Alam Mo Ba Kung Nasaan ang Kaharian ng Diyos?

29.04.2021

Kapag natatanong kung nasaan ang kaharian ng Diyos, karamihan sa mga tao ay sumasagot, "Sinabi ng Panginoong Jesus, 'Sapagka't Ako'y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo'y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon' (Juan 14:2-3). Yamang ang muling pagkabuhay ni Jesus at pag-akyat sa langit ay upang maghanda ng lugar para sa atin, kung gayon ang lugar na inihanda para sa atin ay nasa langit-ang kaharian ng Diyos ay dapat nasa langit." Totoo na sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay maghahanda ng lugar para sa atin, subalit sinabi ba ng Panginoon na ang lugar para sa atin ay nasa langit? Naaayon ba ang gayong pagkaunawa sa kalooban ng Panginoon? Katunayan, hindi malinaw na sinabi sa atin ng Panginoon kung ang kaharian ay nasa langit. Gayunpaman, ipinagpalagay natin na ang kaharian ng Diyos ay nasa langit batay lamang sa talatang ito-hindi ba ito basta-bastang pahayag? Hindi ba ito maling paniniwala? Kung nais nating malaman kung nasaan ang kaharian ng Diyos, dapat tayong magsaliksik at magsiyasat sa maraming aspeto. Sa ibaba, pag-aralan natin ang Biblia at makita kung nasaan ang kaharian ng Diyos.

Ang Lugar na Inihanda Para sa Atin ng Diyos ay Wala Pala sa Langit

Para naman sa kung nasaan ang kaharian ng Diyos, tignan muna natin kung ano ang sinasabi sa panalangin ng Panginoon. Sinabi ng Panginoong Jesus, "Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa" (Mateo 6:10). Malinaw ring ipinropesiya ng Aklat ng Pahayag, "At nakita ko si Juan ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at Siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan Niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila" (Pahayag 21:2-3). "Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kaniyang Cristo: at Siya'y maghahari magpakailan kailan man" (Pahayag 11:15).

Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus at sa mga propesiya sa Pahayag, malinaw nating makikita na ang kaharian ng Diyos ay nasa lupa, wala sa langit. Dalawang libong taon na ang nakalipas, ipinadasal sa atin ng Panginoong Jesus na ang kaharian ng Diyos ay dumating sa lupa, at ang kalooban ng Diyos ay maisakatuparan nang walang hadlang sa lupa. Sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, isasakatuparan Niya sa huli ang katunayan na "Ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao" at na "Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kaniyang Cristo." Ibig sabihin, sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, itatayo Niya ang Kanyang kaharian sa lupa. Sa panahong iyon, pangungunahan pa rin ng Diyos ang mga tao sa pamumuhay sa lupa at pagsamba sa Diyos, lahat ng mga tao ay mamumuhay sa mga salita ng Diyos at magiging kaisa ng isipan ng Diyos, at hindi na gagawa ng kasalanan, kalalabanin ang Diyos o maghihimagsik laban sa Diyos, at sa gayon ang kaharian ng Diyos ay mabubuo sa lupa. Lahat ng ito ay nagpapakita na ang kalooban ng Diyos ay ang itayo ang Kanyang kaharian sa lupa. Kung maniniwala tayong ang kaharian ng Diyos ay nasa langit ayon sa ating mga kuru-kuro, kung gayon hindi ba't nangangahulugan iyon na ang mga propesiyang ito ay walang saysay?

Mula sa Simula hanggang sa Wakas, Ang Kalooban ng Diyos ay Mamuhay ang Tao sa Lupa

Katunayan, mula umpisa hanggang katapusan, ang kalooban ng Diyos ay mamuhay ang tao sa lupa. Halimbawa, sa simula, nilikha ng Diyos sina Adan at Eba sa lupa upang ipabantay sa kanila ang lahat ng mga bagay at maging pagpapamalas ng kapurihan ng Diyos sa lupa; hindi sila inilagay ng Diyos sa langit. Kalaunan, tinukso sila ng ahas na kainin ang prutas mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama at pinalayas ng Diyos sa Hardin ng Eden. Mula noon, namuhay na ang sangkatauhan sa ilalim ng pamamahala ni Satanas. Pininsala sila ni Satanas at mas naging tiwali. Bilang resulta, nagdesisyon ang Diyos na gumamit ng baha upang wasakin ang sangkatauhan na nasa rurok ng katiwalian. Sa panahong iyon, tanging ang pamilya ng walo ni Noe ang pinagpala ng Diyos at tinulutang makaligtas at magparami sa lupa. Matapos iyon, sinimulan na ng Diyos ang Kanyang gawain ng pamamahala upang iligtas ang sangkatauhan. Sa kapanahunan ng Kautusan, nagpahayag ang Diyos ng mga batas sa pamamagitan ni Moises upang gabayan ang buhay ng tao sa lupa. Sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ay mas lalong naging tiwali, nabigong sumunod sa batas at nasa panganib na mapatay sa pamamagitan ng batas. Kung kaya, personal na dumating ang Diyos sa lupa sa katawang-tao upang maging walang-hanggang handog para sa kasalanan ng tao, sa gayon ay natubos ang tao mula sa kasalanan at tinulutan silang magpatuloy na mamuhay sa lupa. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw Siya ay babalik muli, itatayo ang Kanyang kaharian sa lupa, at gagawin ang kaharian ng lupa bilang kaharian ni Cristo. Ang mga katunayang ito ay nagpapakita sa atin na ang hangarin ng Diyos ay ang mamuhay ang tao sa lupa at ang Kanyang kalooban ay palaging isasakatuparan sa lupa, na siyang naitalaga na ng Diyos at ang hindi mababagong katotohanan. Kaya, ang ating paniwala na ang kaharian ng Diyos ay nasa langit ay siguradong kuru-kuro at imahinasyon ng tao at hindi naaayon sa kalooban ng Diyos.

Basahin natin ang isang talata ng mga salita ng Diyos at mauunawaan natin nang mas malinaw ang tungkol sa katotohanan na isasakatuparan ng Diyos sa huli-ang maipakita ang kaharian ng langit sa lupa. Sabi ng mga salita ng Diyos, "Babalik ang Diyos sa Kanyang orihinal na lugar, at babalik ang bawat tao sa kani-kanilang mga lugar. Ito ang mga hantungan kung saan maninirahan ang Diyos at ang mga tao sa sandaling matapos ang buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may patutunguhang para sa Diyos, at ang sangkatauhan ay may patutunguhang para sa sangkatauhan. Habang nagpapahinga, magpapatuloy ang Diyos sa paggabay sa lahat ng mga tao sa kanilang mga buhay sa lupa, at habang nasa Kanyang liwanag, sasambahin nila ang nag-iisang tunay na Diyos sa langit. Hindi na mamumuhay ang Diyos kasama ng sangkatauhan, at hindi rin magagawang mamuhay ng mga tao kasama ng Diyos sa Kanyang patutunguhan. Hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong lugar ang Diyos at ang mga tao. Sa halip, kapwa sila may kanya-kanyang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ang Siyang gumagabay sa lahat ng sangkatauhan, at ang lahat ng sangkatauhan ay ang pagkikristal, o pagkakaroon ng tiyak na anyo ng pamamahala ng Diyos. Ang inaakay ay ang mga tao, at ang kanilang diwa ay hindi natutulad sa diwa ng Diyos. Ang 'magpahinga' ay nangangahulugan ng pagbalik sa orihinal na lugar ng isang tao. Samakatuwid, kapag pumasok sa pahinga ang Diyos, nangangahulugan itong bumalik na Siya sa Kanyang orihinal na lugar. Hindi na Siya mamumuhay sa mundo o makakasama ng sangkatauhan upang makibahagi sa kanilang kagalakan at pagdurusa. Kapag pumasok sa pahinga ang mga tao, nangangahulugan itong sila ay naging tunay na mga bagay ng sangnilikha. Sasambahin nila ang Diyos mula sa lupa, at mamumuhay ng normal. Ang mga tao ay hindi na magiging masuwayin sa Diyos o lalaban sa Kanya, at magbabalik sa orihinal na buhay nina Adan at Eba. Ito ang magiging kani-kanilang buhay at hantungan ng Diyos at ng mga tao pagkatapos nilang pumasok sa pahinga. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi maiiwasang kahihinatnan ng digmaan sa pagitan nito at ng Diyos. Tulad nito, ang pagpasok ng Diyos sa pahinga pagkatapos ng Kanyang gawaing pamamahala at ang ganap na kaligtasan at pagpasok sa pahinga ng sangkatauhan ay mga hindi na rin maiiwasang kahihinatnan. Nasa lupa ang lugar ng pahingahan ng sangkatauhan, at nasa langit ang pahingahan ng Diyos. Bagama't sinasamba ng mga tao ang Diyos sa pamamahinga, mamumuhay sila sa lupa, at bagama't inaakay ng Diyos ang natitirang sangkatauhang sa pamamahinga, pamumunuan Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa."

Makikita natin mula sa talatang ito na ang kaharian ng Diyos ay lilitaw sa lupa. Kapag natapos na ang lahat ng gawain ng Diyos ng pagliligtas sa lupa, ang Diyos at ang sangkatauhan ay magkakaroon ng kanya-kanyang pamamaraan ng pamamahinga. Ipagpapatuloy ng Diyos ang pangunguna sa buhay ng sangkatauhan sa lupa at sasambahin ng sangkatauhan ang Diyos sa lupa. Ito ang magandang hantungan na inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Sa panahong iyon, ang buhay ng sangkatauhan ay mananatili pa rin sa lupa, ngunit lubos nang maiwawaksi ng sangkatauhan ang gapos ng kasalanan at nadalisay na at hindi na kailanman maghihimagsik laban sa Diyos o kakalaban sa Diyos. Mamumuhay sila sa lupa nang masaya sa gitna ng paggabay ng Diyos, at wala ng mga pag-aalala, sakuna, pasakit o kamatayan. Tulad ng ipinropesiya ng Pahayag 21:4, "At papahirin ng Diyos ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na."

Ngayon ay nakita na natin na ang kalooban ng Diyos ay mamuhay ang tao sa lupa at na sa pagbabalik ng Panginoon, itatayo Niya ang Kanyang kaharian sa lupa. Tanging sa pagsalubong sa Panginoon na magkakaroon tayo ng pagkakataong makapasok sa kaharian ng Diyos. Kaya paano natin masasalubong ang Panginoon? Ipinropesiya ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan" (Juan 16:12-13). "At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka't hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:47-48). "Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo'y katotohanan" (Juan 17:17). At sinasabi rin ng Pahayag 22:14, "Mapapalad ang mga gumagawa ng Kanyang mga kautusan, na sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan." Mula rito ay nalaman natin na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng maraming katotohanan, gagamitin ang katotohanan upang isagawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay, gagawin ang mga tao na yaong mga sumusunod at sumasamba sa Kanya, at sa huli ay dadalhin sila sa kaharian. Kaya, kung gusto nating makapasok sa kaharian ng Diyos sa huli, dapat muna nating salubungin ang Panginoon, at tanggapin ang Kanyang gawain ng paghatol, paglilinis, panlulupig at pagliligtas sa tao sa Kanyang pagbabalik. Sa mga taong ito, tanging ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik bilang ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Nagpahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos at isinasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos upang iligtas at linisin ang tao, na siyang lubos na tumutupad sa mga propesiya ng Panginoong Jesus. Tanging sa aktibong paghahanap at pagsisiyasat ng naaayon sa mga salita ng Panginoon, sa pamamagitan ng pagtanggap sa huling yugto ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ng pagdadalisay at pagliligtas ng sangkatauhan, at ang pagtupad sa mga nasabi sa mga salitang "Ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man Siya pumaroon" (Pahayag 14:4), magkakaroon tayo ng pagkakataon na makapasok sa kaharian ng Diyos sa huli at matamasa ang buhay sa lupa na parang sa langit.

______________________

Magrekomenda nang higit pa: 

Ano ang kaharian -  Ang Kaharian ng Diyos Ba ay Nasa Langit o Nasa Lupa? Nahanap Ko ang Sagot

© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia