Ano ang Kahalagahan ng Gawain ng Paghuhukom ng Diyos sa mga Huling Araw?
(1) Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ginawa para mapadalisay, mailigtas at magawang perpekto ang tao, at para makabuo ng isang grupo ng mga mananagumpay
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
"Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan" (Pahayag 3:10-12).
"Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila'y mga walang dungis" (Pahayag 14:4-5).
Ano ang Kahalagahan ng Gawain ng Paghuhukom ng Diyos sa mga Huling Araw
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka't ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali't, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka't dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.
Sa katunayan, ang gawain na ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang dating ninuno. Nilalayon ng lahat ng mga paghatol ayon sa salita na ilantad ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at mangyaring maipaunawa sa mga tao ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumatagos lahat sa mga puso ng mga tao. Tuwirang nakaaapekto ang bawat paghatol sa kanilang kapalaran at sinadyang sugatan ang kanilang mga puso upang mapakawalan nila ang lahat ng mga bagay na iyon at sa gayon mapanuto sa buhay, malaman ang maruming mundong ito, at malaman din ang karunungan ng Diyos at kapangyarihan at malaman ang sangkatauhang ito na ginawang tiwali ni Satanas. Habang nararagdagan ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, lalong masusugatan ang puso ng tao at lalong magigising ang kanyang espiritu. Ang layunin ng mga ganitong uri ng paghatol ay ang paggising sa mga espiritu ng mga lubhang tiwali at pinakanalinlang sa mga tao. Walang espiritu ang tao, iyon ay, namatay ang kanyang espiritu sa matagal na panahong nakalipas at hindi niya alam na may langit, hindi alam na may Diyos, at tiyak na hindi batid na siya ay nagpupumiglas sa kailaliman ng kamatayan; paano niya posibleng malalaman na siya ay namumuhay sa buktot na impiyerno sa daigdig? Paano niya posibleng malalaman na ang nabubulok na bangkay niya ay, sa pamamagitan ng katiwalian ni Satanas, ay nahulog sa Hades ng kamatayan? Paano niya posibleng malaman na ang lahat ng bagay sa daigdig ay matagal nang sira na hindi na makukumpuni ng sangkatauhan? At paano niya posibleng malaman na ang Maylalang ay dumating sa daigdig sa ngayon at naghahanap ng isang grupo ng mga tiwaling tao na Kanyang ililigtas? Kahit matapos na maranasan ng tao ang bawat posibleng kapinuhan at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pang napukaw at tila walang tugon. Napakasama ng sangkatauhan! Bagaman ang ganitong paghatol ay tulad ng malupit na graniso na nahuhulog mula sa kalangitan, ito ang pinakadakilang pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na tulad nito, walang resulta at walang pasubali na imposibleng iligtas ang mga tao sa kailaliman ng paghihirap. Kung hindi dahil sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay namatay sa matagal ng panahon at ang kanilang mga espiritu ay matagal ng niyurakan ni Satanas. Ang pagligtas sa inyo na lumubog sa kailaliman ng kasamaan ay kinakailangan na walang humpay na tawagan kayo, na walang humpay na hatulan kayo, at sa gayon lamang na ang nagyeyelong puso ninyo ay magigising. Ang inyong katawang-tao, ang inyong mga mararangyang pagnanasa, ang inyong kasakiman, at ang inyong kalibugan ay malalim na nakaugat sa inyo. Ang mga bagay na ito ay walang tigil na kumokontrol sa inyong mga puso na kayo ay walang kapangyarihan na itakwil ang yugto ng mga piyudal at masasamang kaisipang iyon. Hindi kayo nananabik na baguhin ang inyong kasalukuyang sitwasyon, ni takasan ang impluwensya ng kadiliman. Kayo ay simpleng nakatali sa mga bagay na iyon.
Magmula nang nilikha ang mundo hanggang sa ngayon, ang lahat ng ginawa ng Diyos ay pag-ibig, na walang kahit anong poot sa tao. Kahit ang pagpaparusa at paghatol na iyong nakita ay pag-ibig din, isang mas totoo at mas tunay na pag-ibig na pumapatnubay sa tao patungo sa tamang landas ng buhay. ... Kayong lahat ay tumira sa isang lugar ng kasalanan at kahalayan; kayong lahat ay mahalay at makasalanang mga tao. Ngayon hindi ninyo lang nakita ang Diyos, ngunit ang mas mahalaga, tumanggap kayo ng pagparusa at paghatol, tumanggap ng ganyang pinakamalalim na kaligtasan, ito ay, tumanggap ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang tunay na pag-ibig Niya sa inyo; wala Siyang masamang balak. Nang dahil sa inyong mga kasalanan, kayo ay hinahatulan Niya, upang kilatisin ninyo ang inyong mga sarili at tanggapin itong napakalaking kaligtasan. Lahat ng ito ay ginawa upang gawin ang tao. Mula sa umpisa hanggang sa huli, ang Diyos ay ginagawa Niya ang Kanyang buong kakayahan upang mailigtas ang tao, at tiyak na Siya ay hindi makapapayag na tuluyang masira ang tao na Kanyang nilikha ng Kanyang mga kamay. Ngayon Siya ay lumapit sa inyo upang gumawa; hindi ba ito ay mas mainam pang kaligtasan? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawin pa ba Niya ang gawain na ganoon kalaki upang personal na pamunuan kayo? Bakit Niya kailangang magdusa? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o mayroong anumang masamang balak ang Diyos sa inyo. Dapat ninyong alamin na ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatunay na pag-ibig. Dahil lamang sa pagiging suwail ng tao kaya sila ay kailangang iligtas Niya sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, sila ay hindi maliligtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano ang manguna sa buhay o kung paano mabuhay, at kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lugar na ito at kayo ay mga mahalay at maruming mga diablo, wala Siyang lakas ng loob para pabayaan kayong maging mas napakasama; wala rin Siyang lakas ng loob para makita kayong nabubuhay sa maruming lugar kagaya nito, tinatapakan ni Satanas kung kailan niya gusto, o ang lakas ng loob para hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lang Niya na makuha itong inyong pangkat at lubusang iligtas kayo. ... Kahit na ikaw ay nagdurusa sa sakit at pagdalisay ngayon dahil sa paghatol, ang sakit na ito ay mahalaga at makabuluhan. Kahit na ang pagparusa at paghatol ay mga pagdalisay at walang awang mga hayag sa tao, na sinadya para parusahan ang kanyang mga kasalanan at parusahan ang kanyang laman, wala sa mga gawain na ito ay itinakda upang isumpa at puksain ang kanyang laman. Ang mga matinding paghahayag na ito ng salita ay lahat para sa layuning pamunuan ka sa tamang landas. Personal ninyong naranasan na ang napakarami sa mga gawaing ito at, malinaw na, hindi kayo dinala sa isang masamang daan! Ang lahat ng ito ay upang makaya mong mamuhay ng isang pagkatao ng normal; ang lahat ng ito ay isang bagay na kayang marating ng iyong normal na pagkatao. Ang bawat hakbang ng gawain ay ginawa ayon sa iyong mga pangangailangan, ayon sa iyong mga kahinaan, at ayon sa inyong mga tunay na katayuan, at walang hindi kakayaning pasanin ang inilagay sa inyo. Kahit na hindi mo makita ito nang malinaw ngayon at nararamdaman mo na tila Ako ay malupit sa iyo, kahit na patuloy mong iniisip na ang dahilan kaya pinaparusahan at hinahatulan Ko kayo araw-araw at dinudusta Ko kayo araw-araw ay dahil sa may poot Ako sa iyo, at kahit na ang iyong tinatanggap ay kaparusahan at paghatol, sa totoo itong lahat ay pag-ibig sa iyo, ito rin ay dakilang sanggalang para sa iyo.
Sa harap ng kalagayan ng tao at sa kanyang saloobin tungo sa Diyos, ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, pinahihitulutan ang tao na taglayin pareho ang kaalaman ukol sa at pagkamasunurin tungo sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang kapinuhan ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pakikitungo at pagpungos sa kanya, kung wala ito hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at sumaksi sa Kanya. Ang kapinuhan ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa kapakanan ng isang may kinikilingang epekto, ngunit para sa kapakanan ng isang epekto na maraming bahagi. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng kapinuhan sa kanila na nakahandang hangarin ang katotohanan, upang ang paninindigan at pag-ibig ng tao ay gawing perpekto ng Diyos. Sa kanilang mga nakahandang hanapin ang katotohanan, at nananabik para sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o ang mayroong mas malaking maitutulong, kaysa sa kapinuhan na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagkat ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa pagtatapos ng araw, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling maunawaan niyaong ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang paninindigan na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya magdurusa, at hindi pinino o hinatulan, kung gayon ang kanyang paninindigan ay hindi magiging perpekto. Para sa lahat ng mga tao, ang kapinuhan ay napakahapdi, at napakahirap tanggapin-ngunit sa panahon ng kapinuhan ginagawang malinaw ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao, at naglalaan ng mas maraming pagliliwanag, at ng mas maraming pagpungos at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at katotohanan, ibinibigay Niya sa tao ang higit na malaking kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at ibinibigay sa tao ang lalong malaking pagkaunawa ng kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng isang mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Ang gayon ay ang mga layunin ng Diyos sa pagpapatupad ng kapinuhan. Taglay ng lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ang sarili nitong mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni gumagawa Siya ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang kapinuhan ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, ni nangangahulugan itong pagwasak sa kanila sa impiyerno. Nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng kapinuhan, pagbabago sa kanyang mga pagganyak, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang kapinuhan ay isang totoong pagsubok sa tao, ang isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng kapinuhan maaaring gampanan ng kanyang pag-ibig ang katutubo nitong tungkulin.
Kapag ang Diyos ay gumagawa upang pinuhin ang tao, nagdurusa ang tao, nagiging higit ang kanyang pag-ibig sa Diyos, at higit pang kapangyarihan ng Diyos ang nabubunyag sa loob niya. Mas kaunti ang pagpipino ng tao, mas kaunti ang kanyang pag-ibig sa Diyos, at mas kaunting kapangyarihan ng Diyos ang nabubunyag sa loob niya. Mas higit ang kanyang pagpipino at pagdurusa at mas higit ang paghihirap niya, lalong lalalim ang kanyang tunay na pag-ibig sa Diyos, lalong dadalisay ang kanyang pananampalataya sa Diyos, at lalong lalalim ang kanyang pagkakilala sa Diyos. Makikita mo sa iyong mga karanasan na yaong mga nagtiis ng higit na pagpipino at pagdurusa, maraming pakikitungo at disiplina, ay may malalim na pag-ibig sa Diyos, at isang mas matindi at tumatagos na pagkakilala sa Diyos. Yaong mga hindi pa nakaranas ng anumang pakikitungo ay mayroon lamang mababaw na pagkakilala, at makapagsasabi lamang: "Ang Diyos ay napakabuti, iginagawad Niya ang mga biyaya sa mga tao upang Siya ay kanilang matamasa." Kung naranasan ng mga tao na mapakitunguhan at madisiplina, masasabi nila kung gayon ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Kaya mas kahanga-hanga ang gawain ng Diyos sa tao, mas mahalaga at makabuluhan ito. Mas di-tumatagos ito para sa iyo at mas di-kaayon ito ng iyong mga paniwala, mas kaya kang lupigin, kamtin, at gawing perpekto ng gawain ng Diyos. Ang kabuluhan ng gawain ng Diyos ay napakadakila! Kung hindi Niya pinino ang tao sa paraang ito, kung hindi Siya gumawa ayon sa pamamaraang ito, kung gayon ang gawain ng Diyos ay magiging di-epektibo at walang kabuluhan. Ito ang dahilan sa likod ng di-pangkaraniwang kabuluhan ng Kanyang pagpili sa isang grupo ng mga tao sa panahon ng mga huling araw. Sinabi na dati na pipiliin ng Diyos at kakamtin ang grupong ito. Mas higit ang gawain na Kanyang tinutupad sa loob ninyo, mas malalim at mas dalisay ang inyong pag-ibig. Mas higit ang gawain ng Diyos, mas kayang matikman ng tao ang Kanyang karunungan at mas malalim ang pagkakilala ng tao sa Kanya. Sa mga huling araw, ang 6,000 taong plano sa pamamahala ng Diyos ay magtatapos. Posible bang magtapos ito nang ganoon lamang, napakadali? Sa sandaling nalupig Niya ang sangkatauhan, matatapos na ba ang Kanyang gawain? Napaka-simple ba nito? Iniisip ng mga tao na napaka-simple lamang nito, nguni't ang ginagawa ng Diyos ay hindi ganoon ka-simple. Anumang bahagi ng gawain ng Diyos ito, lahat ay di-maarok ng tao. Kung nakaya mong arukin ito, sa gayon ang gawain ng Diyos ay magiging walang kabuluhan o halaga. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay di-maarok, masyadong salungat ito sa iyong mga paniwala, at mas hindi-maiaayon ito sa iyong mga paniwala, mas ipinakikita nito na ang gawain ng Diyos ay makahulugan; kung kaayon ito sa iyong mga paniwala, sa gayon magiging walang-kahulugan ito. Ngayon, nararamdaman mo na ang gawain ng Diyos ay lubhang kamangha-mangha, at mas kamangha-mangha ito, lalong nararamdaman mo na ang Diyos ay di-maarok, at nakikita mo kung gaano kadakila ang mga gawa ng Diyos. Kung ginawa lamang Niya ang ilang mababaw, madaliang gawain upang lupigin ang tao, at pagkatapos ay tapos na, sa gayon mawawalan ng kakayahan ang tao na mamasdan ang kabuluhan ng gawain ng Diyos. Bagama't nakakatanggap ka ng kaunting pagpipino sa araw na ito, may malaking pakinabang ito sa pag-unlad ng iyong buhay-kaya't ang gayong paghihirap ay inyong sukdulang pangangailangan. Ngayon, nakakatanggap ka ng kaunting pagpipino, nguni't pagkatapos ay tunay na mamamalas mo ang mga gawa ng Diyos, at sasabihin mo sa kahuli-hulihan: "Ang mga gawa ng Diyos ay talagang kamangha-mangha!" Ang mga ito ang magiging mga salita sa puso mo. Yamang naranasan ang pagpipino ng Diyos sa kaunting panahon (ang pagsubok[a] sa mga taga-serbisyo at ang mga panahon ng pagkastigo), sinabi ng ilang mga tao sa kahuli-hulihan: "Ang paniniwala sa Diyos ay talagang mahirap!" Ipinakikita nitong "mahirap" na ang mga gawa ng Diyos ay di-maarok, na ang gawain ng Diyos ay nagtataglay ng dakilang kabuluhan at kahalagahan, at lubhang karapat-dapat na pahalagahan ng tao. Kung, matapos na makagawa Ako ng napakaraming gawain, wala ka kahit katiting na pagkakilala, sa gayon magkakaroon pa ba ng halaga ang Aking gawain? Masasabi mo na: "Talagang mahirap ang paglilingkod sa Diyos, lubhang kamangha-mangha ang mga gawa ng Diyos, totoong matalino ang Diyos! Siya ay kaibig-ibig!" Kung, matapos sumailalim sa isang panahon ng karanasan, nagagawa mong sabihin ang gayong mga salita, sa gayon pinatutunayan nito na iyong nakamtan ang gawain ng Diyos sa loob mo.
Ang Aking sinasabi sa kasalukuyan ay upang hatulan ang mga kasalanan ng mga tao at ang kanilang pagiging hindi matuwid; iyon ay pagsumpa sa pagiging rebelyoso ng mga tao. Ang kanilang panlilinlang at kalikuan, at kanilang mga salita at mga pagkilos, lahat ng mga bagay na hindi naaayon sa Kanyang kalooban ay sasailalim sa paghatol, at ang pagiging rebelyoso ng mga tao ay tinukoy na makasalanan. Siya ay nagsasalita alinsunod sa mga panuntunan ng paghatol, at ibinubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon sa pamamagitan ng paghatol sa kanilang pagiging hindi matuwid, pagsumpa sa kanilang pagiging rebelyoso, at pagbunyag sa lahat ng kanilang mga pangit na mukha. Kinakatawan ng Kanyang kabanalan ang Kanyang matuwid na disposisyon; sa katunayan ang Kanyang kabanalan ay ang Kanyang matuwid na disposisyon. Ang pinagmumulan ng Aking mga salita sa kasalukuyan ay pagsasalita, paghatol, ang paggawa ng gawain ng panlulupig batay sa inyong tiwaling mga disposisyon. Ito lamang ang totoong gawain, at ito lamang ang makapaglalagay sa kabanalan ng Diyos sa kapahingaan. Kung hindi ka nagkaroon kailanman ng tiwaling disposisyon, hindi ka hahatulan ng Diyos, hindi mo rin magagawang makita ang Kanyang matuwid na disposisyon. At dahil ikaw ay mayroong isang tiwaling disposisyon, hindi ka pakakawalan ng Diyos. Sa pamamagitan nito na nabubunyag ang Kanyang kabanalan. ... Dahil sa mga paghatol na ito kaya nagagawa ninyong makita na ang Diyos ay isang Diyos na matuwid, na ang Diyos ay ang Diyos na banal. Dahil sa Kanyang kabanalan at pagiging matuwid kaya Niya kayo hinatulan at dumalaw ang Kanyang matinding galit sa inyo. Sapagkat maaari Niyang ibunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon kapag nakikita ang pagiging rebelyoso ng sangkatauhan, at dahil maaari Niyang ibunyag ang Kanyang kabanalan kapag nakikita ang karumihan ng sangkatauhan, sapat ito upang ipakita na Siya ay Diyos Mismo na banal at walang dungis, ngunit naninirahan din sa lupaing marumi.
Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung wala ang Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi malalaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi nagpapahintulot ng kasalanan, at hindi maaaring ilipat ang kanyang mga lumang kaalaman ng Diyos patungo sa panibago. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, isinasa-publiko Niya ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay daan sa tao na makamit ang kaalaman ng Diyos, at baguhin ang kanyang disposisyon, at gumawa ng umuugong na patotoo sa Diyos sa pamamagitan ng pampublikong pagpapakita ng Diyos.
Ang tao ay nabubuhay sa gitna nang laman, na nangangahulugang nabubuhay siya sa isang pantaong impiyerno, at kung wala ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang tao ay kasing-dumi ni Satanas. Paano magiging banal ang tao? Naniniwala si Pedro na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang pinakamabuting pag-iingat sa tao at pinakadakilang biyaya. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol ng Diyos magigising ang tao, at kapopootan ang laman, at kapopootan si Satanas. Ang mahigpit na pagdisiplina ng Diyos ay nagpapalaya sa tao mula sa impluwensya ni Satanas, siya'y pinalalaya nito mula sa kanyang sariling makitid na mundo, at hinahayaan siyang mamuhay sa liwanag ng presensya ng Diyos. Wala nang higit na mabuting pagliligtas kundi ang pagkastigo at paghatol! ... Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang buhay na may kahulugan, at tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang, kung gayon dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at pagpalo ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang makalaya siya mula sa pagmamanipula at impluwensya ni Satanas at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Alamin na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala, biyaya o pag-iingat para sa tao.
Kung gusto mo na magawang perpekto, dapat mong maunawaan ang kahalagahan ng gawain ng Diyos. Sa partikular, dapat mong maunawaan ang kahalagahan ng Kanyang pagkastigo at paghatol, at bakit ang mga iyon isinasagawa sa tao. Kaya mo bang tanggapin? Sa panahon ng ganitong uri ng pagkastigo, kaya mo bang makamit ang mga karanasan at kaalaman na kapareho ng kay Pedro? Kung ikaw ay maghahabol ng isang kaalaman sa Diyos at ng gawain ng Banal na Espiritu, at maghahabol ng mga pagbabago sa iyong disposisyon, kung gayon mayroon kang pagkakataon na magawang perpekto. ... at ang iyong pagsisikap ay hindi kaayon sa landas kung saan si Pedro ay ginawang perpekto, kung gayon, natural, hindi ka makararanas ng mga pagbabago sa iyong disposisyon. Kung ikaw ay isang naghahabol na maging ginagawang perpekto, kung gayon nagdadala ka ng patotoo, at sasabihin mo: "Sa isa-isang hakbang na gawaing ito ng Diyos, natanggap ko ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at bagaman nakapagtiis ako ng matinding pagdurusa, nakarating ako sa pagkakaalam kung paano ginagawang perpekto ng Diyos ang tao, nakamit ko ang gawaing ginagawa ng Diyos, nagkaroon ako ng kaalaman sa pagkamatuwid ng Diyos, at ang Kanyang pagkastigo ay nagligtas sa akin. Ang Kanyang matuwid na disposisyon ay dumating sa akin, at nagdala sa akin ng mga pagpapala at biyaya, at ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nag-ingat at dumalisay sa akin. Kung hindi ako nakastigo at nahatulan ng Diyos, at kung ang Kanyang mga masasakit na salita ay hindi dumating sa akin, hindi ko sana nakilala ang Diyos, ni naligtas ako. Nakikita ko ngayon na, bilang isang nilalang, hindi lamang tinatamasa ng isa ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Maylalang, nguni't, mas mahalaga, na lahat ng mga nilalang ay magtamasa sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at tamasahin ang Kanyang paghatol, sapagka't ang disposisyon ng Diyos ay karapat-dapat sa pagtatamasa ng tao. Bilang isang nilalang na nagawang tiwali ni Satanas, dapat na tamasahin ng isa ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Sa Kanyang matuwid na disposisyon ay mayroong pagkastigo at paghatol, at, higit sa rito, mayroong dakilang pag-ibig. Bagaman hindi ko kayang lubos na matamo ang buong pag-ibig ng Diyos sa ngayon, nagkaroon naman ako ng mabuting kapalaran na makita ito, at dahil dito ako ay napagpala." Ito ang landas na nilakaran niyaong mga nakakaranas ng ginagawang perpekto at ng kaalaman na kanilang sinasalita. Ang gayong mga tao ay pareho ni Pedro; mayroon silang parehong karanasan ni Pedro. Ang gayong mga tao ay yaon ding nakatamo ng buhay, at nagtataglay ng katotohanan. Kung nararanasan ng tao hanggang sa katapus-tapusan, sa panahon ng paghatol ng Diyos hindi niya maiiwasan na ganap niyang maiwaksi sa kanyang sarili ang impluwensya ni Satanas, at matatamo siya ng Diyos.
Dati ko nang sinabi na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay natamo mula sa Silangan, mga mananagumpay na nagmula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng ganoong mga salita? Ang ibig-sabihin nila ay ang mga taong ito na tanging natamo lamang ay tunay na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagpupungos at lahat ng mga uri ng kapinuhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay hindi malabo at mahirap unawain, ngunit tunay. Wala pa silang nakitang anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi nila pinag-uusapan ang mga malalabong mga titik at mga doktrina, o malalalim na mga kabatiran; sa halip mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang mas higit na kakayahang gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos?
Mga Talababa:
a. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang " ang pagsubok kay."
_____________________________
Higit pang pansin:
"Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol" | Sipi 525
Ano ang Paghuhukom? Paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghuhukom sa mga huling araw? Basahin upang mas matuto pa.