Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” | Sipi 525

28.12.2020
Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | "Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol" | Sipi 525

Kinakastigo at hinahatulan ng Diyos ang tao dahil kinakailangan ito ng Kanyang gawain, at, higit sa rito, kailangan ito ng tao. Kailangan ng tao na makastigo at mahatulan, at sa gayon lamang niya makakamit ang pag-ibig ng Diyos. Ngayon, lubos na kumbinsido kayo, nguni't kapag kayo ay napaharap sa kahit napakaliit na pagsubok ay naguguluhan kayo; ang inyong tayog ay napakaliit pa rin, at kailangan pa rin ninyong makaranas ng higit pa ng gayong pagkastigo at paghatol para matamo ang mas malalim na kaalaman. Ngayon, kayo ay may kaunting paggalang sa Diyos, at takot kayo sa Diyos, at batid ninyong Siya ang tunay na Diyos, nguni't wala kayong dakilang pag-ibig sa Kanya, lalong hindi pa ninyo natamo ang dalisay na pag-ibig; ang inyong kaalaman ay napakababaw, at kulang pa ang inyong tayog. Kapag kayo ay tunay na nakaranas ng isang kapaligiran, hindi pa kayo sumasaksi, napakaliit sa inyong pagpasok ang maagap, at wala kayong ideya kung paano isagawa. Karamihan ng mga tao ay walang-pakialam at hindi-kumikilos; iniibig lamang nila nang palihim ang Diyos sa kanilang mga puso, nguni't walang paraan ng pagsasagawa, ni malinaw sila tungkol sa kung ano ang kanilang mga layunin. Ang mga taong nagawang perpekto ay hindi lamang mayroong normal na pagkatao, kundi nagtataglay ng mga katotohanang nakahihigit sa mga pagsukat ng konsensya, at mas mataas kaysa mga pamantayan ng konsensya; hindi lamang nila ginagamit ang kanilang konsensya para masuklian ang pag-ibig ng Diyos, nguni't, higit sa riyan, nakilala nila ang Diyos, at nakita na ang Diyos ay maganda, at karapat-dapat ibigin ng tao, anupa't napakaraming bagay ang kaibig-ibig sa Diyos kaya't walang magawa ang tao kundi umibig sa Kanya. Ang pag-ibig ng Diyos para sa mga nagawang perpekto ay upang matupad nila ang kanilang pansariling mga hangarin. Ang kanila ay pag-ibig na kusa, isang pag-ibig na hindi humihiling ng kapalit, at hindi ipinagpapalit. Iniibig nila ang Diyos dahil lamang sa kanilang pagkakilala sa Kanya at wala nang iba pa. Hindi iniisip ng mga ganoong tao kung pagkakalooban sila ng Diyos ng mga biyaya, dahil sapat na sa kanila ang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi sila nakikipagtawaran sa Diyos, ni sinusukat man nila ang pag-ibig nila sa Diyos sa pamamagitan ng konsensya: Nakapagbigay Ka sa akin, kaya iniibig din Kita; kung hindi Ka nagbibigay sa akin, kung gayon ay wala rin akong anuman para sa Iyo bilang kapalit. Yaong mga nagawang perpekto ay laging naniniwala na ang Diyos ang Maylalang, na isinasakatuparan Niya ang Kanyang gawain sa kanila, at, dahil sila ay may ganitong pagkakataon, at kalagayan, at katangian upang maaaring gawing perpekto, ang kanilang paghahabol ay dapat na upang isabuhay ang isang makahulugang buhay, at dapat na Siya ay kanilang mapasaya. Katulad lamang ito ng naranasan ni Pedro: Noong siya ay hinang-hina, nanalangin siya sa Diyos at sinabing, "O Diyos! Kahit anong panahon at saan mang dako, alam Mong lagi Kitang naaalaala. Kahit anong panahon at saan mang dako, batid Mong nais Kitang ibigin, nguni't ako ay hindi matayog, ako ay masyadong mahina at walang kapangyarihan, ang aking pag-ibig ay masyadong makitid, at ang aking katausan sa Iyo ay masyadong maunti. Hambing sa Iyong pag-ibig, hindi ako nararapat para mabuhay. Nais ko lamang na ang aking buhay ay hindi mawalang-kabuluhan, at hindi lamang upang masuklian ko ang Iyong pag-ibig, nguni't, higit sa rito, upang mailaan ko sa Iyo ang lahat-lahat nang mayroon ako. Kung mapasasaya Kita, kung gayon bilang isang nilalang, magkakaroon ako ng payapang isipan at hindi na hihiling ng higit pa. Bagaman ako ay mahina at walang kapangyarihan ngayon, hindi ko kalilimutan ang Iyong mga payo, at hindi kalilimutan ang Iyong pag-ibig. Ngayon wala akong ginagawa kundi sinusuklian ko lamang ang Iyong pag-ibig. O Diyos, pakiramdam ko'y kahabag-habag ako! Paano ko maibabalik sa Iyo ang pag-ibig sa aking puso, paano ko magagawa ang lahat ng aking makakaya, at makakayang tuparin ang Iyong mga ninanais, at maihandog ang lahat ng mayroon ako sa Iyo? Alam Mo ang kahinaan ng tao; paano nga ba ako magiging karapat-dapat sa Iyong pag-ibig? O Diyos! Alam Mong ako ay mayroong mababang tayog, na bahagya lamang ang aking pag-ibig. Paano ko magagawa ang pinakamabuting makakaya ko sa ganitong uri ng kapaligiran? Alam kong dapat kong suklian ang Iyong pag-ibig, alam kong dapat kong ibigay ang lahat ng akin sa Iyo, nguni't ngayon ay lubhang mababa ang aking tayog. Aking hinihiling na bigyan Mo ako ng lakas, at bigyan ako ng katatagan, upang higit ko pang mataglay ang isang dalisay na pag-ibig na buo kong itatalaga sa Iyo, at higit kong makaya na italaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo; hindi lamang masusuklian ko ang Iyong pag-ibig, kundi lalo kong maranasan ang Iyong pagkastigo, paghatol at mga pagsubok, at kahit ang mas matitinding mga sumpa. Pinayagan Mo akong mamasdan ang Iyong pag-ibig, at wala akong kakayahang hindi Ka ibigin at kahit na ako ay mahina at walang kapangyarihan ngayon, paano ba kita makalilimutan? Ang Iyong pag-ibig, pagkastigo, at paghatol ay nagsanhi lahat sa akin na makilala Ka, nguni't ramdam ko rin na wala akong kakayahang tugunin ang Iyong pag-ibig, dahil Ikaw ay napakadakila. Paano ko nga ba maitatalaga ang lahat ng sa akin sa Maylalang?" Iyon ang kahilingan ni Pedro, bagaman ang kanyang tayog ay lubhang hindi-sapat. Sa sandaling ito, naramdaman niya na para bang sinaksak ng isang kutsilyo ang kanyang puso at siya ay nasa matinding paghihirap; hindi niya batid kung ano ang dapat gawin sa ilalim ng ganoong mga kalagayan. Gayunman ay nagpatuloy siya sa pananalangin: "O Diyos! Ang tao ay kasing-tayog lamang ng bata, ang kanyang konsensya ay mahina, at ang tanging magagawa ko lamang ay suklian ang Iyong pag-ibig. Ngayon, hindi ko alam kung paano ko matutugunan ang Iyong mga ninanasa, o magagawa ang lahat ng aking makakaya, o maibibigay ang lahat ng mayroon ako, o kung paano maitatalaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo. Anuman ang Iyong maging paghatol, anuman ang Iyong pagkastigo, anuman ang Iyong igagawad sa akin, anuman ang aalisin Mo sa akin, tulungan Mo akong huwag maghinaing ng kahit katiting sa Iyo. Maraming pagkakataon, noong ako'y kinastigo at hinatulan Mo, dumaing ako sa sarili ko, at hindi nakamit ang kadalisayan, o natupad ang Iyong mga atas. Ang aking tugon sa Iyong pag-ibig ay napipilitan, at sa sandaling ito kinamumuhian ko nang higit pa ang sarili ko." Dahil hanap niya ang mas dalisay na pag-ibig sa Diyos kung kaya nanalangin si Pedro sa ganitong paraan. Siya ay naghahanap, at nakikiusap, at, higit pa, pinararatangan ang sarili niya, at umaamin sa kanyang mga pagkakasala sa Diyos. Pakiramdam niya ay may pagkakautang siya sa Diyos, at nakaramdam ng pagkamuhi sa sarili niya, gayunma'y nalungkot din nang bahagya at di-gumagawa ng hakbang. Laging gayon ang pakiramdam niya, na parang hindi siya karapat-dapat para sa mga atas ng Diyos, at hindi magawa ang kanyang makakaya. Sa ilalim ng ganoong kalagayan, ipinagpatuloy ni Pedro ang pagsisikap na magkaroon ng pananampalatayang tulad ng kay Job. Nakita Niya kung gaano kadakila ang naging pananampalataya ni Job, sapagka't nakita ni Job na ang lahat ng kanya ay ipinagkaloob ng Diyos, at likas para sa Diyos na alisin ang lahat ng kanyang mga pag-aari, anupa't ibibigay ng Diyos sa kanino mang ninanais Niya-gayon ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Walang mga reklamo si Job, at napupuri pa rin ang Diyos. Kilala rin ni Pedro ang sarili niya, at sa kanyang puso siya ay nanalangin, "Ngayon, hindi sapat para sa akin na gantihan ang Iyong pag-ibig gamit ang aking konsensya at kahit gaano kasidhing pag-ibig ang ibigay ko pabalik sa Iyo, dahil ang aking mga kaisipan ay lubhang tiwali, at dahil wala akong kakayahang makita Ka bilang ang Maylalang. Dahil hindi pa rin ako karapat-dapat na umibig sa Iyo, dapat kong makaya na italaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo, na gagawin ko nang maluwag sa kalooban. Dapat kong malaman lahat ng Iyong mga nagawa, at walang pagpipilian, at dapat kong mamasdan ang Iyong pag-ibig, makapagsalita ako ng mga papuri sa Iyo, at parangalan ang Iyong banal na pangalan, upang Ikaw ay magkamit ng dakilang kaluwalhatian sa pamamagitan ko. Ako ay handang manindigan nang matibay sa patotoong ito sa Iyo. O Diyos! Ang Iyong pag-ibig ay ubod nang inam at halaga; paano nga ba ako magnanais na mamuhay sa kasamaan? Hindi ba ako ay Iyong ginawa? Paanong mabubuhay ako sa ilalim ng sakop ni Satanas? Pipiliin ko na ang aking buong katauhan ay mamuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo. Hindi ako payag na mamuhay sa ilalim ng sakop ng kasamaan. Kung ako ay madadalisay, at mailalaan ang aking lahat-lahat sa Iyo, kusa kong ilalaan ang aking katawan at pag-iisip sa Iyong paghatol at pagkastigo, sapagka't kinamumuhian ko si Satanas, at hindi ko gustong mamuhay sa ilalim ng sakop nito. Sa pamamagitan ng Iyong paghatol sa akin, ipinakikita Mo ang Iyong matuwid na disposisyon; ako ay natutuwa at hindi dumaraing kahit katiting. Kung aking magagawa ang tungkulin ng isang nilalang, handa ako na ang aking buong buhay ay samahan ng Iyong paghatol, kung saan sa pamamagitan nito ay malalaman ko ang Iyong matuwid na disposisyon, at itatakwil sa sarili ko ang impluwensya ng kasamaan." Laging nananalangin si Pedro nang ganoon, laging naghahanap nang ganoon, at naabot ang isang mas mataas na kinasasaklawan. Hindi lamang niya naibalik ang pag-ibig ng Diyos, kundi, mas mahalaga, natupad rin niya ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang. Hindi lamang siya hindi pinaratangan ng kanyang konsensya, kundi nalampasan din niya ang mga pamantayan ng konsensya. Patuloy na nakaabot sa harap ng Diyos ang kanyang mga dalangin, anupa't ang kanyang mga hangarin ay mas tumaas, at mas lumalim ang kanyang pag-ibig sa Diyos. Bagaman nagdurusa siya ng matinding sakit, hindi pa rin niya nilimot na ibigin ang Diyos, at patuloy na hinanap na makamtan ang kaunawaan sa kalooban ng Diyos. Ang sumusunod na mga salita ang binigkas sa kanyang mga panalangin: Natupad ko ang hindi hihigit sa pagbabalik ng kabayaran ng Iyong pag-ibig. Hindi ako nagpatotoo sa Iyo sa harap ni Satanas, hindi ko napalaya ang sarili ko mula sa impluwensya ni Satanas, at nanatili akong namumuhay sa gitna ng laman. Nais kong gamitin ang aking pag-ibig para madaig si Satanas, at hiyain ito, at sa gayon mabigyang-kasiyahan ko ang Iyong nasa. Nais kong ibigay sa Iyo ang buong sarili ko, at hindi ibigay ni katiting man ng aking sarili kay Satanas, dahil si Satanas ay Iyong kaaway. Kapag lalo siyang nagsisikap sa daang ito, lalo siyang naaantig, at lalong tumataas ang kanyang kaalaman sa mga bagay na ito. Lingid sa kanyang kamalayan, nabatid niyang kailangan niyang kumawala sa impluwensya ni Satanas, at dapat na lubusang manumbalik sa Diyos. Iyon nga ang kinasasaklawang kanyang nakamit. Napapanaigan niya ang impluwensya ni Satanas, at inaalis sa kanyang sarili ang mga kasiyahan at mga pagtatamasa ng laman, at ginustong maranasan nang mas malalim kapwa ang pagkastigo at paghatol ng Diyos. Sinabi niya, "Kahit na ako ay nabubuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo at sa gitna ng Iyong paghatol, gaano man ang kahirapang mararanasan, hindi pa rin ako mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, hindi pa rin ako payag magdusa sa mga panlilinlang ni Satanas. Nalulugod ako sa pamumuhay sa gitna ng Iyong mga sumpa, at namimighati sa pamumuhay sa gitna ng mga pagpapala ni Satanas. Iniibig Kita sa pamamagitan ng pamumuhay sa gitna ng Iyong paghatol, at nagbibigay ito sa akin ng malaking kasiyahan. Ang Iyong pagkastigo at paghatol ay matuwid at banal; ito ay upang linisin ako, at higit pa ay upang iligtas ako. Mas gugustuhin kong gugulin ang aking buong buhay sa gitna ng Iyong paghatol upang sumailalim sa Iyong pangangalaga. Hindi ako payag na mamuhay nang kahit isang saglit sa ilalim ng sakop ni Satanas; gusto kong malinis Mo ako, makaranas ng mga paghihirap, at hindi ako payag na magamit at malinlang ni Satanas. Ako, ang nilalang na ito, ay dapat na magamit Mo, maangkin Mo, mahatulan Mo, at makastigo Mo. Dapat Mo nga rin akong sumpain. Ang aking puso ay nagsasaya kapag nalulugod kang pagpalain ako, sapagka't nakita ko ang Iyong pag-ibig. Ikaw ang Maylikha, at ako ay isang nilalang: Hindi Kita dapat ipagkanulo at mamuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, ni dapat man akong magamit ni Satanas. Dapat akong maging kabayo Mo o baka, sa halip na mabuhay para kay Satanas. Mas mamarapatin kong mabuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo, walang kaligayahang pisikal, at ito ay magbibigay-kasiyahan sa akin kahit na mawalan ako ng Iyong biyaya. Bagaman ang Iyong biyaya ay wala sa akin, nagsasaya ako na Iyong makastigo at mahatulan; ito ang Iyong pinakamainam na pagpapala, ang Iyong pinakadakilang biyaya. Bagaman Ikaw ay palaging makahari at puno ng galit sa akin, hindi pa rin Kita maitatakwil, hindi pa rin Kita maibig nang sapat. Pipiliin kong manirahan sa Iyong tahanan, pipiliin kong maisumpa, makastigo, at mapalo Mo, at hindi nais na mamuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, ni hindi ko rin gusto na magmadali at gugulin ang sarili para lamang sa laman, lalong hindi ko gustong mamuhay para sa laman." Ang pag-ibig ni Pedro ay isang dalisay na pag-ibig. Ito ang karanasan ng ginagawang perpekto, at ang pinakamataas na kinasasaklawan ng ginagawang perpekto, at wala nang buhay na hihigit pa ang kahulugan. Tinanggap niya ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, pinahalagahan niya ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at wala nang mas nakahihigit pa ang kahalagahan para kay Pedro. Sinabi niya, "Binibigyan ako ni Satanas ng mga materyal na kasiyahan nguni't hindi ko pinahahalagahan ang mga iyon. Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay dumarating sa akin-dito ako ay nabibigyan ng kagandahang-loob, dito ako ay nasisiyahan, at dito ako ay napagpala. Kung hindi dahil sa paghatol ng Diyos ay hindi ko kailan man iibigin ang Diyos, mananatili akong namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, napipigil pa rin nito, at nauutusan nito. Kung gayon ang sitwasyon, hindi ako kailanman magiging isang tunay na tao, dahil hindi ko mapasasaya ang Diyos, at hindi ko mailalaan ang aking kabuuan sa Diyos. Kahit na hindi ako pinagpapala ng Diyos, anupa't wala akong kaaliwan sa loob, na para bang may nag-aapoy sa loob ko, at walang kapayapaan o kagalakan, at kahit na hindi kailanman nalalayo sa akin ang pagkastigo at pagdisiplina ng Diyos, sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol ng Diyos nakikita ko ang Kanyang matuwid na disposisyon. Lubos akong nasisiyahan dito; wala nang iba pang bagay ang mas mahalaga o mas makahulugan sa buhay. Kahit na ang Kanyang proteksyon at pag-aalaga ay naging walang-awang pagkastigo, paghatol, mga sumpa at pagpalo, ako ay nasisiyahan pa rin sa mga bagay na ito, sapagka't maaari nilang mas mahusay na malinis ako, mabago ako, madadala ako nang mas malapit sa Diyos, magagawa ako na higit pang nagmamahal sa Diyos, at magagawang mas dalisay ang aking pag-ibig sa Diyos. Tinutulutan nito ako na makayang tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilalang, at dinadala ako sa harap ng Diyos at malayo sa impluwensya ni Satanas, kaya hindi na ako naglilingkod kay Satanas. Kapag hindi ako namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at naitatalaga ko na ang lahat ng bagay na mayroon ako at lahat ng maaari kong gawin para sa Diyos, nang walang pag-aatubili-iyon ay ang sandali na ako ay ganap na nasisiyahan. Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang nagligtas sa akin, at ang aking buhay ay hindi mahihiwalay mula sa pagkastigo at paghatol ng Diyos. Ang aking buhay sa lupa ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas, anupa't kung hindi dahil sa pangangalaga at pag-iingat ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ako ay mananatiling namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at higit pa riyan, hindi ako magkakaroon ng pagkakataon o paraan na isabuhay ang isang makahulugang buhay. Kung hindi lamang mahihiwalay sa akin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, ako ay malilinis ng Diyos. Dahil lamang sa masasakit na mga salita at matuwid na disposisyon ng Diyos, at sa maringal na paghatol ng Diyos, natamo ko ang pinakamahusay na pag-iingat, at namuhay sa liwanag, at natamo ang mga pagpapala ng Diyos. Upang malinis, at mapalaya ang aking sarili kay Satanas, at mamuhay sa ilalim ng dominyon ng Diyos-ito ang pinakadakilang pagpapala sa buhay ko ngayon." Ito ang pinakamataas na kinasasaklawan na naranasan ni Pedro.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

_____________________________________

Ang hindi maiiwan ng mga Kristiyano sa araw-araw ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang pahina ng Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw ay inirerekomenda sa iyo. Maraming mga salita ng Diyos sa pahinang ito. Mangyaring i-click at basahin: Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

 
   
     
Online na Pagdiriwang
     
Kung nais mong malaman kung paano salubungin ang Panginoon, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin.
     
             
   
   
                               
 



© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia