Ang Pag-alam Kung Ano Katotohanan ang Tanging Daan Upang Masalubong ang Panginoon

15.04.2021

Ano ang katotohanan? Ano ang relasyon sa pagitan ng isyung ito at pagsalubong sa Panginoon? Sa katunayan, ipinropesiya ng Panginoong Jesus matagal na, "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan" (Juan 16:12-13). Ang kabanata 2 at 3 ng Aklat ng Pahayag ay ipinropesiya ng maraming beses: "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Ang mga propesiya na ito ay pinapakita na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng mga bagong salita at gagabayan ang mga tao na maunawaan at makapasok sa lahat ng mga katotohanan. Kaya kung ninanais nating salubungin ang Panginoon, dapat nating malaman kung ano ang katotohanan; magiging labis na mahirap para sa atin na masalubong ang Panginoon kung walang pag-alam sa kung ano ang katotohanan.

Halimbawa, nang nagpakita ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ibinigay Niya sa tao ang daan ng pagsisisi at nagpahayag ng katotohanan upang tustusan at pastulan ang tao at resolbahin ang kanilang praktikal na paghihirap. Gayunpaman, dahil ang mga Fariseo, na pamilyar sa Biblia, ay hindi alam kung ano ang katotohanan, inakusahan nila ang Panginoong Jesus na nagsasalita ng kalapastanganan, at ipinako pa sa krus ang Panginoong Jesus na nagpahayag ng katotohanan, kaya't napala nila ang parusa at sumpa ng Diyos. Malinaw, napakahalaga para sa atin na malaman kung ano ang katotohanan, dahil direkta itong nauugnay sa ating huling tadhana. Kung gayon, ano nga ba ang katotohanan? Paano natin makikilala ang katotohanan at salubungin ang Panginoon? Tayo ay mag-fellowship at tuklasin natin ito sa ibaba.

Ano ang Katotohanan?

Kung nais mong malaman kung ano ang katotohanan, kailangan muna nating malaman ang pinagmulan ng katotohanan. Una nating tignan kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kung ano ang katotohanan: "Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios" (Juan 1:1). Sinabi ng Panginoong Jesus, "Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay" (Juan 14:6). Mula rito makikita natin na ang Salita ay Diyos, ang mga salita ng Diyos, at ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Ang Salita na naging katawang-tao ay tumutukoy sa Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao, iyon ay, ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay nagmula sa katawang-tao. Ito ay tiyak sapagkat si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao at nagtataglay ng banal na diwa, ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos na si Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Si Cristo lamang ang maaaring magpahayag ng katotohanan at magdala sa tao ng daan at ng buhay.

Basahin naman natin ang dalawa pang talata ng salita ng Diyos, at mas mauunawaan natin kung ano ang katotohanan. Sabi ng mga salita ng Diyos: "Ang katotohanan ay nagmumula sa mundo ng tao, subalit ang katotohanang nasa tao ay ipinapasa ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, ibig sabihin, mula sa Diyos Mismo, at hindi ito isang bagay na kaya ng tao."

"Ang katotohanan ang pinakatunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas sa gayong mga talinghaga sa buong sangkatauhan. Sapagkat hinihiling ito ng Diyos sa tao, at ito ang gawaing personal na ginagampanan ng Diyos, kaya't tinatawag itong 'talinghaga ng buhay'. Hindi ito isang talinghagang binuo mula sa kung anong bagay, o hindi rin ito isang tanyag na banggit mula sa isang dakilang tao. Sa halip, ito ang binibigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay; hindi ito ilang salita na nilagom ng tao, kundi ang likas na buhay ng Diyos. Kaya nga ito ang tinatawag na 'pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay.'"

Tulad ng nakikita, ang katotohanan ay nagmumula sa Diyos at naipapahayag sa pamamagitan ni Cristo, at lahat ng sinasabi ni Cristo ay ang katotohanan. Ang salita ng Diyos na ipinapahayag ni Cristo ay tunay na pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at ano ang Diyos, ang misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos at mga kinakailangan ng Diyos at intensiyon sa sangkatauhan. Lahat ng Kanyang mga salita ay ang katotohanan. Ang mga ito ay kailangang-kailangan na mga prinsipyo at direksyon para sa ating buhay, pag-uugali at pagsamba sa Diyos; ito ang mga daan ng buhay na ibinigay sa atin ng Diyos. Ang katotohanan ay kung ano ang buhay ng Diyos at nagdadala ito ng awtoridad at kapangyarihan, kaya't ang katotohanan lamang ang makakapagligtas at makapagbabago ng tao, at maging buhay na walang hanggan ng tao. Sa pamamagitan ng pag-asa sa katotohanan upang mabuhay, maisasabuhay natin ang wangis ng isang tunay na tao, at sa gayo'y makilala ang Diyos, magpasakop sa Diyos, sumamba sa Diyos, maging kaayon ng Diyos, at sa huli ay maakay sa kaharian ng Diyos. Lahat ng mga ito ang resulta na nakamit ng katotohanang ipinahayag ng Diyos. Ang mga katotohanang ito ay hindi maipapahayag ng sinumang tao. Kahit pa ang salita ng mga tanyag na espirituwal na pigura ay nakabubuti para sa mga tao, hindi ito ang katotohanan, ngunit ilang limitadong karanasan at pag-unawa sa katotohanan. Maaari lamang itong kumatawan sa pananaw, ideya, at pag-unawa ng tao, pati na rin ang kanilang personal na tayog at kaalaman sa Diyos at sa katotohanan. Kahit gaano kataas ang kanilang kaalaman at gaano man umaayon ang kanilang salita sa katotohanan, maaari lamang itong pansamantalang makatulong at suportahan tayo, at hindi nito makakamit ang resulta ng pagliligtas at pagbabago ng tao o pagiging buhay ng tao.

Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, halimbawa, ang mga tao ay nagkagagawa ng mas maraming kasalanan, hindi masunod ang mga batas at naharap sa peligro na mapatay ng mga batas. Laban sa senaryong ito, sinong sikat na espirituwal na pigura o lider ng relihiyon ang maaaring magbigay sa tao ng mga bagong landas ng kasanayan at bigyan sila ng kung ano ang kailangan nila sa buhay? Walang sinuman. Tanging nang dumating lang ang Panginoong Jesucristo, binigyan Niya ang tao ng daan ng pagsisisi at ginawa ang gawain ng pagtubos upang mapalaya ang sangkatauhan sa kasalanan, kung saan ang mga tao ay hindi na hinatulan o pinarusahan ng mga batas. Ang katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus ay hindi lamang pinaalam sa tao ang awa at pag-ibig ng Diyos at pinakita ang napakadakilang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan, ngunit ipinakita rin nito sa tao ang mga bagong landas na susundan-upang mangumpisal at magsisi, mahalin ang kanilang mga kaaway, maging mapagpakumbaba, mapagpasensya at mapagpatawad, mahalin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, lakas at isipan, pasanin ang kanilang krus, maging ilaw at asin, atbp. Ang mga katotohanang ito ay mga bagong landas ng pagsasagawa para sa mga tao noong panahong iyon at kailangang-kailangan na mga prinsipyo at direksyon para sa kanilang buhay, pag-uugali at pagsamba sa Diyos; maaari nilang iligtas at mabago ang tao, at maging buhay na walang hanggan ng tao. Ang mga taong nagsanay alinsunod sa mga salita ng Panginoong Jesus ay nagbago sa iba't ibang antas-nagagawa nilang tiisin at patawarin ang iba, at isabuhay ang normal na pagkatao. Ito ang mga kinalabasan na nakamit ng katotohanan na ipinahayag ng Panginoong Jesus sa mga tao.

Mula rito makikita natin na tanging si Cristo ang maaaring magpahayag ng katotohanan, magpakita sa tao ng bagong landas ng pagsasagawa, at iligtas at baguhin ang tao, at maging walang hanggang buhay ng tao. Ang Kanyang mga salita ay hindi maaring salitain ng kahit sinong sikat na espirituwal na tao o ng lider ng relihiyon, at ito ay isang bagay na hindi makakamit ng kahit sino sa kanila. Dahil alam na natin kung ano ang katotohanan, mayroon na tayong bagong daan para salubungin ang Panginoon. Kapag naririnig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, kung nais nating malaman kung ito ay totoo, kailangan lamang nating maging masigasig sa paghahanap at pagsisiyasat upang makita kung ang daan na ito ay naglalaman ng mga pagpapahayag ng katotohanan at kung maaari itong magtustos para sa ating buhay o hindi. 

Si Cristo ay Nagpapahayag ng Katotohanan Batay sa Pangangailangan ng Tao

Matapos nating malaman kung ano ang katotohanan, dapat din nating malaman kung anong mga katotohanan ang ibibigay sa atin ng Diyos upang maging ating buhay sa mga huling araw. Sa paggawa nito ay makasisiguro na magagawa nating masalubong ang Panginoon. Sa totoo lang, ang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan upang tustusan ang tao ayon sa mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan sa iba't ibang panahon. Halimbawa, sa mga huling panahon ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ay hindi nagawang sundin ang mga batas at nasa panganib na mahatulan ng kamatayan. Samakatuwid, ayon sa mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan, ang Diyos ay gumawa ng isang yugto ng gawain ng pagtubos upang patawarin ang mga kasalanan ng tao at itinuro sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ang landas na kailangan nilang pasukin. Sa pagsasagawa ng katotohanan na ipinahayag ng Panginoong Jesus, medyo nagbago ang ating pag-uugali, subalit hindi maikakaila na madalas pa rin tayong magkasala at sumalungat sa mga turo ng Panginoon. Halimbawa, nagsisinungaling at nanloloko tayo alang-alang sa ating sariling interes; maaari tayong mainggit at mapoot sa iba; tayo ay mayabang at palalo, nagpapakitang-gilas, itinataas ang ating sarili at minamaliit ang iba; kapag nakatagpo tayo ng natural at gawang tao na mga sakuna, o mga pagsubok at pagdurusa, sinisisi pa rin natin at ipinagkakanulo ang Diyos; kapag ang gawain ng Diyos ay hindi umaayon sa ating mga kuru-kuro, hinahatulan pa rin natin at nilalabanan ang Diyos; ...Kahit na pinagsisikapan nating pigilan ang ating sarili, hindi pa rin natin maiwasang makagawa ng kasalanan, hindi maalis ang mga gapos at hadlang ng kasalanan. Ito ay sapagkat ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi gawain ng pagpapahayag ng katotohanan upang linisin ang tao at ito ang gagawin ng Diyos sa pagbabalik Niya sa mga huling araw. Katulad ng minsang ipinropesiya ng Panginoong Jesus: "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). "At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka't hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:47-48). "Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo'y katotohanan" (Juan 17:17). At sinasabi sa 1 Pedro 4:17: "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios." Ipinopropesiya sa Pahayag 22:14: "Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan."

Tulad ng makikita mula sa mga propesiya na ito, sapagkat ang tayog ng mga tao sa panahong iyon ay napakababa, sa Kapanahunan ng Biyaya ang Panginoong Jesus ay hindi nagpahayag ng masyadong maraming katotohanan o binigyan tayo ng isang paraan upang malutas ang ating satanikong kalikasan. Sa gayon ay ipinropesiya ng Panginoon na Siya ay babalik, na Siya ay magpapahayag ng higit pa at mas mataas na mga katotohanan, at gagawin Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos-hahatulan Niya at lilinisin ang ating mga masasamang disposisyon sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain at mga salita. Na ibig sabihin, sa mga huling araw ay magpapahayag ang Diyos ng maraming katotohanan kaysa sa lahat ng nasa Biblia upang dalisayin at baguhin ang tao, na pinapahintulutan tayong ganap na makatakas mula sa kasalanan at sa huli ay makapasok sa kaharian ng Diyos. Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa Panginoon at pagkamit ng katotohanan na ibibigay sa atin ng Diyos sa mga huling araw maaari tayong madalisay at maligtas. 

Narinig Mo na Ba ang Katotohanan na Ipinahayag ng Cristo ng mga Huling Araw?

Sa mundo ngayon, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos lamang ang bukas na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang Makapangyarihang Diyos. Pinatototohanan nila na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng maraming katotohanan at isiniwalat ang mga misteryo sa Biblia, at nagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos upang iligtas at linisin ang tao, inililigtas tayo nang lubusan mula sa kadena ng kasalanan. Ganap nitong natutupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus na nagpapahayag ng katotohanan upang isagawa ang gawain ng paghatol.

Basahin natin ang ilan pa sa mga talata ng mga salita ng Diyos: "Bagama't maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."

"Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba't ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos."

Napakalinaw ng mga salita ng Diyos; ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya na pinatawad ang mga tao sa kanilang mga kasalanan at pinalaya sila mula sa pagkondena ng mga batas. Gayunpaman, hindi tayo pinawalang-sala ng Panginoong Jesus sa ating makasalanang kalikasan at satanikong disposisyon, kaya napakahirap para sa atin na makatakas sa paulit-ulit na pagkakasala at pagtatapat at hindi pa rin natin maiwaksi ang mga kadena at paghihigpit ng kasalanan gaano mang hirap nating subukan.

Samakatuwid, alinsunod sa ating mga pangangailangan bilang tiwaling sangkatauhan, ang Diyos ay ginawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at ganap Niyang ipinahayag sa atin ang Kanyang matuwid, maharlika, galit na disposisyon na hindi pinapayagan ang pagkakasala. Ipinapahayag Niya ang lahat ng katotohanan para sa pagdadalisay, pagliligtas at pagpeperpekto sa tao upang lubos na matanggal ang sanhi ng ating mga kasalanan. Ang katotohanang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw ay ang katotohanan ng buhay na dapat taglayin ng mga tao sa Kapanahunan ng Kaharian. Sinasabi sa atin ng Diyos ang Kanyang mga hangarin sa paglikha ng sangkatauhan, at isinisiwalat ang lahat ng mga misteryo ng Kanyang plano ng pamamahala upang iligtas ang sangkatauhan: Ang misteryo ng tatlong yugto ng Kanyang gawain, ang diwa at nakapaloob na katotohanan ng bawat yugto ng Kanyang gawain, ang misteryo ng Kanyang pagkakatawang-tao, kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at kung paano matatakot ang mga tao sa Diyos at umiwas sa kasamaan, pati na rin kung paano tinitiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at mga taktika at panlilinlang ni Satanas upang itiwali ang sangkatauhan, at iba pa. Maliban sa pagsabi sa atin ng lahat ng mga katotohanang ito, inilalantad din at sinusuri ng Diyos ang ugat na sanhi ng paglaban ng tao sa Diyos, pinapayagan tayong malaman ang katotohanan at ang diwa ng sangkatauhan na tiniwali ni Satanas, at ipinapakita Niya sa atin ang landas upang maalis ang ating katiwalian at makamit ang pagbabago sa disposisyon. Bukod pa, sinasabi sa atin ng Diyos kung paano mabuhay ang normal na sangkatauhan, kung paano maging matapat na tao, kung paano maging mga taong sumusunod sa Diyos, mahal ang Diyos, at natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at higit pa. Kung tatanggapin natin ang katotohanan bilang buhay na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, makakamit natin ang pagbabago sa disposisyon ng ating buhay, at maging mga taong may katotohanan at pagkatao. Ang mga nasabing tao ay ang mga nakakamit ng katotohanan at ginawang perpekto ng Diyos, ang mga nakatakas sa madilim na impluwensya ni Satanas at nakamit ng Diyos, at ang mga sumusunod sa Diyos, nagmamahal sa Diyos, gumagawa ng kalooban ng Diyos, at umaayon sa Diyos. Ang mga nasabing tao ay ang mga papasok sa kaharian ng Diyos at makakamit ang buhay na walang hanggan.

Pag-isipan natin ang tungkol dito: Sinong sikat na espirituwal na pigura ang maaaring magpahayag ng mga katotohanang ito? Sino ang lubos na makakapagpaliwanag sa misteryo ng gawain ng Diyos? Sino ang makakapagpahayag ng katotohanan upang linisin at iligtas ang tao at pakawalan sila mula sa kadena ng kasalan? Bukod sa Diyos Mismo, walang sinuman ang may kakayahang magpahayag ng mga katotohanan; tanging ang Diyos ang maaaring makapagpahayag ng katotohanan upang linisin at iligtas ang tao-ito ay ang katotohanang hindi maipagkakaila. Ngayon ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay nailathala sa online para sa lahat ng sangkatauhan na maghahanap at magsisiyasat. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, maraming mga tao na uhaw sa katotohanan ang nakakilala sa mga ito bilang katotohanan, bilang tinig ng Diyos, at isa-isa silang bumalik sa Makapangyarihang Diyos. Sumailalim sila sa paghatol at pagkastigo ng Diyos at naranasan ang paglilinis at pagbabago ng kanilang tiwaling disposisyon; lumikha sila ng iba't ibang patotoo. May mga patotoo sa pagkamit ng tunay na pagsisisi at pagbabago ng kanilang disposisyon sa buhay sa pamamagitan ng pagsasailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos; may mga patotoo sa pagsasagawa ng katotohanan at pagiging matapat na tao at matapat na paggawa ng kanilang tungkulin; may mga patotoo ng pagsunod at pagmamahal sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok at pagpipino; mayroon ding mga patotoo ng mga mananagumpay, at marami pa. Ang mga patotoong ito ay nailathala sa online para makita ng lahat ng tao ang mga ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at makakapagpalinis at makakapagligtas ng tao, na ang Diyos ay nakamit na ang isang grupo ng tao na kaisa ng Kanyang isip, at na ang kaharian ng Diyos ay bumaba na sa lupa.

Ngayon, ang mga malalaking sakuna ay nangyayari at ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng Diyos sa mga huling araw ay nalalapit nang matapos. Sa importanteng oras na ito, kung hindi pa rin natin hahanapin at sisiyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, ano ang magiging huling kalalabasan natin? Ang Makapangyarihang Diyos ay pinapayuhan tayo: "Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan."

______________________ 

Rekomendasyon: Tagalog Sermons 

© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia