Bumalik Na Ang Tagapagligtas: Narinig Mo Ba ang Pagkatok ng Panginoon?
Bumalik Na Ang Tagapagligtas: Narinig Mo Ba ang Pagkatok ng Panginoon?
Sa mga huling araw na puno ng mga sakuna, ang pagnanais na tanggapin ang Panginoon sa lalong madaling panahon ang tinig ng puso ng bawat tunay na naniniwala sa Panginoon. Kaya paano natin matatanggap ang Panginoon? Sinabi na sa atin ng mga salita ng Diyos ang landas.
Ipinropesiya ito sa Aklat ng Pahayag, "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko" (Pahayag 3:20).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos-sapagka't kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."
Ngayon, ang Panginoon ay bumalik na bilang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Ipinahayag Niya ang katotohanan at ginawa ang gawain ng pagdadalisay at pagliligtas sa mga tao. Kapag naririnig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik upang bumigkas ng mga salita, dapat tayong magpakumbabang maghanap at magsiyasat upang marinig kung ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinig ng Diyos. Ito ang tanging paraan upang malugod nating masalubong ang Panginoon at makadalo sa piging kasama Niya."
Sinasabi sa atin ng Pahayag 3:20 na sa pagbabalik ng Panginoon, bibigkas Siya ng mga salita upang kumatok sa mga pintuan ng ating mga puso. Kaya, kung nais nating matanggap ang Panginoon, dapat nating bigyang pansin ang pakikinig sa tinig ng Diyos. Kapag naririnig natin ang isang tao na nagpatotoo na ang Panginoon ay bumalik, nagpahayag ng mga bagong salita at nagsagawa ng bagong gawain, dapat tayong maging katulad ng mga matalinong dalaga, na aktibong naghahanap at nakikinig ng mga salita upang makita kung ang mga salitang ito ay tinig ng Diyos at nagdadala ng awtoridad at kapangyarihan. Kapag nakilala natin ang tinig ng Diyos, sa gayon tanggapin natin at sundin ito. Dahil dito, maaari nating masalubong ang Panginoon at makasalo sa piging kasama ang Panginoon.
Narinig mo na ba ang tinig ng Diyos? Kung hindi pa, kung gayon ay I-click at basahin ang page ng ebanghelyo na Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng "Puting Ulap" upang siyasatin ang pagbabalik ng Panginoon at tanggapin ang Pangin
_____________________
Maraming tao ang nagpatotoo sa pagbabalik ng Panginoon. Paano ba natin matutukoy na bumalik na ang Panginoon? At paano dapat natin matanggap ang muling pagbabalik ng Panginoon? Ang mga sagot ay nasa artikulong ito.