Tagalog Christian Song With Lyrics | Ang Mga Hindi Tumatanggap sa Katotohanan ay Hindi

01.04.2021
I
Sa pakikinig ng katotohanan at salita ng buhay,
maaari mong isipin na isang salita lamang
sa libu-libong salita na 'to
ang tunay na tumutugma
sa 'yong iniisip at sa Biblia,
hanapin sa ika-10,000 ng mga salita.
Payo ng Diyos na maging mapagpakumbaba,
huwag masyadong magtiwala sa sarili,
at huwag itaas ang sarili.
Di ba't ika'y 'di karapat-dapat
sa pagliligtas ng Diyos
kung 'di mo matanggap
ang katotohanang malinaw na ipinahayag?
Di ba't ikaw ang di sapat na mapalad
na muling makabalik sa harap ng trono ng Diyos?
II
Sa kaunting paggalang sa Diyos
higit na liwanag ang iyong makakamit.
Kung iyong suriin at pag-isipan ang mga salitang ito,
makikita kung ito nga'y katotohanan,
kung ito'y buhay.
Wag pikit-matang husgahan ang salita ng Diyos
dahil sa mga huwad na Cristo sa mga huling araw.
Wag lapastanganin ang Banal na Espiritu
dahil sa takot mong mailigaw.
Di ba't ika'y 'di karapat-dapat
sa pagliligtas ng Diyos
kung hindi mo matanggap
ang katotohanang malinaw na ipinahayag?
Di ba't ikaw ang di sapat na mapalad
na muling makabalik sa harap ng trono ng Diyos?
III
Pagkalipas ng iyong pagsasaliksik at pag-aaral,
kung sa tingin mo ang mga salitang ito'y hindi
ang katotohanan, ang daan, o pagpapahayag ng Diyos,
ika'y paparusahan, ang pagpapala sa iyo'y mawawala.
Di ba't ika'y 'di karapat-dapat
sa pagliligtas ng Diyos
kung 'di mo matanggap
ang katotohanang malinaw na ipinahayag?
Di ba't ikaw ang di sapat na mapalad
na muling makabalik sa harap ng trono ng Diyos?

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

______________________

Rekomendasyon: 

• Filipino Christian Song  

• Bakit Mahalaga ang Kaligtasan? Paano Makakamtan ang Walang-Hanggang Kaligtasan

 Makinig sa mas marami pang tagalog gospel songs upang mapalapit sa Diyos! 

© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia