"Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao" | Sipi 480

18.01.2021

Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | "Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao" | Sipi 480

Ani ng ibang tao, "Gumawa si Pablo ng napakaraming gawain, at bumalikat siya ng mabibigat na pasanin para sa mga iglesia at nag-ambag nang malaki sa mga iyon. Pinagtibay ng labintatlong kasulatan ni Pablo ang 2,000 taon ng Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga ito ay pangalawa lamang sa Apat na Ebanghelyo. Sino ang maihahambing sa kanya? Walang sinuman ang makakaintindi ng Pagbubunyag ni Juan, datapwa't ang mga sulat ni Pablo ay nagbibigay-buhay, at ang gawaing kanyang ginawa ay kapaki-pakinabang sa mga iglesia. Sino pa ang maaring makagawa ng mga ganoong bagay? At ano ang gawaing ginawa ni Pedro?" Kapag sinusukat ng tao ang kanyang kapwa, ito ay ayon sa kanilang naging ambag. Kapag sinusukat ng Diyos ang tao, ito ay ayon sa kanyang kalikasan. Sa gitna niyaong mga naghahanap ng buhay, si Pablo ay isang tao na hindi alam ang kanyang sariling kakanyahan. Siya ay, sa kahit anong paraan, hindi mapagpakumbaba o masunurin, ni nalalaman niya ang kanyang substansya, na kasalungat sa Diyos. Kaya naman, siya ay isang taong hindi sumailalim sa mga detalyadong karanasan, at isang taong hindi nagsagawa ng katotohanan. Kaiba si Pedro. Alam niya ang kanyang mga kakulangan, mga kahinaan, at ang kanyang tiwaling disposisyon bilang isang nilalang ng Diyos, kaya't nagkaroon siya ng landas ng pagsasagawa kung saan sa pamamagitan nito ay mababago ang kanyang disposisyon; hindi siya isa roon sa mga mayroon lamang ng doktrina nguni't hindi nagtaglay ng katotohanan. Yaong mga nagbago ay mga bagong tao na nailigtas na, sila yaong mga may kakayahan sa paghahabol sa katotohanan. Ang mga tao na hindi nagbabago ay kabilang sa mga likas na nilipasan na; sila ay ang mga hindi nailigtas, iyon ay, yaong mga kinamuhian at itinakwil ng Diyos. Sila ay hindi gugunitain ng Diyos kahit gaano pa kadakila ang kanilang gawa. Kapag iyo itong ikinumpara sa iyong sariling paghahabol, kung ikaw sa kahuli-hulihan ay kapareho ng uri ng pagkatao ni Pedro o ni Pablo ay dapat na kitang-kita. Kung wala pa ring katotohanan sa bagay na iyong hinahanap, at kung kahit ngayon mayabang ka pa rin at walang-galang gaya ni Pablo, at bihasa pa ring magmalaki na gaya niya, kung gayon walang duda na ikaw ay isang hamak na nabibigo. Kung naghahanap ka ng kaparehas ng kay Pedro, kung naghahanap ka ng mga pagsasagawa at mga totoong pagbabago, at hindi mayabang o matigas ang ulo, nguni't naghahanap na gampanan ang iyong tungkulin, kung gayon ikaw ay magiging nilalang ng Diyos na kayang magkamit ng tagumpay. Hindi alam ni Pablo ang kanyang sariling substansya o katiwalian, lalong hindi niya alam ang kanyang sariling pagka-suwail. Hindi niya kailanman nabanggit ang kanyang kasuklam-suklam na paglaban kay Cristo, ni labis siyang nagsisi. Nag-alay lamang siya ng maiksing paliwanag, at, sa kaibuturan ng kanyang puso, hindi siya buong nagpasakop sa Diyos. Kahit na nahulog siya sa daan tungong Damasko, hindi siya tumingin sa kaibuturan ng kanyang sarili. Siya ay kuntento na lamang na manatiling gumagawa, at hindi ipinalagay ang pagkakilala sa kanyang sarili at pagbabago ng kanyang dating disposisyon na pinakamahalaga sa lahat ng mga usapin. Siya ay nasiyahan na lamang sa pagsasalita ng katotohanan, sa pagbibigay sa iba bilang isang pampalubag para sa kanyang sariling konsensya, at sa hindi na pang-uusig sa mga disipulo ni Jesus upang aliwin ang kanyang sarili at patawarin ang kanyang sarili para sa kanyang mga kasalanan noon. Ang layon na kanyang hinabol ay walang iba kung hindi isang korona sa hinaharap at panandaliang gawain, ang layon na kanyang hinabol ay masaganang biyaya. Hindi niya hinanap ang sapat na katotohanan, ni hindi siya naghanap upang umunlad nang mas malalim sa katotohanan na hindi niya naunawaan noon. At kaya ang kanyang pagkakakilala sa kanyang sarili ay masasabing mali, at hindi niya tinanggap ang pagkastigo o paghatol. Na kinaya niyang gumawa ay hindi nangangahulugang nag-angkin siya ng pagkakakilala sa kanyang sariling kalikasan o substansya; ang kanyang tuon ay sa panlabas na pagsasagawa lamang. Ang kanyang pinagsumikapan, higit pa rito, ay hindi ang pagbabago, kundi ang kaalaman. Ang kanyang gawain ay ang kabuuang resulta ng pagpapakita ni Jesus sa daan tungo sa Damasko. Ito ay hindi isang bagay na kanyang orihinal na pinagpasyahang gawin, ni hindi ito ang gawain na naganap matapos niyang tanggapin ang pagpupungos ng kanyang dating disposisyon. Kung paano man siya gumawa, ang kanyang dating disposisyon ay hindi nagbago, kaya't ang kanyang gawain ay hindi naging pantakip para sa kanyang mga dating kasalanan kundi gumanap lamang ng isang tiyak na papel sa gitna ng mga simbahan noong panahong iyon. Para sa isang taong gaya nito, na ang dating disposisyon ay hindi nagbago-na ang ibig sabihin, siyang hindi nagkamit ng kaligtasan, at higit pa ay walang taglay na katotohanan-siya ay lubos na walang kakayahang maging isa sa mga tinanggap ng Panginoong Jesus. Hindi siya isang taong puno ng pagmamahal at paggalang para kay JesuCristo, ni hindi rin siya isang bihasa sa paghahanap ng katotohanan, lalong hindi siya isa na naghanap sa misteryo ng pagkakatawang-tao. Siya ay isa lamang tao na sanáy sa panlilinlang, at isa na hindi susuko sa kahit ano na higit sa kanya o nagtaglay ng katotohanan. Kinainggitan niya ang mga tao o ang mga katotohanan na taliwas sa kanya, o laban sa kanya, at higit na gusto yaong mga biniyayaang mga tao na kilala at nagtataglay ng malalim na kaalaman. Hindi niya gustong makipagkapwa sa mga mahihirap na taong naghahanap ng tunay na daan at walang ibang pinahalagahan kung hindi ang katotohanan, at sa halip ay pinag-abalahan lamang niya ang mga nakatatandang mga tao mula sa mga relihiyosong samahan na nagsasalita lamang tungkol sa mga doktrina, at nagtataglay ng masaganang kaalaman. Wala siyang pagmamahal sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pinahalagahan ang pagkilos ng bagong gawain ng Banal na Espiritu. Sa halip, kanyang pinaburan yaong mga regulasyon at mga doktrina na mas higit kaysa pangkalahatang mga katotohanan. Sa kanyang likas na kakanyahan at sa kabuuan ng kanyang hinanap, hindi siya karapat-dapat na matawag na isang Kristiyano na naghahabol sa katotohanan, lalong hindi isang tapat na lingkod sa bahay ng Diyos, dahil ang kanyang pagbabalatkayo ay labis-labis, at ang kanyang pagkasuwail ay napakatindi. Kahit na siya ay kilala bilang isang lingkod ng Panginoong Jesus, hindi siya kahit kailan karapat-dapat na pumasok sa tarangkahan ng kaharian ng langit, dahil ang kanyang mga kilos mula sa simula hanggang katapusan ay hindi maaaring matawag na matuwid. Maaari lamang siyang makita bilang isang mapagpaimbabaw, at gumagawa ng di-pagkamatuwid, datapwa't gumagawa rin para ay Cristo. Kahit na hindi siya matatawag na masama, maaaring angkop sa kanyang matawag na isang tao na gumagawa ng di-pagkamatuwid. Gumawa siya ng maraming gawain, nguni't hindi siya dapat na hatulan sa dami ng gawain na kanyang ginawa, kundi sa kalidad nito at nilalaman lamang. Sa paraang ito lamang posibleng malaman ang pinakaugat ng bagay na ito. Parati siyang naniniwala: Kaya kong gumawa, ako ay mas magaling kaysa karamihan sa mga tao; ako ay may pagsasaalang-alang sa pasanin ng Panginoon nang higit kaninuman, at walang sinuman ang nagsisisi nang lubos kagaya ko, sapagka't ang dakilang liwanag ay sumikat sa akin, at nakita ko ang dakilang liwanag, kaya't ang aking pagsisisi ay mas malalim kaysa kaninuman. Sa panahong iyon, ito ay ang kanyang inisip sa kaibuturan ng kanyang puso. Sa katapusan ng kanyang gawain, sinabi ni Pablo: "Inilaban ko ang laban, natapos ko ang aking lakbayin, at mayroong nakalaan para sa akin na korona ng pagkamatuwid." Ang kanyang laban, gawain, at lakbayin ay buong para lamang sa kapakanan ng korona ng pagkamatuwid, at hindi siya aktibong sumulong; kahit na hindi siya napipilitan lamang sa kanyang gawain, masasabi na ang kanyang gawain ay para lamang punuan ang kanyang mga pagkakamali, upang punuan ang mga panunumbat ng kanyang konsensya. Umasa lamang siyang tapusin ang kanyang gawain, tapusin ang kanyang lakbayin, at ilaban ang kanyang laban sa lalong madaling panahon, upang makaya niyang makamit ang kanyang inaasam na korona ng pagkamatuwid nang mas maaga. Ang kanyang inasam ay hindi upang makilala ang Panginoong Jesus sa kanyang mga karanasan at tunay na kaalaman, kundi upang tapusin ang kanyang gawain sa lalong madaling panahon, upang kanyang matanggap ang mga gantimpala na nakamit ng kanyang gawain para sa kanya nang makilala niya ang Panginoong Jesus. Ginamit niya ang kanyang gawain upang aliwin ang kanyang sarili, at upang gumawa ng isang kasunduan kapalit ng isang korona sa hinaharap. Ang kanyang hinanap ay hindi ang katotohanan o ang Diyos, kundi ang korona lamang. Paano bang makaaabot sa pamantayan ang nasabing gawain? Ang kanyang pangganyak, ang kanyang gawain, ang halagang kanyang binayaran, at ang lahat ng kanyang mga pagsisikap-lumaganap sa lahat ng mga iyon ang kanyang kahanga-hangang mga pantasya, at siya ay gumawa nang buo ayon sa kanyang sariling mga kagustuhan. Sa kabuuan ng kanyang gawain, walang kahit katiting na pagkukusa sa halagang kanyang binayaran; siya ay pumapasok lamang sa isang kasunduan. Ang kanyang mga pagsisikap ay hindi ginawa nang kusa upang ganapin ang kanyang tungkulin, kundi ginawa nang kusa upang makamit ang layon ng kasunduan. Mayroon bang anumang saysay sa nasabing mga pagsisikap? Sino ang pupuri sa kanyang hindi-dalisay na mga pagsisikap? Sino ang may interes sa nasabing mga pagsisikap? Ang kanyang gawain ay puno ng mga pangarap para sa hinaharap, puno ng mga kahanga-hangang plano, at hindi naglalaman ng landas para baguhin ang disposisyon ng tao. Napakalaki sa kanyang kabaitan ay pagpapanggap; ang kanyang gawain ay hindi nagkaloob ng buhay, kundi isang paimbabaw na pagiging-magalang; ito ay ang kagagawan ng isang kasunduan. Paano maaakay ng isang gawaing gaya nito ang tao tungo sa landas ng pagpapanumbalik ng kanyang orihinal na tungkulin?

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

---------------------------

Dapat mong basahin ang mga salita ng Diyos upang makagawa ng Tagalog Devotional na tutulong sa iyo na sundan ang mga yapak ng Cordero at makibahagi sa masaganang pagkakaloob ng buhay. 

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!
© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia