Paano Natin Makakamit ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan?
Isang gabi, Si Kapatid Gao ay nagmamadali, na kapit ang Bibliya at kumakaripas papunta sa bahay ni Kapatid Gui ...
Nang makarating siya doon, silang dalawa ay naupo sa sopa.
Binuksan ni Kapatid Gao ang Bibliya at sinabi, "Kapatid Gui, nakatagpo ako ng problema sa aking pagbabasa ng Bibliya at hindi ko alam kung paano malulutas ito. Sa palagay ko ang problemang ito ay susi sa atin na makamit ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng ating pananalig sa Panginoon, kaya nagmadali akong pumunta dito upang hanapin ang sagot kasama ka."
Ngumiti si Kapatid Gui at sinabi, "OK. Sabihin mo sa akin ang lahat ng tungkol dito."
At sinabi ni Kapatid Gao, "Alam nating lahat na ang Bibliya ay ang kanyon ng Kristiyanismo at dapat basahin ito ng lahat ng mga Kristiyano. Maging sa pagdalo natin sa mga pagtitipon, pagsasagawa ng ating mga espiritwal na debosyon, pangangaral ng ebanghelyo o pagbibigay ng mga sermon, lagi tayong dapat sumunod sa Bibliya. Samakatuwid, maaari nating sabihin na ang Bibliya ay bahagi ng ating buhay na hindi maaaring wala sa atin. Ang mga naunang gawain ng Diyos ay naitala sa Bibliya pati na rin ang mga patotoo ng maraming tao. Tayo ay matatag na naniniwala na ang Bibliya ay naglalaman ng buhay sa loob nito, at hangga't matiyaga nating binabasa ang Bibliya gayon ay makakakuha tayo ng buhay na walang hanggan. Ngunit nang pinag-aaralan ko ang Bibliya ngayong gabi, nakita ko na sinabi ng Panginoong Jesus: 'Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay' (Juan 5:39-40). Ito ay talagang gumugulo sa akin, dahil sa pagkakita sa Bibliya bilang naglalaman ng mga salita ng Diyos at mga patotoo ng tao, kung gayon sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya ay makakapagkamit tayo ng buhay na walang hanggan. Kaya, bakit kaya sinabi ng Panginoong Jesus na ang buhay na walang hanggan ay wala sa loob ng Bibliya? Paano natin maiintindihan ang mga salitang ito? Hindi ko talaga nauunawaan ito ng malinaw, kaya pinagtatakhan ko kung ano ang iyong pag-unawa dito. "
Sinabi ni Kapatid Gui, "Kapatid na Gao, ang isyung iniangat mo ay talagang susi! Ang ilan pang mga katrabaho at ako ay nalilito din sa isyung ito kamakailan. Pagkaraan, nang dumalo kami sa isang pagtitipon sa labas ng bayan, hinanap namin ang kasagutan kasama ng maraming mga kapatid hanggang sa wakas ay naunawaan namin ang isyung ito. "
Masayang sinabi ni Kapatid Gao, "Talaga? Salamat sa Panginoon! Bilisan mo at ipakibahagi mo sa akin ang tungkol dito!"
Sinabi ni Kapatid Gui, "Sige! Sa katunayan, kung nais nating maunawaan ang isyung ito, kailangan nating maunawaan ang panloob na kwento sa mga gawain na isinagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya na naitala sa Bibliya, pati na rin ang mga resulta na nakamit ng mga gawain na ito , at magkagayon ay mauunawaan natin kung bakit sinabi ng Panginoong Jesus ang ganoong bagay. Una sa lahat, sa Kapanahunan ng Kautusan na naitala sa Lumang Tipan, ang mga salitang binigkas ng Diyos na si Jehova ay pangunahin upang ipahayag ang batas at ang Kanyang mga utos at pamunuan ang mga Israelita sa kanilang buhay sa mundo. Ang mga resulta na Kanyang nakamit ay Kanyang tinuruan ang mga tao kung paano mamuhay nang normal, upang malaman kung paano gumawa ng mga handog at purihin ang Diyos at malaman kung ano ang kasalanan, at iba pa. Ngunit ang mga ito ay mga simpleng katotohanan lamang, at hindi malapit sa kung paano makakamit ng tao ang buhay, mas lalong ang makakapagkamit ng buhay na walang hanggan. Itinala ng Bagong Tipan ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, lalo na ang Kanyang gawain upang tubusin ang sangkatauhan, na nagbibigay sa tao ng paraan ng pagsisisi, sinasabi sa tao na ang kaharian ng langit ay malapit na at dapat magsisi ang bawat isa. Ang mga resultang Kanyang nakamit ay hinayaan Niya ang mga tao na umamin at magsisi, sa gayo'y pinatawad ang kanilang mga kasalanan, at ang mga tao ay nagawa na gawin ang ilang mga panlabas na mabubuting gawa, tulad ng hindi pangungupit o pagnanakaw, hindi pakikipag-away sa iba o sa pasalitang pang-aabuso sa iba at hindi pag-inom ng alak. Ang ilang mga tao ay nagawang magtrabaho nang may kasigasigan, ginugol ang kanilang sarili para sa Panginoon at ibinibigay ang lahat upang sumunod sa Panginoon at ipangaral ang Kanyang ebanghelyo, at iba pa.
"Samakatuwid, sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya, nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa ay nilikha ng Diyos, na ipinahayag ng Diyos ang Kaniyang batas at mga kautusan sa Kapanahunan ng Kautusan, nalaman ng sangkatauhan kung paano mabuhay sa mundo ng naaayon sa mga hinihingi ng Diyos, at nakita natin na ang disposisyon ng Diyos ay malinaw at tunay, na ang Diyos ay maaaring sumpain at parusahan ang mga tao pati na rin ang ipakita sa atin ang awa. Nalaman din natin na dapat nating aminin at pagsisihan ang ating mga kasalanan sa Diyos, na dapat nating patawarin ang iba, mahalin ang ating mga kaaway at maging asin at ang liwanag. Dapat nating pasanin ang ating krus at ipalaganap ang ebanghelyo at makita na mahal ng Panginoong Jesus ang Kanyang kapwa gaya ng Kanyang Sarili at binigyan niya ng walang katapusang awa at kagandahang-loob ang tao, at makita na tanging sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng kaligtasan ng Panginoon ay matatamasa natin ang masaganang biyaya at pagpapala ng Diyos. Samakatuwid, ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos mula sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya na naitala sa Bibliya ay batay sa antas ng katiwalian ng sangkatauhan at sa ating mga pangangailangan sa oras na iyon. Ang mga salita ng Diyos na si Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan ay binigkas upang tayo ay magawang mamuhay ng normal sa lupa, at ang mga salitang binigkas ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay matatawag lamang na paraan upang ang tao ay magsisi, at hindi ang daan ng buhay na walang hanggan.
"Kaya ano eksakto ang daan ng buhay na walang hanggan? Ang daan ng buhay na walang hanggan ay ang paraan upang tayo ay hindi na mapapasa-ilalim sa mga gapos at mga hadlang ng kasalanan, na makakapagpalit sa ating mga disposisyon sa buhay upang ito ay magbago at ang daan ng katotohanan na nagpapahintulot sa atin na mabuhay magpakailanman. Lalo na, maaari nitong iligtas tayo mula sa kasalanan, makapagpatamo sa atin ng katotohanan bilang ating buhay at lubusang maitaboy ang impluwensya ni Satanas, magawa tayong tunay na makilala ang Diyos, sumunod sa Diyos at sumamba sa Diyos, at hindi na gumawa ng kasalanan at labanan o pagtaksilan Ang Diyos-sa pamamagitan lamang ng pagkamit ng mga resultang ito mahahanap natin ang daan ng buhay na walang hanggan. Ngunit kung pagninilay-nilay natin ang ating sarili, makikita natin na, kahit na marunong tayo sa Bibliya at maaari nating isagawa ang ilang mga panlabas na mabubuting gawa, ang ating makasalanang kalikasan ay nananatiling malalim na nakaugat sa loob natin at may kakayahang pa rin tayong gumawa ng kasalanan nang hindi sinasadya. Halimbawa, may kakayahang pa rin tayong maging mapagmataas at makasarili at maaari nating hindi magawa ang makisama ng may kapayapaan sa ating mga kamag-anak, kaibigan, at mga kapatid sa simbahan, kaya't maaari nating matahin ang iba, pagyabangan ang iba, ibukod ang iba, at hatulan ang iba. Kapag nakatatagpo tayo ng mga isyu na may kaugnayan sa pera o ang nakakaapekto sa ating mga pansariling interes, tayo ay may kakayahang lokohin ang isa't-isa at magsagawa ng panlilinlang. Habang naglilingkod tayo sa Diyos, may kakayahang tayong magpatotoo sa ating mga sarili at itaas ang ating mga sarili upang magawa ang iba na tingalain tayo at idolohin tayo. Kapag nakamit natin ang katayuan, may kakayahan tayong ibilanggo at kontrolin ang iba, na hinahati sa maliliit na grupo ang simbahan at nagtatatag ng ating sariling independyenteng mga kaharian. Kapag nagaganap ang mga sakuna, gawa man ng tao o natural, madalas nating sinisisi ang Diyos at hindi natin maintindihan Siya, higit pa na mas maipagkanulo natin Siya. Ilan lamang ito sa mga halimbawa. Kaya't maliwanag na ang mga gawain na isinagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng kautusan at Kapanahunan ng biyaya ay nakamit ang resulta sa mga tao na magkaroon ng kamalayan sa kanilang mga kasalanan at maaari silang magsisi at mangumpisal ng kanilang mga kasalanan, ngunit ang gawain ng paglilinis at pagbabago ng ating mga disposisyon sa buhay ay hindi pa nagawa. Sinabi ng Panginoong Jesus: 'Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man' (Juan 8:34-35). 'Kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal' (Levitico 11:45). Na tayo ngayon ay may kakayahang madalas na gumawa ng mga kasalanan at na ang ating mga tiwaling disposisyon ay hindi nalinis at ginagawa tayong mga alipin ng kasalanan; hindi pa natin nahahanap ang daan ng buhay na walang hanggan at hindi karapat-dapat na salubungin ang Diyos. "
Matapos pakinggan ang pakikipagbahagi ni Kapatid Gui, maalalahaning sinabi ni kapatid Gao na, "kapatid Gui, tunay kang nagbabahagi. Ang gawaing isinagawa ng Diyos na si Jehova noong Kapanahunan ng Kautusan ay ang pagpapahayag ng batas at mga utos, pinangungunahan ang buhay ng tao at tinuruan sila kung paano sambahin ang Diyos. Sa Kapanahunan ng biyaya, tinubos tayo ng Panginoong Jesus at tinulutan tayo ng paraan ng pagsisisi. Matapos tayong manalig sa Panginoon, kahit na ang ating mga kasalanan ay pinatawad, ang ating tiwaling kalikasan ay na-nanatiling malalim na nakaugat at tayo ay may kakayahan pa ring gumawa ng kasalanan ng di-sinasadya, pagiging mainitin ng ulo at pagsisinungaling paminsan-minsan, at paghihimagsik laban sa Diyos-hindi pa rin tayo nalinis. Kapatid Gui, bilang ganyang kaso, kung tatanggapin lamang natin ang mga gawain ng Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya, ang ibig sabihin ba noon ay hindi natin maalis ang kasalanan at hindi makakamit ang buhay na walang hanggan? Tama ba ang pagkaintindi ko?"
Sinabi ni kapatid Gui, "Talagang tama ka."
Nagpatuloy si Kapatid Gao. "Kung gayon, dahil hindi natin makakamit ang buhay na walang hanggan sa pagbabasa ng Bibliya, paano natin makakamit ang buhay na walang hanggan?"
Inalis ni Kapatid Gui ang kanyang salamin at pinunasan. Matapos ang ilang malalim na pag-iisip, sinabi niya, "Sa lahat ng pagbahagian sa bawat pagtitipon na dinaluhan ko, sa wakas naintindihan ko na ang sangkatauhan ay namamatay lamang dahil nahiwalay tayo sa Diyos, dahil hindi natin tinuturing ang mga salita ng Diyos bilang ating buhay, at dahil nabubuhay tayo sa kasalanan. Hangga't maaari nating lutasin ang problemang ito ng kasalanan at hayaan ang katotohanan na maging ating buhay, sa gayon ay pagpapalain tayo ng Diyos upang hindi tayo mamatay, at pagpapalain tayo ng buhay na walang hanggan. Samakatuwid, ang mga nakakasumpong ng daan ng buhay na walang hanggan ay hindi na kontrolado ng mga satanikong tiwaling disposisyon ng pagmamataas, panlilinlang, pagiging makasarili at kasamaan, at matapos nilang ituring ang katotohanan bilang kanilang buhay, hindi na sila muling gagawa ng kasalanan at lalaban sa Diyos, at sila ay naging ayon kay Cristo. Tanging ang Diyos ang nagtataglay ng daan ng buhay na walang hanggan at tanging Diyos lamang ang makapagkaloob nito sa atin. Kaya't kailan ba eksaktong ipagkakaloob ng Diyos ang daan ng buhay na walang hanggan? Tayong lahat ay nagkakaisa na ito ay sa mga huling araw, at ang paniniwalang ito ay sinusuportahan ng Bibliya, tulad ng iprinopesiya ng Panginoong Jesus: 'Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating' (Juan 16:12-13). Sinasabi sa Mga Hebreo 9:28: 'Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.' Ito rin ay iprinopesiya pitong beses sa Pahayag kabanata 2 at 3: 'Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.' Sinabi din dito na ang prutas ng puno ng buhay na kung saan ay nasa paraiso ng Diyos at ang nakatagong manna ay ibibigay sa tao. Ito rin ay maaaring makita na, kapag ang Panginoon ay nagbalik sa mga huling araw, Siya ay lalampas sa Bibliya at ihahayag ang lahat ng mga katotohanan na magpapahintulot sa atin na makamit ang buhay na walang hanggan. Kapag tinanggap natin ang katotohanan na inihayag ni Cristo ng mga huling araw, kapag ang disposisyon natin sa buhay ay nabago, kapag ang ating mga kasalanan ay nalinis at itinuring ang katotohanan bilang ating buhay, gayon makakamit natin ang daan sa buhay na walang hanggan, at tanging sa ganoon lamang tayo magiging kwalipikado na madala sa kaharian ng langit."
Humigop si kapatid Gui ng tsaa at nagpatuloy, sinabing, "Nakakita ako ng talata ng mga salita ng Diyos sa website ng ebanghelyo na nagsabing: 'Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, hindi mo kailanman makukuha ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagka't ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay' ('Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan'). Ang daan ng buhay na walang hanggan ay nagmumula kay Cristo ng mga huling araw at hindi mula sa Bibliya. Itinala lamang ng Bibliya ang dalawang nakaraang yugto ng gawain ng Diyos at ito ay patotoo lamang sa Diyos; hindi ito kumakatawan sa awtoridad ng Diyos, kapangyarihan ng Diyos, at sa buhay na walang hanggan ng Diyos. Tanging si Cristo lamang ang Panginoon ng Bibliya at ang mapagkukunan ng lahat ng buhay. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: 'Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay' (Juan 5:39-40). Kung kakapit lamang tayo sa Bibliya at hindi naghahanap o magsaliksik sa gawain ng nagbalik na Panginoon, hindi na natin masasalubong ang pagpapakita ng Panginoon at magiging imposible para sa atin na makakuha ng buhay na walang hanggan. Ang pag-unawa sa mga bagay na ito ay mahalaga sa pagkamit ng buhay na walang hanggan at pagpunta sa langit sa pamamagitan ng ating pananalig sa Panginoon. "
Ang mukha ni Kapatid Gao ay nagliwanag ng may kasiyahan at puno ng galak na nagsabi, "Salamat sa Panginoon sa Kanyang kaliwanagan at gabay! Sa wakas naiintindihan ko na ang Bibliya ay patotoo lamang sa Diyos at hindi ito naglalaman ng buhay na walang hanggan. Tanging si Cristo lamang ng mga huling araw ang nagtataglay ng daan ng buhay na walang hanggan, at tanging pagkatapos lamang nating makamit ang katotohanan na ipinahayag ni Cristo ng mga huling araw at ang ating tiwaling disposisyon ay nalinis na maaari nating makamit ang buhay na walang hanggan at makapasok sa kaharian ng langit. Hindi ba iyon ang tama, kapatid Gui?"
At si Kapatid Gui ay nagsabi, "Tama yan! Kailangan nating tanggapin ang gawain ni Cristo ng mga huling araw, at tanging sa gayon lamang tayo magkakaroon ng pagkakataon na makamit ang daan ng walang hanggang buhay. Pasalamatan ang Panginoon!"
Sinabi ni Kapatid Gao, "Pasalamatan ang Panginoon!"
______________________
Malaman ang higit pa: • Pag-aaral ng Biblia