Saan Magpapakita ang Panginoon sa Kanyang Pagbabalik sa mga Huling Araw?
Panimula: Saan magpapakita ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw? Maraming tao ang nag-iisip na ang Panginoon ay magpapakita sa Israel. Gayunpaman, ang mga katotohanan ay kasalungat sa mga paniwala ng mga tao. Natanggap ni Celeste ang balita na ang Diyos ay nagpakita at gumagawa sa Tsina. Matapos maghanap, naunawaan niya ang kahalagahan ng pagpapakita at paggawa ng Diyos sa Tsina at nakakuha ng bagong kaalaman sa pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos. Basahin ang artikulong ito upang malaman ang higit pa.
Nagulat ako sa balita online na ang Diyos ay nagpakita at gumawa sa Tsina, sapagkat sinabi ng mga pastor at elders na ang mga Israelita ang pinili ng Diyos, at sila ang mga piniling bayan ng Diyos, at kaya ang Diyos ay dapat gumawa sa Israel sa Kanyang pagbabalik. Napaisip ako: Ang Tsina ay isang bansa na hindi sumasamba sa Diyos, at ang gobyernong Tsina ay may pangit na reputasyon sa mundo, kaya bakit pinili ng Diyos na gumawa sa Tsina sa halip na sa Israel o kahit sa anumang bansa na sumasamba sa Diyos sa Kanyang pagbabalik? Samakatuwid, hinanap ko ang kasagutan sa suliraning ito mula kay Sister Anna.
Ang Katunayan na Ang Pangalan ng Diyos ay Dadakilain sa Gitna ng mga Gentil ay Natupad
Sinabi ni Sister Anna, "Kung saan magpapakita ang Diyos upang magsagawa ng Kanyang gawain sa mga huling araw ay matagal nang nakapropesiya sa Biblia. Sinabi ni Jehova, 'Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil' (Malakias 1:11). Ang Panginoong Jesus ay nagsabi, 'Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao' (Mateo 24:27). Mula sa mga talatang ito, nalaman natin na sa pagbabalik ng Diyos, Siya ay ipapanganak sa Silangan ng mundo, at ang Kanyang pangalan ay kakalat mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, at sa huli ay gagawin Niyang mapapurihan ang Kanyang pangalan ng lahat ng mga tao sa buong mundo. Ang Tsina ay nasa Silangang bahagi ng mundo, at isang Gentil na bansa; isa itong bansa na pinaka-kaunti ang naniniwala sa pag-iral ng Diyos. Matapos magpakita ng Diyos sa gitna ng mga Tsino at isagawa ang gawain ng panlulupig, Kanyang palalawigin ang Kanyang gawain sa Kanluran. Ganito isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw ang katotohanan na 'Magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil' at 'Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran.' Samakatuwid, ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa Tsina sa mga huling araw ay ganap na sang-ayon sa mga propesiya sa Biblia.
"Kaugnay sa isyung ito, basahin natin ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos. 'Nilikha Niya ang buong mundo, at naisakatuparan Niya ang Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala hindi lamang sa Israel, kundi sa bawat tao sa sansinukob. Nakatira man sila sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o sa Russia, bawat tao ay inapo ni Adan; lahat sila ay nilalang ng Diyos. Walang isa man sa kanila ang makakatakas sa mga hangganan ng paglikha, at wala ni isa sa kanila ang makakahiwalay sa tatak na "inapo ni Adan." Lahat sila ay nilalang ng Diyos, at lahat sila ay supling ni Adan, at lahat sila ay mga tiwaling inapo rin nina Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilikha ng Diyos, kundi lahat ng tao; kaya lamang ay isinumpa na ang ilan, at napagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na bagay tungkol sa mga Israelita; gumawa ang Diyos sa kanila sa simula dahil sila ang mga taong pinaka-hindi gaanong tiwali. Hindi maikukumpara ang mga Tsino sa kanila; napakababa nila. Kaya, gumawa ang Diyos sa mga tao ng Israel sa simula, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay isinakatuparan lamang sa Judea-na humantong na sa pagkabuo ng maraming kuru-kuro at panuntunan sa tao. Sa katunayan, kung kikilos ang Diyos ayon sa mga kuru-kuro ng tao, magiging Diyos lamang Siya ng mga Israelita, at sa gayon ay hindi Niya makakayang paabutin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil, sapagkat magiging Diyos lamang Siya ng mga Israelita, at hindi Diyos ng lahat ng nilikha. Isinaad sa mga propesiya na ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bansang Gentil, na kakalat ito sa mga bansang Gentil. Bakit ito ipinropesiya? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa Israel lamang Siya gagawa. Bukod pa riyan, hindi Niya palalaganapin ang gawaing ito, at hindi Siya gagawa ng ganitong propesiya. Dahil ginawa nga Niya ang propesiyang ito, siguradong ipapaabot Niya ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil, sa bawat bansa at lahat ng lupain. Dahil sinabi Niya ito, kailangan Niyang gawin ito; ito ang Kanyang plano, sapagkat Siya ang Panginoon na lumikha sa kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilikha. Gumagawa man Siya sa mga Israelita, o sa buong Judea, ang gawaing Kanyang ginagawa ay ang gawain ng buong sansinukob, at ang gawain ng buong sangkatauhan. Ang gawaing Kanyang ginagawa ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon-sa isang bansang Gentil-ay gawain pa rin ng buong sangkatauhan. Maaaring ang Israel ang himpilan ng Kanyang gawain sa lupa; gayundin, maaaring ang Tsina ay himpilan din ng Kanyang gawain sa mga bansang Gentil. Hindi ba natupad na Niya ngayon ang propesiya na "ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bansang Gentil"?'
"Sa pasimula, nilikha ng Diyos ang ating mga sinaunang ninuno, si Adan at Eba, at matapos silang tuksuhin at tiwaliin ni Satanas, pinalayas sila ng Diyos mula sa Hardin ng Eden. Ngayon sila ay dumami at umunlad na lahat naging mga bansa at mga tao, na nangangahulugang, kahit na sa anong bansa o mga tao na kabilang tayo, lahat tayo ay mga inapo nina Adan at Eba. Tayong lahat ay nilalang ng Diyos, at sa gayon may karapatan ang Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa anumang bansa o sa anumang pangkat ng mga tao. Gayunpaman, dahil pinili ng Diyos na gumawa sa Israel sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, halos ang lahat ay may ganoong maling pag-iisip: Ang Diyos ay gagawa lamang sa Israel sa halip na mga bansang Gentil, at hindi Siya maaaring maging Diyos ng mga Gentil. Kung kinikilala lamang natin na ang Diyos ay Diyos ng isang bahagi ng sangkatauhan, hindi ba natin itinatanggi ang Diyos bilang ating Lumikha? At paano matutupad ang propesiya na 'ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bansang Gentil'? Kaya, ang layunin ng Diyos sa pagpili na gumawa sa Tsina sa mga huling araw ay upang maialis ang lahat ng mga paniwalang pantao, at ipaalam sa lahat ng tao na ang Diyos ay hindi Diyos ng mga tao sa ilang bansa o rehiyon, ngunit Siya ang Diyos na ililigtas hindi lamang ang mga Israelita kundi maging ang mga Gentil, at ang Diyos ay Diyos ng lahat ng sangkatauhan."
Ang Paglupig sa mga Tao sa Pinaka-Marumi sa Lahat ng Lugar ay May Pambihirang Kabuluhan
Nagpatuloy si Sister Anna, "Mayroong malaking kabuluhan sa paggawa ng Diyos ng Kanyang gawain sa Tsina. Basahin natin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. 'Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunan sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay itataboy, dadalhin ang liwanag, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao nitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilala nang mayroong Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat tao ay lubusan nang nakumbinsi, ang katotohanang ito ay gagamitin upang isagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay mayroong sinasagisag: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng anim na libong taon ng pamamahala ay darating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba pang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang pagsagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng mula sa laman, kay Satanas, at sa mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang pinakalubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, ang siyang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang tipikal na halimbawa ng buong tiwaling sangkatauhan. Hindi ito nangangahulugan na ang ibang mga bansa ay walang anumang mga suliranin ni anuman; ang mga kuru-kuro ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama't ang mga tao sa mga bansang ito ay maaaring mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, tiyak na kinakalaban nila Siya. Bakit sinalungat at kinalaban din ng mga Judio ang Diyos? Bakit kinalaban din Siya ng mga Fariseo? Bakit pinagtaksilan ni Judas si Jesus? Sa panahong iyon, marami sa mga disipulo ang hindi nakakilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako sa krus si Jesus at muling nabuhay, ay hindi pa rin naniwala sa Kanya ang mga tao? Hindi ba pare-pareho lamang ang pagsuway ng tao? Ang mga tao ng Tsina ay ginawa lamang halimbawa, at kapag sila ay nilupig, sila ay magiging mga modelo at uliran at magsisilbing sanggunian para sa iba. Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba't ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamakatuwiran, pagtutol, at ang pagiging mapanghimagsik. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan-ang lahat ay kaawa-awa at pinakapaurong. Ang kanilang katayuan ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay may sinasagisag, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusuri na ito sa kabuuan nito, ang susunod na gawain ng Diyos ay magiging higit na madali. Kung matatapos ang hakbang na ito ng gawain, ang susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos na ang hakbang na ito ng gawain, lubos nang nakamit ang malaking tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob ay dumating na sa isang ganap na katapusan. Sa katunayan, kapag nagtagumpay na ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit pinakikilos Ko kayo bilang huwaran at uliran. Ang pagkasuwail, pagsalungat, karumihan, at kawalan ng katuwiran-ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kinakatawan ang lahat ng pagkasuwail ng sangkatauhan. Sila ay tunay ngang namumukod-tangi. Kaya, sila ay itinuturing na halimbawa ng panlulupig, at sa oras na sila ay nalupig na sila ay natural na magiging mga huwaran at uliran para sa iba.'
"Ang mga salita ng Diyos ay napakalinaw. Ang pagpili ng Diyos kung saan isasagawa ang Kanyang gawain ay ayon sa pangangailangan ng Kanyang gawain, at ito ay napaka-makabuluhan. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain na ginawa ng Diyos ay pangunahing upang gabayan ang buhay ng mga tao at walang kinalaman sa mga pagbabago sa disposisyon ng buhay ng mga tao, kaya pinili ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa Israel, ang pinaka banal sa lahat ng mga lugar. Unang isinakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga hindi gaanong natiwali, pagkatapos ay ikinalat ang Kanyang gawain sa ibang mga bansa, upang ang buong sangkatauhan ay sumunod sa mga kautusan, ipamuhay ang isang normal na buhay at sumamba sa Diyos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain na ginawa ng Panginoong Jesus ay upang tubusin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, at mailigtas ang buong sangkatauhan mula sa dominyon ni Satanas, kaya pinili ng Diyos na gumawa sa gitna ng mga taong pinaka 'di gaanong tiwali sa Judea, isang bansang naniniwala at sumasamba sa Diyos. Kahit na ang mga taong pinaka-'di-gaanong tiwali ay nangangailangan ng pagtubos ng Diyos, kaya hindi ba ang ibang mga tao na labis na tiwali ay mas higit na nangangailangan ng kaligtasan ng Diyos? Samakatuwid, ang hangarin ng Panginoong Jesus sa pagpili sa paggawa sa Judea ay upang mas mahusay na maisakatuparan ang Kanyang gawain sa pagliligtas ng sangkatauhan at ipakalat ang Kanyang ebanghelyo. Ngayon sa mga huling araw, ang sangkatauhan ay mas malalim na natiwali; Dadalhin na ng Diyos ang kapanahunang ito sa katapusan, at gagawin ang gawain ng paglupig at paghatol sa tao. Kung pinili ng Diyos na gumawa sa gitna ng mga Israelita na pinaka 'di gaanong tiwali o sa mga tao sa anumang bansa na sumasamba sa Diyos, madali silang malulupig. Kung iyon ang mangyayari, mawawalan ng kahulugan ang gawain ng paglupig ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagpili na gumawa sa isang bansa na pinakamadilim, ang pinaka-lumalaban sa Diyos, at sa pamamagitan ng unang paglupig sa mga pinaka-marumi, tiwaling tao at magawa silang ganap, na kasing katumbas sa paglupig sa buong sangkatauhan, tunay na makukuha ng Diyos ang Kanyang kaluwalhatian, at si Satanas ay lubusang mapapahiya at matatalo. Sa buong sansinukob, ang mga mamamayang Tsino ang siyang higit na natiwali ni Satanas at sila ang pinaka-lumalaban sa Diyos. Tulad ng alam ng lahat, ang Tsina ay isang ateyistikong bansa, at tagataguyod ng edukasyon ng ateyismo; tinuturuan nito ng doktrina ang mga Tsino nang gayong mga satanikong lason at mga kasabihan sa buhay tulad ng 'Hindi pa nagkaroon kailanman ng sinumang Tagapagligtas,' 'Kayang malupig ng tao ang kalikasan,' 'Ang tadhana ninuman ay nasa kanyang sariling kamay,' 'Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,' 'Ang tao ay namamatay para sa pera; ang ibon ay namamatay para sa pagkain,' 'Hayaang lumago ang mga sumusunod sa akin at mamatay ang mga tumututol sa akin', 'Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa,' at 'Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya.' Matapos tanggapin ang mga satanikong kasabihan na ito, itinanggi ng mga Tsino ang Diyos. Hindi sila naniniwala sa pag-iral ng Diyos, ni 'di sila sumasamba sa totoong Diyos; sa halip, sumasamba sila sa mga idolo at naniniwala sa salamangka. Sobrang makasarili at walang-dangal, tuso at mandaraya, mayabang at palalo, at masama at malisyoso; sadyang nagtataguyod sila ng pera, katayuan, at impluwensya. Para sa pera at pakinabang, kaya nilang gumawa ng anumang masamang bagay, at sila ay tulad ng mga hayop, walang budhi at pangangatwiran, at walang dangal at integridad. At ang pagkain, pag-inom, pambababae, pagsusugal, paninigarilyo, panggagantso, at pagnanakaw ay lahat na mas nagiging laganap sa Tsina. Ang katiwalian ng kanilang moralidad ay umabot na sa rurok nito. Lalo na mula nang dumating sa pamumuno ang Partidong Komunista ng Tsina, malupit nitong pinigilan at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo, winasak ang mga simbahan at mga krus, sinira ang mga kopya ng Banal na Biblia, at giniba ang maraming bilang ng mga mosque, Buddhist at Taoist na templo. Sa mga nagdaang taon, ang pamahalaang Tsino ay sistematikong pinahihirapan ang mga paniniwala sa relihiyon, na naging baliw na umabot pa hanggang sa kanilang lantad na inaaresto at inuusig ang mga Kristiyano; daan-daang libong mga Kristiyano ang hindi makabalik sa kanilang mga tahanan, tumakas saanmang direksyon upang maiwasan ang mga pagkadakip. Ang mga katunayang ito ay nagpapakita na ang Tsina ay talagang isang bansa na pinakamadilim, ang pinaka-lumalaban sa Diyos. Kaya, ang gawain ng paglipol at paghatol ng Diyos sa Tsina ay nagdadala ng makabuluhang simbolismo; kapag nalupig ng Diyos at magawang ganap ang mga labis na natiwali at seryosong nakontrol ni Satanas, kahit hindi pa sabihin ito'y magagawa ng Diyos sa mga tao sa ibang mga lugar na hindi gaanong tiwali. Mula dito makikita natin na ang pagpili ng Diyos na gawin ang gawain ng pagsupil at paghatol sa Tsina ay may malaking kabuluhan, at ipinapakita nito ang pinakadakilang kapangyarihan at karunungan ng Diyos, at pinapahiya si Satanas."
Pagsasantabi ng Mga Paniwala at Paghahanap sa Pagpapakita ng Diyos
Si Sister Anna ay nagpatuloy sa kanyang pagbabahagi: "Basahin natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. 'Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga kuru-kuro ng tao, at lalong hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpapasya at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang payo nito, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga kuru-kuro. Hindi mo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyan, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong mga hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga kuru-kuro. Sa halip, dapat ay inoobliga ninyo sa inyong mga sarili kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos: Ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod.'
"'Ikaw man ay isang Amerikano, Ingles, o anumang iba pang lahi, dapat kang humakbang palabas ng mga hangganan ng iyong sariling lahi, nang hinihigitan ang iyong sarili, at tingnan ang gawain ng Diyos mula sa estado ng isang nilalang. Sa ganitong paraan, hindi ka maglalagay ng mga hangganan sa mga yapak ng Diyos. Ito ay dahil, ngayon, maraming tao ang nag-iisip na imposibleng magpapakita ang Diyos sa isang partikular na bansa o sa gitna ng partikular na mga tao. Napakalalim ng kabuluhan ng gawain ng Diyos, at napakahalaga ng pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito ng mga kuru-kuro at pag-iisip ng tao? At kaya sinasabi Ko, dapat kang kumawala sa iyong mga kuru-kuro tungkol sa lahi o katutubong pinagmulan upang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan ka lamang hindi masisikil ng sarili mong mga kuru-kuro; sa ganitong paraan ka lamang magiging karapat-dapat na salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, mananatili ka sa walang-hanggang kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.'
"Makikita mula sa mga salitang ito ng Diyos na hindi natin maaaring limitahan kung saan magpapakita ang Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain sa loob ng ating mga paniwala at imahinasyon. Tayong mga tao ay mga nilikha, at mas maliit kaysa sa langgam sa mata ng Diyos, ngunit nagbibigay tayo ng panuro sa gawain ng Diyos, hinihingi kung ano ang dapat gawin ng Diyos o kung saan dapat magpakita ang Diyos. Tayo ay masyadong hindi makatwiran. Sa Isaias 55:8-9 sinasabi nito, 'Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.' Ang Diyos ay matalino, at ang Kanyang mga saloobin ay hindi maaarok ng anumang nilalang. Ang Diyos ay ang may pangwakas na sinasabi sa Kanyang gawain; Hindi Niya kailangang ipagbigay-alam sa sinumang tao ang Kanyang gawain, mas lalo ang isasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa ating mga haka-haka. Kaya, bilang isang bahagi ng tiwaling sangkatauhan, kahit na aling bansa o tao tayo nabibilang, kung nais nating makamit ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw, hindi natin dapat limitahan ang gawain ng Diyos, ngunit sa halip ay dapat nating isantabi ang ating mga pananaw at haka-haka at aktibong maghanap at magpasakop sa Kanyang gawain, sapagkat sa ganitong paraan lamang natin makikita ang pagpapakita ng Diyos at masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Kung hindi, sa pamamagitan ng pag-asa sa ating mga paniwala at imahinasyon upang limitahan ang gawain ng Diyos, malamang na lalabanan natin ang Diyos at maiwala ang Kanyang kaligtasan sa mga huling araw. Katulad nang ang Lumang Tipan ay nagpropesiya na darating ang Mesiyas-ang mga Fariseo ay umasa sa kanilang mga paniwala at imahinasyon, naniniwala na pagdating ng Diyos, tiyak na ipapanganak Siya sa isang palasyo, at ito ay magiging isang napakaringal na kaganapan, at magiging bantog Siya sa lahat. Nang malaman na ang Panginoong Jesus ay ipinanganak sa isang ordinaryong sambahayan at nakita na ang Panginoong Jesus ay may pangkaraniwang hitsura, gayunpaman, itinanggi nila ang Panginoong Jesus bilang ang darating na Mesiyas, at kahit na nakita nila na ang mga himala ng Panginoong Jesus ay may awtoridad at kapangyarihan, pinanatili pa rin nila ang kanilang mga paniwala at imahinasyon, hinatulan, nilapastangan at nilabanan ang Panginoong Jesus. Sa huli, ipinako nila ang Panginoong Jesus, gumawa ng isang napakasamang kasalanan, nakasakit sa disposisyon ng Diyos, at ang maparusahan ng Diyos. Mula rito, makikita natin na mapanganib para sa atin na gamitin ang ating mga paniwala at imahinasyon upang masukat ang gawain ng Diyos.
"Ngayon, ang Diyos ay isinasagawa ang Kanyang gawain ng mga huling araw sa Tsina sa loob ng halos 30 taon. Ang Diyos ay naging pakay ng matinding pagkalaban ng gobyernong CCP, ngunit ang Kanyang gawain ay hindi nagambala o nawasak ng kahit anong pwersa, dahil ang karunungan ng Diyos ay hindi isinasagawa batay sa mga mapanlinlang na pakana ni Satanas. Sa halip, ang pag-aresto at pag-uusig ng gobyernong CCP ay nagbigay daan sa pagperpekto ng Diyos sa Kanyang mga napiling tao. Ang Diyos ay nakagawa na ng mga grupo ng mananagumpay; ang grupong ito ng mga tao ay naging mga halimbawa at huwaran sa gawain ng Diyos. Sa kasalukuyan, lahat ng uri ng pelikula, mga video, mga himno, music videos, maikling dula, comic crosstalk at iba pa, na ginagamit upang magpatotoo sa Diyos, at ang mga salita ng Diyos ay nailathala ng lahat online. Ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos ay kumakalat sa kanluran tulad ng kidlat, at kumalat sa higit sa 20 mga bansa at rehiyon, tulad ng Estados Unidos, Canada, Pransya, Alemanya, Italya. Parami nang parami ang nakakilala sa tinig ng Diyos at bumalik sa Diyos. Ang gawain ng paglupig ng Diyos sa mga huling araw ay nakamit ang mga resulta, ang Kanyang anim-na-libong-taong planong pamamahala ay malapit ng matapos, at lahat ng uri ng mga sakuna ay nagaganap isa matapos ang isa; Ang gawain ng Diyos na paggantimpala ng mabubuti at pagpaparusa ng masasama ay malapit na, at ang mga masasamang pwersa o indibidwal na lumalaban sa gawain ng Diyos ay magdaranas ng parusa ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga para sa atin na iwaksi ang ating mga paniwala at hanapin at tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw."
Mga Natamo
Matapos makinig sa fellowship ni Sister Anna, nakita ko na ang pagpili ng Diyos upang gumawa sa Tsina sa mga huling araw ay nagtataglay ng malaking kahalagahan at napakarunong ng Diyos. Sa isang bagay, nagawa ng Diyos ang katotohanan na ang pangalan ng Diyos ay magiging dakila sa mga Hentil, upang malaman ng lahat na ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng bayang Israel, kundi ang Diyos ng lahat ng nilalang; sa isa pang bagay, ang pagpili ng Diyos na gumawa sa Tsina ay kinakailangan para sa gawain ng paglupig ng Diyos sa mga huling araw, at kapag nalupig ng Diyos ang mga taong Tsino na pinaka-marumi, at pinaka-lumaban sa Diyos, kung gayon magiging madali para sa Kanya na gawin ito sa mga tao ng ibang mga bansa. Kasabay nito, naintindihan ko na tayong mga nilikha ay dapat magkaroon ng dahilan, hindi nililimitahan ang Diyos, ngunit sa halip ay dapat nating isantabi ang ating mga pananaw at imahinasyon, at bukas ang isipan na hanapin ang pagpapakita at gawain ng Diyos, sapagkat sa ganitong paraan lamang natin maaaring masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.
______________________
Malaman ang higit pa:
• Gospel for Today (Tagalog) - Mga Mensahe ng Pagbabalik ng Panginoon
• Madalas na Nagaganap ang Mga Sakuna: Paano Maging Handa sa Pagdating ng Panginoon