Paano Mapapalakas ang Pananampalataya sa Diyos sa Abalang Trabaho

12.05.2021

Panimula: Kung madalas kang walang oras upang dumalo sa mga pagpupulong at sa gayon ay lumayo sa Diyos dahil sa abala sa trabaho, sasabihin sa iyo ng susunod na artikulo kung paano mapapalakas ang pananampalataya sa Diyos sa abalang buhay. Magmadali na basahin ito ngayon!

Minamahal na mga kapatid,

Ako ay isang bagong mananampalataya na katatanggap lamang ng gawain ng Diyos. Bagaman alam kong mahalaga ang pagdalo sa mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos bilang isang Kristiyano at nais ko ring kumilos nang naaayon sa kung ano ang mga hinihingi ng Diyos, subalit upang kumita ng mas maraming pera at makapamuhay nang dekalidad na buhay, abala ako sa paggawa ng pera at mga panlipunang pakikipag-ugnayan at walang panahon upang dumalo sa mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Kahit na kumikita ng pera, lagi akong nakararamdam ng pagkahungkag at nagkakautang sa Panginoon. Mayroon akong tanong: Paano ako dapat pumili sa pagitan ng kaabalahan sa trabaho at sa mga pagtitipon sa aking pananampalataya sa Diyos?

Lubos na Gumagalang,

Xiaodong

Dear Xiaodong,

Ang tanong na ito ay lumito rin sa akin sa mahabang panahon. Kalaunan, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at sa pagbabahagian at pagtustos ng mga kapatiran, naunawaan ko ang ilang mga katotohanan, nakita nang malinaw kung bakit ako abala sa aking trabaho at naunawaan ang mga intensyon ng Diyos, kaya't nakagagawa ng tamang pagpili sa pagitan ng trabaho at ng mga pagtitipon. Sa ibaba, ibabahagi ko ang tungkol sa aking kaalaman. Umaasa ako na makakatulong ito sa iyo.

Para sa Ano ang Desperadong Pagtatrabaho Natin?

Upang malutas ang suliranin ng kawalan ng oras para sa mga pagtitipon dahil sa abalang trabaho, dapat muna nating malaman kung ano ang dahilan kung bakit tayo nagtatrabaho nang matindi. Sinasabi ng ilang mga tao na nagtatrabaho sila upang buhayin ang kanilang mga pamilya. Kung nagtatrabaho lamang tayo para buhayin ang ating pamilya, karamihan sa atin ay hindi magiging ubod nang abala na wala tayong oras upang dumalo ng mga pagpupulong at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, nagtatrabaho tayo nang matindi hindi lamang para buhayin ang ating mga pamilya, kundi para rin masapatan ang ating labis-labis na mga panlamang inaasam. Gusto nating kumita ng mas maraming pera, bumili ng mga bahay at sasakyan upang matamasa ang dekalidad na buhay at hangaan ng iba at tingalain tayo ng ibang tao. Para sa kapakanan ng kaginhawaan sa laman o para sa pagtingala at paghanga ng iba, nagtatrabaho tayo ng obertaym at inilalaan pa ang buong oras at lakas natin sa paggawa ng pera. Hindi lamang ang katawan natin ang napapagod, kundi nawawalan din tayo ng oras upang lumapit sa Diyos at sambahin Siya. Walang kamalayan, tayo'y napapalayo nang napapalayo sa Diyos at naiwawala ang pagkakataon na mailigtas ng Diyos sa huli.

Sabi ng mga salita ng Diyos, "Sa katunayan, gaano man katayog ang mga mithiin ng tao, gaano man kamakatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano man maaaring kaangkop ang mga ito, ang lahat ng ninanais matamo ng tao, ang lahat ng hinahanap ng tao, ay pawang nauugnay sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang mahalaga sa buhay ng bawa't tao, at ang mga ito ay mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Ano ang dalawang salitang ito? Ang mga ito ay 'katanyagan' at 'pakinabang.' Si Satanas ay gumagamit ng isang napakatusong uri ng paraan, isang paraang lubos na kaayon ng mga kuru-kuro ng mga tao, na hindi naman radikal, kung saan ay nagiging sanhi na walang kamalayang tanggapin ng mga tao ang uri ng pamumuhay nito, ang mga patakaran nito upang mabuhay, at magtatatag ng mga layunin sa buhay at kanilang direksyon sa buhay, at sa ganoon nagkakaroon din sila ng mga ambisyon sa buhay nang hindi namamalayan. Gaano man katayog magmistula ang mga mithiing ito sa buhay, ang mga ito ay pawang nauugnay sa 'katanyagan' at 'pakinabang.' Sinumang dakila o tanyag na tao-lahat ng tao, sa katunayan-anumang bagay na sinusunod nila sa buhay ay nauugnay lamang sa dalawang salitang ito: 'katanyagan' at 'pakinabang.' Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng katanyagan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito upang tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang masiyahan sa buhay. Iniisip nila na ang katanyagan at pakinabang ay mga uri ng puhunan na maaari nilang gamitin upang magkamit ng isang buhay na mapaghanap-ng-kaluguran at walang-pakundangan sa pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito na iniimbot ng sangkatauhan, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana, kay Satanas. Ginagawa nila ito nang wala ni isang sandali ng pag-aatubili, kailanman ay mangmang sa pangangailangan na mabawi ang lahat ng naibigay na nila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling manganlong sila kay Satanas sa ganitong paraan at maging tapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na nalublob sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa katanyagan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang maliwanag, ang matuwid, o ang mga bagay na maganda at mabuti. Ito ay dahil sa ang nakatutuksong kapangyarihan na mayroon ang katanyagan at pakinabang sa mga tao ay napakalaki; at ang mga ito ay nagiging mga bagay para hangarin ng mga tao sa buong buhay nila at maging sa walang hanggan nang walang katapusan. Hindi ba ito totoo?"

Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Ang mga satanikong batas ng pamumuhay tulad ng "Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa," "Mamamatay ang tao para sa pera; mamamatay ang ibon para sa pagkain," "Mamukod-tangi," at "Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan kahit saan man siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad," ay nakatanim sa loob natin mula pa sa pagkabata. Naimpluwensyahan ng mga batas na ito, itinataguyod nating lahat ang pera, nag-iimbot sa mga pisikal na kasiyahan, at hinahangad na mamuhay sa tuktok, na may katanyagan, pakinabang at higit sa lahat posisyon. Pinamamahalaan ng mga maling saloobing ito, nagtatrabaho tayo hindi lamang para sa pagbuhay ng pamilya kundi para magkaroon ng karera upang matamo ang pagtingala at paghanga ng ibang tao. Kung kaya't, tayo'y nagiging mga makina na gumagawa ng pera, namumuhay ng nakakapagod at miserableng buhay. Sa paghahangad ng katanyagan at pakinabang, ang mga puso natin ay napapalayo nang napapalayo mula sa Diyos at unti-unti tayong nawawalan ng interes sa ating pananampalataya at pagsamba sa Diyos. Ang ilang mga tao pa nga ay nag-iisip na ang pagdalo sa mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay umaantala sa pagkita nila ng pera. Kaya humihinto sila sa pagdalo sa mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Nang hindi namamalayan, naiwawala nila ang normal na relasyon sa Diyos. Makikita mula rito na ginagamit lamang ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang hulihinllllllll tayo palayo mula sa Diyos, hinahayaan tayong mabuhol sa pera, katanyagan, pakinabang at laman, ginugulo at sinisira ang ating normal na relasyon sa Diyos, na ginagawa tayong lumayo mula at pagtaksilan ang Diyos at lubusan tayong inilalayo sa huli. Ito ang mga pakana at masasamang balak ni Satanas. Kaya, dapat nating makita nang malinaw na ang katanyagan at pakinabang ay isa sa mga paraan ni Satanas upang linlangin, pinsalain at lamunin tayo. Maling landas para sa atin ang hangarin ang katanyagan at pakinabang. Matapos nating malaman at makilala ang ating panloob na maling mga pananaw ng paghahangad, maaari tayong makagawa ng tamang pagpili sa pagitan ng trabaho at pananampalataya sa Diyos.

Tanging ang Tuluy-tuloy na Pagdalo sa mga Pagtitipon Ang Maaaring Aprubahan ng Diyos

Dapat nating malaman na ang pagdalo sa mga pagtitipon ay mahalagang pagsasanay sa paniniwala at pagsamba sa Diyos. Ito ay dahil binabasa at pinagbabahagian natin ang tungkol sa mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon. Tanging kung mas higit tayong nagbabasa ng mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon na mauunawaan natin ang katotohanan at ang mga hangarin at kinakailangan ng Diyos nang mas mabilis. Kaya, kapag nakakaharap ng mga bagay, maaari tayong madalas na makapagsanay nang naaayon sa mga salita ng Diyos at makakapasok tayo sa realidad ng katotohanan at makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Samakatuwid, kung nakakapagpatuloy tayo sa pagdalo sa mga pagtitipon ay kritikal para sa atin upang sang-ayunan ng Diyos. Ang tunay na mananampalataya sa Diyos ay dapat madalas na lumapit sa harap ng Diyos, dumadalo sa mga pagtitipon at higit pang nagbabasa ng mga salita ng Diyos. Kung sinusundan natin ang Diyos sa litong paraan, inaabala ang ating mga sarili sa ating trabaho at pamilya nang buong araw at hindi nagbibigay-pansin sa pagdalo sa mga pagtitipon, mas lalo na sa pagsasanay ng mga salita ng Diyos, paano natin makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos?

Sabi ng mga salita ng Diyos, "Mayroon ka lamang matatamo mula sa iyong pananampalataya sa Diyos kung ituturing mo itong pinakadakilang bagay sa iyong buhay, mas mahalaga pa kaysa pagkain, damit, o anupaman! Kung naniniwala ka lamang kapag may panahon ka, at hindi mo kayang ilaan ang buong pansin mo sa iyong pananampalataya, at kung palagi kang nakalublob sa kalituhan, wala kang mapapala." Mula sa mga salitang ito makikita natin na bilang mananampalataya sa Diyos, dapat nating iprayoridad ang paniniwala0p at pagsamba sa Diyos. Kung hindi, maaalis tayo kung maniniwala tayo sa Diyos nang basta-basta lang. Kaya, ang pagpapanatili ng normal na relasyon sa Diyos, pagdalo sa mga pagtitipon, pagdarasal at pakikipag-usap ng katotohanan ay ang dapat isagawa ng bawat isang mananampalataya sa Diyos at ang responsibilidad ng isang nilikhang nilalang na dapat gampanan. Kung tayo ay kuntento na sa pagtanggap sa Diyos gamit ang ating mga bibig, at paniniwala sa Kanya sa loob ng ating mga puso, hindi nagbibigay-pansin sa mga pagtitipon at pakikipag-usap sa katotohanan, wala tayong relasyon sa Diyos kung gayon. Sa mga mata ng Diyos, wala tayong pagkakaiba sa mga di-mananampalataya. Kaya, kahit pa maniwala tayo sa Diyos hanggang sa huli, hindi tayo sasang-ayunan ng Diyos o magkakamit ng katotohanan at ng buhay, at ang ating hantungan ay siguradong katulad din sa mga di-mananampalataya, kinasusuklaman, tinatanggihan at inaalis ng Diyos. Samakatuwid, kung nakakapagpatuloy tayo sa pagdalo sa mga pagtitipon at napapanatili ang malapit na relasyon sa Diyos ay direktang nauugnay sa kung maaari nating makamit ang katotohanan at pagsang-ayon ng Diyos.

Ang Ating Pinagtatrabahuan ay Tunay na Lugar Din Kung Saan Maaari Nating Maranasan ang Salita ng Diyos

Kung hindi natin hinahangad ang yaman, katanyagan at pakinabang bagkus ay abala lamang sa ating trabaho, ano ang dapat nating gawin? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Ang Diyos ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan" (Juan 4:24). Ang Diyos ay Espiritu at maaari natin Siyang sambahin gamit ang isang tapat na puso at bumuo ng isang normal na relasyon sa Kanya sa saanmang lugar, at anumang oras. Sa isang banda, kapag tayo ay nagtatrabaho, bagaman ginagawa natin ang trabaho gamit ang ating mga kamay, maaari nating itahimik ang ating mga puso sa harap ng Diyos, isinasaisip ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos at pinagninilayan ang katotohanan sa mga salita ng Diyos.

Sa kabilang banda, ang ating pinagtatrabahuan ay isang lugar din na kung saan maaari nating maranasan ang mga salita ng Diyos. Dati, iniisip ko na ang trabaho ay trabaho at ang pananampalataya ay pananampalataya at na ang pagtitipon lamang ang tunay na nangangahulugan ng totoong pagsamba sa Diyos; hindi ko lamang talaga alam kung paano hanapin ang katotohanan at ang mga hangarin ng Diyos sa pinagtatrabahuan. Sa katunayan, hindi mahalaga kung ang mga tao, pangyayari, at mga bagay na nakakasalamuha natin ay malaki o maliit, sila ay maingat na isinaayos ng Diyos para sa atin. Kung wala tayong Diyos sa loob ng puso natin o sa paghahanap ng katotohanan, kung sinusuri at pinag-aaralan lamang natin ang katotohanan gamit ang ating utak at hindi makasunod sa kapamahalaan ng Diyos, naiipit sa ideya ng tama at mali, nagrereklamo at hindi naiintindihan ang Diyos, mauuwi tayo sa labis na pag-aalala at mahuhulog sa kadiliman. Tanging kung hinahanap lamang natin ang mga hangarin ng Diyos na maaari tayong magkaroon ng daan pasulong. Halimbawa, isang pangyayari sa nakaraan, nakita ko na marami sa aking mga kasamahan sa kumpanya ang tinatamad sa kanilang trabaho, nagsasabi ng mga kaaya-ayang pakinggan na mga salita sa harap ng lider ngunit tinatamad sa tunay na trabaho. Noong una, nakadama ako ng pagkasuklam sa ganitong uri ng kanilang pag-uugali. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, naramdaman ko na sila ay tamad at hindi mapagkakatiwalaan, ginagawa ang trabaho nang mas mabilis at kumikita ng mas maraming pera, habang maingat at seryoso ako sa aking trabaho, mas mabagal ang paggawa ng trabaho kaysa sa kanila at kumikita ng mas kaunting pera kaysa sa kanila. Kaya, naramdaman ko na ito ay hindi patas at nagsimulang maging tamad tulad ng ginagawa nila, ngunit nakaramdam ako ng sobrang pagkabalisa sa puso ko. Pagkatapos lamang nung lumapit ako sa harap ng Diyos upang manalangin na napagtanto kong nabubuhay ako sa mga satanikong pananaw ng buhay, hindi ako kumilos tulad ng isang matapat na tao, at nakikilahok ako sa panlilinlang upang kumita ng pera, nang walang anumang dignidad at integridad. Nang maglaon, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nakita kong gusto ng Diyos ang matatapat na tao, pinagpapala ang matatapat na tao at hinihiling sa atin na maging matatapat na tao. Matapos kong maunawaan ito, nanalangin ako sa Diyos: "O Diyos! Hindi mahalaga kung paano gumawa ang ibang mga kasamahan ko, hindi ko susundin ang kanilang halimbawa. Sinusuri Mo ang ginagawa ko at tinitingnan din ito ni satanas. Dapat kong isagawa ang Iyong salita at panindigan ang patotoo." Nang nagsanay ako alinsunod sa mga salita ng Diyos, naramdaman kong napuno ako ng ginhawa. Nang maglaon, napag-alaman na hindi ako tamad at hindi katulad ng ibang mga kasamahan, hindi lamang iniatas sa akin ng aking boss ang mahalagang gawain, ngunit tumaas din ang aking suweldo at sinabi sa akin na panatag siya sa aking trabaho. Pagkatapos lamang ng karanasang ito nakita ko na maaari nating maranasan at maisagawa ang mga salita ng Diyos hindi lamang sa buhay-iglesia kundi pati na rin sa totoong buhay. Kaya, sa trabaho, hangga't hinahanap natin ang katotohanan at gumagawa nang ayon sa mga hangarin ng Diyos sa lahat ng mga bagay, gagabayan tayo ng Diyos.

Brother Xiaodong, umaasa ako na ang aking ibinahagi ay maaaring makatulong sa iyo.

Lubos na Gumagalang,

Xiaomin

______________________

Malaman ang higit pa: 

Ano ang kahulugan ng pananampalataya 

Tagalog Sermon Tungkol sa Pananampalataya  

© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia