Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos | Sipi 9

02.01.2021

Ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay hindi itinatago sa tao, at dapat malaman ng lahat niyaong mga sumasamba sa Diyos. Dahil tinupad ng Diyos ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao, dapat malaman ng tao ang kahayagan ng kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya sa panahon ng tatlong mga yugtong ito ng gawain. Ito ang dapat na gawin ng tao. Ang itinatago ng Diyos sa tao ay yaong hindi kayang makamtan ng tao, at yaong mga bagay na hindi dapat malaman ng tao, samantalang yaong mga ipinakikita ng Diyos sa tao ay yaong mga dapat malaman ng tao, at yaong mga dapat taglayin ng tao. Ang bawa't isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay isinasakatuparan salig sa naunang yugto; hindi ito isinasakatuparan nang paisa-isa, na hiwalay sa gawain ng pagliligtas. Kahit na mayroong mga malalaking pagkakaiba sa kapanahunan at uri ng gawain na isinasakatuparan, sa ubod nito ay ang kaligtasan pa rin ng sangkatauhan, at ang bawa't yugto ng gawain ng pagliligtas ay mas malalim kaysa nauna. Ang bawa't yugto ng gawain ay nagpapatuloy mula sa saligan ng huling sinundan, na hindi binuwag. Sa ganitong paraan, sa Kanyang gawain na laging bago at hindi naluluma, ang Diyos ay laging nagpapahayag ng aspeto ng Kanyang disposisyon na hindi kahit kailan naihahayag sa tao, at laging ibinubunyag sa tao ang Kanyang bagong gawain, at ang Kanyang bagong kabuuan, at kahit na ang mga relihiyosong konserbatibo ay gawin ang sukdulan para labanan ito, at hayag na sinasalungat ito, ang Diyos ay laging gumagawa ng bagong gawain na hinahangad Niyang gawin. Ang Kanyang gawain ay laging nagbabago, at dahil dito, ito ay laging sinasalubong ng pagsalungat ng tao. Gayon din, ang Kanyang disposisyon ay laging nagbabago, tulad ng kapanahunan at mga tagatanggap ng Kanyang gawain. Bukod dito, Siya ay laging gumagawa ng gawain na hindi pa kailanman nagawa noong una, at nagsasakatuparan din ng gawain na sa tao ay tila sumasalungat sa gawain na natapos na dati, upang salungatin ito. Ang kaya lamang ng tao ay tumanggap ng isang uri ng gawain, o isang uri ng pagsasagawa. Mahirap para sa tao ang tumanggap ng gawain, o mga paraan ng pagsasagawa, na laban sa kanila, o mas mataas sa kanila-nguni't ang Banal na Espiritu ay laging gumagawa ng bagong gawain, at sa gayon ay lumilitaw ang pangkat-pangkat ng mga dalubhasa sa relihiyon na kumokontra sa bagong gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay naging "mga dalubhasa" tiyakang dahil ang tao ay walang kaalaman tungkol sa kung paano ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman naluluma, at walang kaalaman tungkol sa mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at, higit pa rito, walang kaalaman sa maraming mga paraan kung paano inililigtas ng Diyos ang tao. Dahil dito, hindi lubos na masabi ng tao kung ito ay gawain na galing sa Banal na Espiritu, at kung ito ay gawain ng Diyos Mismo. Maraming tao ang nakakapit sa pag-uugali na, kung ito ay umaayon sa mga naunang salita, kung gayon tinatanggap nila ito, at kung mayroong mga pagkakaiba sa mga naunang gawain, kung gayon sinasalungat at tinatanggihan nila ito. Ngayon, hindi ba kayong lahat ay sumusunod sa mga prinsipyong ito? Ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas ay hindi nagkaroon ng malaking epekto sa inyo, at mayroon yaong mga naniniwala na ang naunang dalawang yugto ng gawain ay isang pasanin na hindi na kailangang alamin pa. Iniisip nila na ang mga yugtong ito ay hindi dapat ipahayag sa mga masa at dapat na bawiin sa lalong madaling panahon, upang ang mga tao ay hindi magimbal ng nakalipas na dalawang mga yugto sa tatlong mga yugto ng gawain. Karamihan ay naniniwala na ang paghahayag sa dalawang nakalipas na yugto ng gawain ay lubusang hindi kailangan, at hindi nakatutulong sa pagkilala sa Diyos-iyan ang iniisip ninyo. Ngayon, naniniwala kayong lahat na wasto ang ganitong pagkilos, nguni't ang araw ay darating na matatanto ninyo ang kahalagahan ng Aking gawain: Alamin na hindi Ako gumagawa ng anumang gawain na walang kabuluhan. Dahil Ako ay naghahayag ng tatlong mga yugto ng gawain sa inyo, kaya dapat maging kapakipakinabang ang mga iyon sa inyo; dahil ang tatlong mga yugto ng gawaing ito ay nasa kaibuturan ng buong pamamahala ng Diyos, kaya ang mga iyon ay dapat maging tuon ng lahat sa buong sansinukob. Isang araw, matatanto ninyong lahat ang kahalagahan ng gawaing ito. Alamin na sinasalungat ninyo ang gawain ng Diyos, o ginagamit ang inyong sariling mga pagkaintindi upang sukatin ang gawain ngayon, dahil hindi ninyo alam ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at dahil hindi ninyo siniseryoso nang husto ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang inyong pagsalungat sa Diyos at paghadlang sa gawain ng Banal na Espiritu ay sanhi ng inyong mga pagkaintindi at likas na kayabangan. Hindi ito dahil sa ang gawain ng Diyos ay mali, kundi dahil kayo ay likas na mga napakasuwail. Matapos masumpungan ang kanilang paniniwala sa Diyos, hindi man lamang masabi ng ibang tao nang may kasiguruhan kung saan nanggaling ang tao, bagkus malakas ang loob nilang gumawa ng mga pampublikong talumpati na sinusukat ang mga tama at mali sa gawain ng Banal na Espiritu. At pinagsasabihan pa nila ang mga apostol na may bagong gawain ng Banal na Espiritu, nagpapasa ng puna at nagsasalita nang wala sa lugar; ang kanilang pagkatao ay masyadong mababa, at walang kahit kaunting katinuan sa kanila. Hindi ba darating ang araw kung kailan ang mga taong ganoon ay itinakwil ng gawain ng Banal na Espiritu, at sinunog ng mga apoy ng impiyerno? Hindi nila alam ang gawain ng Diyos, nguni't sa halip ay pinipintasan pa ang Kanyang gawain, at sinusubukan ding turuan ang Diyos kung paano gagawa. Paano ba makikilala ng ganoong di-makatwirang mga tao ang Diyos? Nakikilala ng tao ang Diyos habang hinahanap at nararanasan Siya; hindi sa pamamagitan ng pagpintas sa Kanya ayon sa kapritso na nakikilala niya ang Diyos sa pamamagitan ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Kung mas tiyak ang pagkakilala ng tao tungkol sa Diyos, mas hindi nila Siya sinasalungat. Sa kaibahan, kapag mas kaunti ang pagkakilala ng tao sa Diyos, mas lalo nila Siyang sasalungatin. Ang iyong pagkaintindi, ang iyong lumang kalikasan, at ang iyong katauhan, asal at moral na pananaw ay ang "puhunan" na ipinanlalaban mo sa Diyos, at habang ikaw ay mas tiwali, hamak at mababa, mas kaaway ka ng Diyos. Silang mga nagtataglay ng nakahahapis na mga pagkaintindi at mayroong sariling-pagkamatuwid na disposisyon ay mas lalong kaaway ng Diyos na nagkatawang-tao, at ang mga taong ganoon ay ang mga anticristo. Kung ang iyong mga pagkaintindi ay hindi naitama, kung gayon ang mga ito ay laging magiging laban sa Diyos; hindi ka kailanman magiging angkop sa Diyos, at laging malalayo sa Kanya.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

________________________________________

Ang salita ng Diyos ang kailangan natin sa ating buhay. Ang Daily Bread Tagalog ay nagbibigay-daan sa inyo na magkaroon ng isang malapit na ugnayan sa Diyos. 

Makipag-chat sa Amin
Kung nais mong malaman kung paano salubungin ang Panginoon, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin.



© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia