayanan at hindi magiging malapit sa Kanya, at maliban sa mga mananampalatayang maka-Diyos na maaaring magkaroon ng pagkakataong maging mga malapit sa Diyos matapos makapasok ang kanilang mga kaluluwa sa langit, hindi makakaya ng karamihan sa mga tao ang maging malapit sa Espiritu ng Diyos. At kung nais ng tao na maging malapit sa Diyos sa langit sa ilalim ng gabay ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba siya isang kagila-gilalas na hangal na di-tao? Ang tao ay naghahabol lamang ng "katapatan" sa isang di-nakikitang Diyos, at hindi nagtutuon ni katiting na pansin sa nakikitang Diyos, sapagka't napakadaling maghabol sa isang di-nakikitang Diyos-maaari itong gawin ng tao ayon sa gusto niya. Nguni't ang paghahabol sa nakikitang Diyos ay hindi napakadali. Ang tao na naghahanap sa isang malabong Diyos ay walang-pasubaling hindi kayang matamo ang Diyos, sapagka't ang mga bagay na malabo at walang-anyô ay naguguni-guni lamang lahat ng tao, at hindi kayang matamo ng tao. Kung ang Diyos na pumarito sa gitna ninyo ay isang mataas at mabunying Diyos na hindi ninyo maabot, paano ninyo hahanapin ang Kanyang kalooban? At paano ninyo Siya makikilala at mauunawaan? Kung ginawa lamang Niya ang Kanyang gawain, at hindi nagkaroon ng karaniwang ugnayan sa tao, o walang taglay na normal na pagkatao at hindi malapitan ng mga mortal lamang, kung gayon, kahit na marami Siyang ginawa para sa inyo nguni't wala kayong pakikipag-ugnayan sa Kanya, at hindi Siya makita, paano kaya ninyo Siya makikilala? Kung hindi dahil sa katawang-taong ito na taglay ang normal na pagkatao, walang magiging paraan ang tao para makilala ang Diyos; dahil lamang sa pagkakatawang-tao ng Diyos kaya ang tao ay may kakayanang maging malapit sa Diyos na ito sa katawang-tao. Ang tao ay nagiging malapit sa Diyos dahil nakikipag-ugnayan ang tao sa Kanya, sapagka't ang tao ay nabubuhay kasama Siya at nananatiling Siya ay kasama, kaya't unti-unting nakikilala Siya. Kung hindi ito ganoon, hindi ba ang paghahabol ng tao ay mawawalan ng kabuluhan? Ibig sabihin, hindi lamang dahil sa gawain ng Diyos kaya nakakaya ng tao na maging malapit sa Diyos, kundi dahil sa pagkatotoo at pagka-karaniwan ng Diyos na nagkatawang-tao. Dahil lamang sa ang Diyos ay nagiging katawang-tao kaya ang tao ay mayroong pagkakataon upang gampanan ang kanyang tungkulin, at pagkakataon upang sambahin ang tunay na Diyos. Hindi ba ito ang pinakatunay at praktikal na katotohanan? Ngayon, nais mo pa rin bang maging malapit sa Diyos sa langit? Tanging kapag nagpakababa ang Diyos Mismo hanggang sa isang punto, na ibig sabihin, tanging kapag ang Diyos ay nagiging katawang-tao, na ang tao ay maaaring maging malapit sa Kanya at maging katiwala Niya. Ang Diyos ay Espiritu: Paano magkakaroon ng kakayanan ang tao na maging malapit sa Espiritung ito, na napakataas at di-maarok? Tanging kapag bumaba ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at nagiging isang nilalang na may parehong panlabas na anyo ng tao, na maaaring maunawaan ng tao ang Kanyang kalooban at talagang matamo Niya. Siya ay nagsasalita at kumikilos sa katawang-tao, nakikibahagi sa kaligayahan, kalungkutan at kapighatian ng tao, naninirahan sa parehong mundo ng tao, iniingatan ang tao, ginagabayan siya, at sa pamamagitan nito nililinis Niya ang tao, at hinahayaang matamo ng tao ang Kanyang kaligtasan at Kanyang pagpapala. Matapos matamo ang mga bagay na ito, tunay na nauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at saka lamang maaari siyang maging malapit sa Diyos. Ito lamang ang praktikal. Kung ang Diyos ay di-nakikita at di-nahahawakan ng tao, paano magiging malapit ang tao sa Kanya? Hindi ba ito isang doktrinang walang katuturan?
Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
______________________
Malaman ang higit pa: