Ano ang Espirituwal na Daigdig?

09.02.2021
ang Espirituwal na Daigdig
ang Espirituwal na Daigdig

Para sa materyal na mundo, kung hindi maintindihan ng mga tao ang ilang bagay o mga kakaibang pangyayari maaari silang magbukas ng aklat at maghanap ng kaugnay na impormasyon, o kung hindi man maaari silang gumamit ng iba't ibang pamamaraan upang hanapin ang mga pinagmulan ng mga ito at ang kuwento sa likod ng mga ito. Ngunit pagdating sa isa pang mundo na ating pinag-uusapan sa araw na ito-ang espirituwal na daigdig na umiiral sa labas ng materyal na mundo-ang mga tao ay tiyak na walang mga pamamaraan o mga daluyan ukol sa pagkatuto ng anumang bagay ukol rito. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat, sa mundo ng sangkatauhan, ang lahat ng bagay sa materyal na mundo ay hindi maihihiwalay mula sa pisikal na pag-iral ng tao, at dahil nararamdaman ng tao na ang lahat ng bagay sa materyal na mundo ay hindi maihihiwalay mula sa kanilang pamumuhay na pisikal at pisikal na buhay, ang nalalaman lamang ng karamihan sa mga tao, o nakikita, ang materyal na mga bagay na nasa harapan ng kanilang mga mata, ang mga bagay na nakikita lamang nila. Ngunit pagdating sa espirituwal na daigdig-na ibig sabihin ay, ang lahat ng bagay na nasa isa pang mundo-makatarungang sabihin na hindi naniniwala ang karamihan sa mga tao. Dahil hindi ito nakikita ng mga tao, at naniniwala sila na hindi na kailangang ito ay maintindihan, o malaman ang anuman tungkol dito, na walang masabi ukol sa kung paanong ang espirituwal na daigdig ay lubos na kakaibang mundo sa materyal na mundo at, sa pananaw ng Diyos, ito ay lantad-ngunit, para sa mga tao, ito ay lihim at hindi lantad-nahihirapan ang mga tao na maghanap ng isang daluyan kung saan sa pamamagitan nito ay maiintindihan ang iba't ibang aspeto ng mundong ito. Ang iba't ibang mga aspeto na Aking sasabihin tungkol sa espirituwal na daigdig ay may kinalaman lamang sa pamamahala at dakilang kapangyarihan ng Diyos. Hindi Ko ibinubunyag ang mga misteryo, ni nagsasabi Ako sa inyo ng anumang mga lihim na gusto ninyong malaman, sapagkat ito ay may kaugnayan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, pamamahala ng Diyos, at pagkakaloob ng Diyos, at sa gayon magsasalita lamang Ako ukol sa bahagi na kailangan ninyong malaman.

Una, hayaan ninyong tanungin Ko kayo: Sa inyong isipan, ano ang espirituwal na daigdig? Sa malawak na pananalita, ito ay isang mundo sa labas ng materyal na mundo, yaong isa na hindi nakikita o nasasalat ng mga tao. Ngunit sa inyong imahinasyon, anong uri ng mundo dapat ang espirituwal na daigdig? Marahil, bilang resulta ng hindi pagkakakita dito, wala kayong kakayahan na ipagpalagay kung ano ito. Ngunit kapag nakaririnig kayo ng mga alamat ukol dito, maiisip pa rin ninyo, hindi ninyo magagawang pigilan ang inyong mga sarili. At bakit Ko sinasabi ito? May isang bagay na nangyayari sa napakaraming tao nang sila ay mga bata: Kapag nagkukuwento ang isang tao ng nakatatakot na kuwento sa kanila-tungkol sa mga multo, mga kaluluwa-sobra ang kanilang pagkatakot. At bakit sila natatakot? Sapagkat inilalarawan nila sa kanilang mga isip ang gayong mga bagay; kahit na hindi nila makikita ang mga ito, nararamdaman nila na ang lahat ng ito ay nasa paligid ng kanilang silid, nakatago kung saan, o sa madilim na lugar, at sila ay takot na takot na hindi sila naglalakas-loob na matulog. Lalong lalo na sa gabi, hindi sila magkalakas-loob na mapag-isa sa silid, o mag-isa sa patyo. Iyan ang espirituwal na daigdig ng inyong guni-guni, at ito ay mundo na iniisip ng mga tao na nakatatakot. Sa katunayan, ang bawat isa ay may ilang guni-guni, at ang bawat isa ay makararamdam ng isang bagay.

Magsimula tayo sa espirituwal na daigdig. Ano ang espirituwal na daigdig? Hayaan ninyong bigyan Ko kayo ng maigsi at payak na paliwanag. Ang espirituwal na daigdig ay isang mahalagang lugar, isa na naiiba mula sa materyal na mundo. At bakit Ko sinasabi na ito ay mahalaga? Pag-uusapan natin ang tungkol dito nang detalyado. Ang pag-iral ng espirituwal na daigdig ay mayroong hindi maihihiwalay na kaugnayan sa materyal na mundo ng sangkatauhan. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng tao sa kapamahalaan ng Diyos sa lahat ng bagay; ito ang papel nito, at ang isa sa mga dahilan kung bakit ang pag-iral nito ay mahalaga. Sapagkat ito ay isang lugar na hindi naaaninaw ng limang pandama, walang sinumang makahahatol nang wasto kung ito ay umiiral o hindi. Ang mga pangyayari sa espirituwal na daigdig ay matalik na nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan, kaya naman ang kaayusan ng buhay ng sangkatauhan ay lubhang naimpluwensiyahan ng espirituwal na daigdig. May kaugnayan ba ito sa dakilang kapangyarihan ng Diyos? Mayroon ito. Kapag sinasabi Ko ito, naiintindihan ninyo kung bakit Ko tinatalakay ang paksang ito: Sapagkat ito ay may kaugnayan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at sa Kanyang pamamahala. Sa isang mundo na katulad nito-isang hindi nakikita ng mga tao-ito ang bawat kautusan ng langit, atas at sistema sa pamamahala nito ay higit na mas mataas kaysa sa mga batas at mga sistema ng alinmang bansa sa materyal na mundo, at walang nilalang na nabubuhay sa mundong ito na mangangahas na labagin o salungatin ang mga ito. Nauugnay ba ito sa dakilang kapangyarihan at pamamahala ng Diyos? Sa mundong ito, may mga malinaw na mga atas administratibo, malinaw na mga panlangit na kautusan, at malinaw na mga alituntunin. Sa magkakaibang antas at sa magkakaibang lugar, ang mga tagapamahala ay mahigpit na namamalagi sa kanilang tungkulin at sumusunod sa mga patakaran at mga tuntunin, sapagkat alam nila kung ano ang magiging kalalabasan sa paglabag sa mga kautusan ng langit, nalalaman nila nang malinaw kung paano pinarurusahan ng Diyos ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti, at kung paano Niya pinangangasiwaan ang lahat ng bagay, kung paano Niya pinamamahalaan ang lahat ng bagay, at, mangyari pa, malinaw nilang nakikita kung paano pinatutupad ng Diyos ang Kanyang mga panlangit na kautusan at mga batas. Ang mga ito ba ay kaiba sa materyal na mundo na tinitirhan ng sangkatauhan? Malaki ang kanilang pinagkaiba. Ito ay isang mundo na lubos na naiiba sa materyal na mundo. Yamang mayroong mga panlangit na kautusan, at mga batas, may kinalaman ito sa dakilang kapangyarihan, pamamahala ng Diyos, at, mangyari pa, sa disposisyon ng Diyos at sa kung anong mayroon at kung ano Siya. Sa pagkarinig nito, hindi ba ninyo nararamdaman na kailangan na talaga para sa Akin na magsalita ukol sa paksang ito? Ayaw ba ninyong malaman ang nakapaloob na mga lihim? (Hindi, gusto namin.) Ang gayon ay ang konsepto sa espirituwal na daigdig. Bagama't ito ay kasabay na umiiral sa materyal na mundo, at sabay na napaiilalim sa pamamahala at dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang pamamahala at dakilang kapangyarihan ng Diyos sa mundong ito ay higit na mas mahigpit kaysa doon sa materyal na mundo. Pagdating sa mga detalye, dapat tayong magsimula sa kung paanong ang espirituwal na daigdig ay may pananagutan para sa gawain ng pag-inog ng buhay at kamatayan ng sangkatauhan, sapagkat ang gawaing ito ay isang malaking bahagi ng gawain ng mga nilalang sa espirituwal na daigdig.

Sa gitna ng sangkatauhan, inuuri Ko ang mga tao sa tatlong uri. Ang unang uri ay ang mga hindi sumasampalataya, ang mga walang relihiyosong pananampalataya. Sila ang mga tinatawag na hindi sumasampalataya. Ang higit na nakararaming hindi sumasampalataya ay naniniwala lamang sa salapi, hinahanap lamang nila ang kanilang sariling mga kapakinabangan, sila ay mga materyoso, at ang pinaniniwalaan lamang nila ay ang materyal na mundo, hindi ang pag-inog ng buhay at kamatayan, o anumang mga kasabihan tungkol sa mga diyos at mga espiritu. Inuuri Ko sila bilang mga hindi sumasampalataya, at sila ang unang uri. Ang ikalawang uri ay ang iba't ibang tao na may pananampalataya na hiwalay mula sa mga hindi sumasampalataya. Sa gitna ng sangkatauhan, hinahati Ko ang mga taong ito na may pananampalataya sa ilang pangunahing uri: Ang una ay ang mga Judio, ang ikalawa ay ang mga Katoliko, ang ikatlo ay ang mga Kristiyano, ang ikaapat ay ang mga Muslim, at ang ikalima ay ang mga Buddhist-may limang uri. Ito ang iba't ibang uri ng mga taong may pananampalataya. Ang ikatlong uri ay yaong mga naniniwala sa Diyos, na may kinalaman sa inyo. Ang uri ng mga sumasampalatayang ito ay yaong mga sumusunod sa Diyos sa araw na ito. Ang mga taong ito ay nahahati sa dalawang uri: Ang hinirang na mga tao ng Diyos at ang mga taga-serbisyo. Malinaw na makikilala ang pagkakaiba ng dalawang pangunahing uring ito. Kaya ngayon, sa inyong mga isip malinaw ninyong makikilala ang pagkakaiba ng mga uri at mga antas ng mga tao, tama ba? Ang una ay ang mga taong hindi sumasampalataya-nasabi Ko na kung ano ang mga hindi sumasampalataya. Ang mga naniniwala ba sa Matandang Lalaki sa Langit ay mabibilang na hindi sumasampalataya? Marami sa mga taong hindi samasampalataya ay naniniwala lamang sa Matandang Lalaki sa Langit; naniniwala sila na ang hangin, ulan, at ang kulog ay lahat kontrolado nitong Matandang Lalaki sa Langit, na kanilang inaasahan sa pagtatanim ng mga halamang nakakain at ang pag-aani-ngunit sa pagbanggit sa pananampalataya sa Diyos ay umaayaw sila. Matatawag ba itong pananampalataya sa Diyos? Ang gayong mga tao ay nabibilang sa mga hindi sumasampalataya. Nauunawaan mo ito, tama ba? Hwag magkakamali sa mga kategoryang ito. Ang ikalawang uri ay ang mga tao ng pananampalataya. Ang ikatlong uri ay yaong sumusunod sa Diyos sa araw na ito. At bakit Ko hinati ang mga tao sa tatlong uri na ito? (Sapagkat ang iba-ibang uri ng mga tao ay may magkakaibang katapusan at hantungan.) Yaon ay isang aspeto. Sapagkat, kapag yaong iba't ibang lahi at uri ng mga tao ay magbalik sa espirituwal na daigdig, sila ay magkakaroon ng magkakaibang lugar na pupuntahan, sila ay isasailalim sa iba't ibang kautusan ng pag-inog ng buhay at kamatayan, at ito ang dahilan kung bakit Ko inuri ang mga tao sa mga pangunahing uring ito.

Hinango mula sa "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

________________________________

Higit pang pansin: 

Makipag-chat sa Amin
Kung nais mong malaman kung paano salubungin ang Panginoon, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin.
© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia