Homiliya Ngayong Araw: Paano Nga Ba Darating ang Panginoon?
Matapos mabuhay muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, lahat ng mga Kristiyanong tapat na nanampalataya sa Kanya ay nag-umpisang abangan ang Kanyang ikalawang pagdating. Partikular na tayong mga ipinanganak sa mga huling araw ay mas lalong inaabangan ang Kanyang ikalawang pagdating kung kailan Niya tayo itataas sa kaharian sa langit. Habang kumakapit tayo sa pag-asang ito, alam ba natin ang paraan kung paano magpapakita sa atin ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon? Ang tanong na ito ay may kinalaman sa mahalagang bagay na magagawa ba nating salubungin ang pagdating ng Panginoon o hindi, kaya kinakailangang talakayin natin ito ng seryoso.
May nagsabi na kapag dumating na ang ikalawang pagdating ng Panginoon, tiyak na bababa Siya sakay ng mga ulap nang may kapangyarihan at kaluwalhatian, sapagkat napakaraming ganoong propesiya sa loob ng Biblia. Halimbawa, "Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya" (Pahayag 1:7). "At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Mateo 24:30). Isa pa, nang mabuhay muli ang Panginoong Jesus at umakyat Siya sa langit, sinabi ng isang anghel, "Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit" (Mga Gawa 1:11). Sa pagliliwanag ng mga propesiyang ito, ilan sa mga kapatid ang naniniwala na ang ikalawang pagdating ng Panginoon sa mga huling araw ay tiyak na ang pagdating Niya sakay ng mga ulap.
Sa katunayan, maliban sa maraming bersikulo sa Biblia na nag-propesiya nang hayagang pagdating ng Panginoon sakay ng mga ulap, mayroon ding mga propesiya na nagsasabing ang Panginoon ay lihim na darating tulad ng isang magnanakaw. Halimbawa, "Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 3:3). At sa Mateo 25:6, sinabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya." Malinaw na sinasabi ng mga bersikulong ito na kapag bumalik ang Panginoon, hindi Siya magagawang makita ng lahat, kundi darating Siya nang hindi natin nalalaman. Sa halip, ang Kanyang pagdating ay ihahayag ng isang sigaw, iyon ay, sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa atin ng isang tao ng ebanghelyo ng pagbalik ng Panginoon. Matapos nating marinig ang patotoong ito, dapat nating buksan ang ating mga pinto at tanggapin Siya, at noon lamang natin maaaring salubungin ang Panginoon. Noon natin makukumpirma ang propesiya ng Biblia ng dalawang paraan kung paano darating ang Panginoon: Ang isa ay darating ang Panginoon bilang Espiritu, hayagang nakasakay sa mga ulap, at ang isa ay lihim na darating ang Anak ng tao.
Alam nating lahat na tapat ang Panginoon, at kung nagpropesiya man na Siya ay darating ng palihim o hayagan sa mga ulap, ang lahat ay matatapos at matutupad. Kung ganoon, paanong matutupad ang dalawang labis na magkaibang propesiya na ito? Tingnan natin ang ilang mga bersikulo ng Banal na kasulatan upang mahanap ang sagot.
Sa Lucas 12:40, sinabi ng Panginoong Jesus, "Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating." Ganoon din, sa Lucas 17:24-25 ay sinabi Niya, "Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito." Nagpropesiya ang mga talatang ito na ang Panginoon ay darating bilang ang Anak ng tao. Gaya ng alam nating lahat, ang kahulugan ng "Anak ng tao" ay isang tao na ipinanganak ng tao at nagtataglay ng normal na katauhan. Ang espirituwal na katawan ng Diyos ay hindi maaaring tawaging Anak ng tao-tanging ang nagkatawang-taong Diyos lamang ang maaaring tawagig ganoon. Gaya ng Panginoong Jesus, halimbawa. Sa diwa, Siya ang Espiritu ng Diyos na nababalutan ng ordinaryong katawan, at walang makakapagsabi sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa Kanya na naiiba Siya sa isang normal na tao. Kaya naman, ang panahon ng paggawa ng nagkatawang-taong Diyos ay isang yugto kung saan Siya dumating at gumawa ng palihim. Sa ibang salita, kapag dumating muli ang Panginoon sa mga huling araw, una Siyang magpapakita at gagawin ang Kanyang gawain sa katawang-tao bilang Anak ng tao. At ang mga magagawang marinig ang tinig ng Diyos, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ay magagawang makilala na Siya ang Diyos. Gaya nina Pedro at Juan sa lumang panahon, halimbawa, na nagawang makilala mula sa loob ng mga salitang binigkas ni Jesus na Siya ang Mesiyas, kaya naman sumabay sila sa mga yapak ng Kordero, at natamo nila ang kaligtasan ng Diyos. Gayunpaman, ang mga hindi magagawang marinig ang tinig ng Diyos ay tiyak na hinusgahan ang nagkatawang-taong Diyos base sa panlabas Niyang anyo. Tinatrato nila si Kristo na tila Siya isang ordinaryong tao, at tinatanggihan, hinahatulan at lumalapastangan sila laban sa Kristo ng mga huling araw, kaya inilalantad sila bilang mga hangal na birhen. Kapag dumating ang malaking sakuna, mag-uumpisa ang Diyos na gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masama, at pagkatapos ay darating Siya sakay ng mga ulap at hayagang magpapakita sa lahat ng mga tao. Kapag dumating ang mga oras na iyon, ang lahat ng lalaban sa Diyos ay maiipit sa sakuna at magkakaroon ng labis na pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin. Gaya ng sinasabi ng Pahayag 1:7, "Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya."
Mula rito, makikita natin na ang panahon kung saan dumarating ng lihim ang Diyos ay isang yugto kung saan ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain upang iligtas ang sangkatauhan, at ang panahon kung saan hayagang dumarating ang Diyos ay ang panahon kung kailan Niya gagantimpalaan ang mabuti at parurusahan ang masama. Gaya ng nakasulat sa Mateo 24:37-39, "At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao." Bakit sinabi na sa mga huling araw ng pagdating ng Anak ng tao ay magiging katulad sa panahon ni Noe? Alam nating lahat na, nang gawin ni Noe ang arko, ipinangaral niya sa mga tao na wawasakin ng Diyos ang mundo gamit ang baha, ngunit walang nakinig sa kanya, at sa halip ay kinutya nila siya bilang isang baliw. Nang matapos ang arko at sumakay ang walong-kataong pamilya ni Noe, dumating ang baha. Mula rito, makikita natin na, noong mga araw bago dumating ang baha, sinubukang iligtas ng Diyos ang tao, at na noong dumating ang baha, kung saan siyang pagdating ng panahon ng kaparusahan, nagawang makita ng lahat ang baha ngunit huli na ang lahat dahil sumara na ang tarangkahan ng biyaya ng mga oras na iyon. Kaya naman, ang yugto kung saan dumarating ang Panginoon ng palihim ay pagliligtas sa lahat ng tunay na nananampalataya sa Diyos at nagmamahal sa katotohanan, dahil nagagawa nilang marinig ang tinig ng Diyos, salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, malinis at gawing mananagumpay ng Diyos. Gayunpaman, para sa mga taong nagpapanggap na nananampalataya sa Diyos at galit sa katotohanan, dahil kumakapit sila sa sarili nilang maling pananaw at imahinasyon. At dahil tumanggi silang tanggapin ang kaligtasan ng Diyos ng mga huling araw, at nilalabanan at hinuhusgahan pa nila ang nagkatawang-taong Diyos, sila ang magiging paksa ng kaparusahan ng Diyos. Kapag hayagang nagpakita ang Panginoon sakay ng mga ulap, makikita nila na ang Siyang nilalabanan nila ay ang Diyos Mismo. Ngunit sa mga oras na iyon ay tiyak na ang kanilang katapusan, at gagantimpalaan ng Diyos ang mabuti at parurusahan ang masama. Paano nila hindi babayuhin ang kanilang mga dibdib sa labis na pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin? Kaya naman, ang palabas ng "Makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya" ay magaganap.
Mula sa pagbabahagi sa taas, maiintindihan natin na ang ikalawang pagdating ng Panginoon sa mga huling araw ay unang magaganap sa pamamagitan ng lihim Niyang pagkakatawang-tao sa katauhan ng Anak ng tao. Bago dumating ang mga sakuna, gagawa ng grupo ng mga mananagumpay ang Diyos at, oras na matapos ang Kanyang gawain, hayagan Siyang magpapakita sakay ng mga ulap upang parusahan ang masasamang lumaban sa Kanya. Kaya naman, kung nainis nating malinis ng Diyos at makaligtas sa mga sakuna, kung ganoon ay hindi natin dapat pakawalan ang pagkakataon na maligtas ng Diyos bago ang mga sakuna, baka tayo ay mabilang sa mga "Ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya."
Sa kasalukuyan, lumalaki ang mga sakuna sa buong mundo at lalo pang nangyayari ng madalas, at lahat ng mga propesiya sa Biblia na nagpropesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay naganap na ngayon. Anong dapat nating gawin upang makasabay sa mga yapak ng Diyos sa mahalagang oras na ito ng ikalawang pagdating ng Panginoon? Sinasabi ng Pahayag 2:29: "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." At sinasabi ng Pahayag 3:20 says: "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko." Mula sa mga bersikulong ito ay makikita natin na kapag dumating na ang ikalawang pagdating ng Panginoon, ipapahayag Niya ang Kanyang mga salita, at dapat tayong maging mga matatalinong birhen at makinig sa tinig ng Diyos. Kapag may narinig tayong sumigaw na dumating na ang kasintahang lalaki, dapat nating ituon ang ating atensiyon sa paghahanap at pagsasaliksik, at hindi lamang tumingin sa langit, nag-aabang na bumaba ang Panginoon sakay ng mga ulap, dahil sa ganitong paraan lamang natin magagawang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.
______________________
Malaman ang higit pa:
• Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng "Puting Ulap"
• Mabuting Balita ng Panginoon: Kung Paano Kakatok sa Pinto ang Panginoon sa
Kanyang Pagbabalik