Ano ang Pagkakatawang-tao? Paano Natin Makikilala ang Katawan ng Nagkatawang-taong Diyos?
Bagaman maraming tao ang nakakaalam na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, ang nagkatawang-taong Diyos Mismo, hindi nila maipaliwanag nang malinaw kung ano ang pagkakatawang-tao. Gayunpaman, ang pag-unawa sa kung ano ang pagkakatawang-tao ay mahalaga para sa atin sa pagtanggap sa Panginoon. Ito'y sapagkat ang Biblia ay may maraming propesiya na ang Panginoon ay magkakatawang-tao muli sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw. Halimbawa, "Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip" (Mateo 24:44). "Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mateo 24:27). "Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). Binabanggit ng mga propesiya na ito na "paririto ang Anak ng tao" at "ang pagparito ng Anak ng tao." Ang "Anak ng tao" ay tumutukoy sa nagkatawang-taong Diyos, ang Isa na ipinanganak ng tao at nagtataglay ng normal na katauhan. Gayunpaman, ang Espiritu ng Diyos o ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus pagkatapos na Siya ay nabuhay na mag-uli, ay lubhang hindi kapani-paniwala, at samakatuwid ay hindi matatawag na Anak ng tao. Kaya, matutukoy natin na "paririto ang Anak ng tao" at "ang pagparito ng Anak ng tao" na ipinropesiya ng Panginoong Jesus ay tumutukoy sa Diyos na nagbabalik na nagkatawang-tao sa mga huling araw. Sa partikular, ang propesiya ng Panginoon, "Datapuwa't kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" ay karagdagang patunay na ang Panginoon ay magpapakita sa katawang-tao sa Kanyang pagbabalik. Kung hindi Siya nagkatawang-tao sa laman, hindi Siya maghihirap ng higit, mas lalong hindi ang tanggihan ng henerasyong ito. Katulad ng Panginoong Jesus na naging katawang-tao upang gampanan ang Kaniyang gawain, sapagkat hindi alam ng mga Fariseo kung ano ang pagkakatawang-tao, itinuring nila Siya bilang isang ordinaryong tao, at galit na galit pa na nilabanan at kinondena Siya. Sa huli, ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus, sa gayon ay natamo ang parusa at sumpa ng Diyos. Sa mga huling araw, ang Panginoon ay muling nagkatawang-tao bilang Anak ng tao upang gumawa sa gitna ng mga tao, at kung hindi natin maintindihan kung ano ang pagkakatawang-tao, hindi ba't malamang na maaaring makagawa tayo ng parehong pagkakamali tulad ng mga Fariseo? Kung gayon ano ang pagkakatawang-tao? Halina't ifellowship natin ang isyung ito.
Ano Ang Pagkakatawang-tao?
Sabi sa Biblia, "Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios" (Juan 1:1).
Sabi ng mga salita ng Diyos, "Ang 'pagkakatawang-tao' ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao."
"Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo."
"Dahil Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, nangingibabaw Siya sa lahat ng taong nilikha, nangingibabaw sa sinumang taong makakagawa ng gawain ng Diyos. Kaya nga, sa lahat ng may katawan ng taong kagaya ng sa Kanya, sa lahat ng nagtataglay ng pagkatao, Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao-lahat ng iba pa ay mga taong nilikha. Bagama't lahat sila ay may pagkatao, walang ibang taglay ang mga tao maliban sa pagkatao, samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang Siya may pagkatao kundi, ang mas mahalaga, mayroon Siyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang katawan at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap mahiwatigan. Dahil naipapahayag lamang ang Kanyang pagka-Diyos kapag Siya ay may pagkatao, at hindi higit-sa-karaniwan na tulad ng iniisip ng mga tao, napakahirap para sa mga tao na makita ito. Kahit ngayon, hirap na hirap ang mga tao na arukin ang totoong diwa ng Diyos na nagkatawang-tao. Kahit matapos Akong magsalita nang napakahaba tungkol dito, inaasahan Ko na isa pa rin itong hiwaga sa karamihan sa inyo. Sa katunayan, napakasimple ng isyung ito: Dahil naging tao ang Diyos, ang Kanyang diwa ay isang kumbinasyon ng pagkatao at ng pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, Diyos Mismo sa lupa."
Ipinapakita sa atin ng mga salitang ito na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nangangahulugang ang Espiritu ng Diyos ay maisasakatuparan sa katawang-tao na may normal na katauhan at normal na pag-iisip ng tao, at dahil doon ay naging isang ordinaryo at karaniwan na tao na gumagawa at nagsasalita sa mga tao. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay may parehong normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Bagaman Siya ay mukhang isang ordinaryo, normal na tao mula sa labas, ang Kanyang diwa ay Diyos. Kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ang pagka-makapangyarihan sa lahat at karunungan ng Diyos, ang kabanalan at katuwiran ng Diyos, at ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos-ang lahat ng mga ito ay naisakatuparan sa katawang-tao. Ang katawang-tao na ito ay si Cristo. Sapagkat ang nagkatawang-tao na si Cristo ay may ganap na pagka-Diyos, maaari Niyang katawanin ang Diyos, at maaaring ipahayag ang katotohanan upang iligtas ang mga tao sa kakayahan ng Diyos. Sapagkat ang nagkatawang-tao na si Cristo ay may ganap na pagka-Diyos, maaari Niyang ibigay sa mga tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at maaaring ipahayag ang katotohanan anumang oras at saanman, tinutustusan at tinutubigan ang tao. Sapagkat ang nagkatawang-tao na si Cristo ay may ganap na pagka-Diyos, maaari Niyang ipahayag ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Walang nilalang ang may kakayahan ng mga ganitong bagay. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao, ang Cristo. Siya ay nagpakita na isang ordinaryo, karaniwan na tao mula sa labas, ngunit nagtataglay Siya ng isang banal na diwa, kayang ipahayag ang katotohanan upang tustusan at pastulan ang tao, at nagawang gawin ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Sapagkat ang Panginoong Jesuscristo lamang ang may ganap na pagka-Diyos, may taglay ng pagkakakilanlan at diwa ng Diyos, at kayang gawin ang gawain ng Diyos, masasabi nating Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang Diyos Mismo.
Kaya, ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nangangahulugang ang Espiritu ng Diyos ay maisasakatuparan sa katawang-tao, at nagiging isang ordinaryo, normal na tao sa gitna ng mundo ng tao, upang gawin ang Kanyang gawain at iligtas ang tao. Ito ang Salita na nagkatawang-tao.
Paano Kilalanin ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga Huling Araw
Matapos maunawaan kung ano ang pagkakatawang-tao, marahil ang ilang mga tao ay magtatanong kung paano makatiyak tungkol sa nagkatawang-taong Diyos upang masalubong ang Panginoon kapag naririnig ang isang taong nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik sa katawang-tao. Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos, "Hindi mahirap magsiyasat tungkol sa gayong bagay, ngunit kinakailangan nito na malaman ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito: Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam."
Mula rito makikita natin na kung ito ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi maaaring matukoy batay sa Kanyang hitsura, sapagkat sa panlabas na hitsura, si Cristo ay isang ordinaryo at normal na Anak ng tao. Kung hindi tayo nagtataglay ng isang naghahanap na puso, at hindi kikilalanin si Cristo sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain, napakahirap para sa atin na malaman ang Kanyang banal na diwa at maging tiyak sa Kanyang pagkakakilanlan bilang ang nagkatawang-taong Diyos. Kaya, upang masalubong ang Panginoon, dapat nating siyasatin ang Kanyang gawain at mga salita upang makita kung ang Kanyang ipinapahayag ay ang katotohanan, kung ang Kanyang mga salita ay nagpapakita ng disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, at kung ang katotohanan na Kanyang ipinapahayag at ang Kanyang gawain ay maaaring makaligtas sa mga tao. Sa pamamagitan lamang ng paggawa nito makikilala natin si Cristo na nagkatawang-tao at masasalubong ang Panginoon. Tulad nang nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kaniyang gawain, ang paraan na Kanyang ipinangaral at ang mga hinihiling na ginawa Niya sa tao ay ang lahat ng katotohanan at lahat ng mga pagpapakita ng disposisyon ng buhay ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Ang mga himalang ginawa Niya, tulad ng pagpapatahimik sa hangin at dagat, pagbuhay ng mga patay, pagpapakain ng limang libo ng limang tinapay at dalawang isda at iba pa, ay lahat pawang mga pagpapakita ng sariling awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Kung ang Panginoon ay walang banal na diwa, maipapahayag ba Niya ang katotohanan at magagawa ang gawain ng Diyos Mismo? Yaong mga naghahangad ng katotohanan sa panahong iyon, tulad nina Pedro, Juan, Mateo, at Nathanael, ay kinilala mula sa gawain at mga salita ng Panginoong Jesus na Siya ang ipinangakong Mesiyas, at sa gayon ay sumunod sa Kanya at tumanggap ng Kanyang kaligtasan.
Samakatuwid, kung nais nating makilala ang nagkatawang-tao na Cristo sa mga huling araw at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon, kapag naririnig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik, dapat nating suriin kung ang Kanyang ipinahahayag ay naglalaman ng katotohanan at kung magagawa Niya na gawin ang gawain ng Diyos Mismo at ipahayag ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Sa ganitong paraan, maaari nating matiyak kung Siya ba si Cristo na nagkatawang-tao at ang bumalik na Panginoong Jesus.
Ang Panginoon ay Bumalik sa Katawang-tao
Ngayon, sa buong mundo, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos lamang ang hayagan na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang nagkatawang-tao na Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang ordinaryo, normal na tao mula sa labas, ngunit nagtataglay Siya ng banal na diwa, at maaaring ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng Diyos Mismo. Kung pag-aaralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, malalaman natin na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng milyun-milyong salita, at naihayag ang katotohanan at nagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus na pagtubos upang lubos na mailigtas at madalisay ang tao. Natutupad nito ang mga propesiya ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan" (Juan 16:12-13). "At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka't hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:47-48). "Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita Mo'y katotohanan" (Juan 17:17). At ipinopropesiya sa Pahayag 22:14, "Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan."
Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay hindi lamang hinahatulan at inilalantad ang satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan at ang katotohanan ng kanilang katiwalian, ngunit isiniwalat din ang lahat ng mga hiwaga ng anim-na-libong-taong planong pamamahala ng Diyos ng pagliligtas ng sangkatauhan, kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, ang pangangailangan at mahalagang kahulugan ng gawain ng paghatol, pati na rin ang panloob na kuwento at diwa ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay inilalantad din ang satanikong disposisyon ng sangkatauhan pati na rin ang kanilang kalikasan at diwa ng pagsalungat sa Diyos, ipinapakita sa sangkatauhan ang paraan upang linisin ang kanilang mga kasalanan, at ihayag ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, at ang natatanging awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, atbp. Ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang ganap na pagpapakita ng pagkakakilanlan at diwa ng Diyos: Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos na nagkatawang-tao, ang Cristo ng mga huling araw.
Ngayon, ang aklat ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, at lahat ng uri ng mga karanasan na patotoo mula sa mga taong pinili ng Diyos, na nakaranas ng paghatol at pagkastigo sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at na ang mga disposisyon sa buhay ay sumailalim sa pagbabago, ay available na sa publiko online para sa mga tao mula sa lahat ng mga bansa at lahat ng mga lupain upang maghanap at mag-imbestiga. Marami sa mga naghahangad na magpakita ang Diyos ay nagsiyasat sa mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos at nakita na ang Kanyang mga salita ay ang lahat ng katotohanan at ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo ay talagang malilinis at maililigtas ang mga tao. Natitiyak nila na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na bumalik, ang Cristo na nagkatawang-tao, at dumating sila sa harap ng trono ng Makapangyarihang Diyos, sa gayong paraan ay nakasusunod sa mga yapak ng Cordero at nakadadalo sa piging ng kasal ng Cordero.
Ngayon, ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay malapit nang matapos, at nagsimula na ang malalaking sakuna. Sa kritikal na oras na ito, dapat nating basahin ang higit pang mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang makita kung ito ang katotohanan at tinig ng Diyos, sapagkat sa ganitong paraan lamang natin masasalubong ang Panginoon. Kung tinatrato natin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw batay sa ating mga kuru-kuro at imahinasyon, at hindi papansinin ang banal na diwa ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, sa gayon madali natin Siyang isasaalang-alang bilang isang normal na tao, at maging isang tao na lumalaban at kinukondena si Cristo, kung gayon ay matatangay tayo ng malalaking sakuna na may labis na pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.
______________________
Sa mga huling araw, nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang gawain ng pagliligtas ng tao. Gayunpaman, dahil hindi natin nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, itinuturing natin ang nagkatawang-taong Diyos bilang isang ordinaryong tao. Hindi natin alam kung paano pakinggan ang tinig ng Diyos, mas higit na hindi alam kung paano sasalubungin ang Panginoon. Malinaw, ang pag-alam sa katotohanan ng pagkakatawang-tao ay napakahalaga para sa atin.