Tagalog Christian Testimony Video | Ang Pagsubok Kong Ito
Siya ay isang relihiyosang Kristiyano na maraming taon nang naniniwala sa
Diyos at masigasig na naglalaan ng kanyang sarili, ngunit dalawang taon bago iyon, siya ay nasuring may kanser sa suso. Hindi niya matanggap ito at naniniwala siya na dahil naghirap at nagsakripisyo siya na magawa ang kanyang tungkulin, nararapat lamang na pangalagaan at protektahan siya ng Diyos. Hindi niya talaga magawang mapaniwalaan kung bakit siya nagkakanser. Napuno ng maling pagkaunawa at paninisi ang kanyang puso, at labis siyang nagdusa. Sa pagbabasa ng mga
salita ng Diyos, nagkaroon siya ng kaunting pagkaunawa sa mga naging maling pananaw niya tungkol sa paghahangad na pagpalain sa kanyang pananampalataya, at ninais na niyang magpasakop sa panuntunan at mga pagsasaayos ng Diyos. Nagsimulang bumuti ang kanyang kalagayan matapos ang panahon ng gamutan, ngunit pinanghinaan siya ng loob nang sabihin sa kanya matapos ang kanyang huling chemo na kailangan pa rin niyang maoperahan. Muli siyang nagpadaig sa kanyang pagsubok. Paano siya matutulungan ng paghatol, mga paghahayag, paggabay at pagkakaloob ng mga salita ng Diyos na makaraos sa pagsubok na ito? At ano ang mauunawaan at matatamo niya bilang resulta?
______________________
Magrekomenda nang higit pa:
kahulugan ng pagsubok