Paano Makalaya sa Pagdurusa at Makakamit ng Kapayapaan at Kagalakan
Minamahal na Li Rui,
Kumusta ka na? Naalala ko na minsan ay nagtanong ako sa iyo ng isang katanungan: Sa lipunan ngayon, mayroong labis na pressure sa pakikipagkumpitensya at maraming tao ang may pakiramdam na ang buhay ay nakakapagod at mahirap, kaya paano tayo maaaring mabuhay nang masaya? Sinabi mong sumali sa iyo sa iyong pananampalataya sa Diyos, at sinabi mo na, sa sandaling maniwala ka sa Diyos, sa gayon maaari kang magkaroon ng patnubay ng mga salita ng Diyos, makakakuha ka ng kapayapaan at kagalakan mula sa Diyos, at maaari kang maging malaya sa lahat ng mga pagkabahala at alalahanin. Ngunit noong panahong iyon ay abala ako sa pagtatrabaho upang kumita ng pera na wala akong oras upang maniwala sa Diyos, at paulit-ulit kong tinanggihan ang iyong mungkahi. Sa lahat ng mga taong ito ay nais kong umasa sa sarili kong pakikibaka at pagsisikap upang maging isang taong makikilala sa aking kumpanya. Ngunit abala ako mula madaling araw hanggang takipsilim, at nakakatagpo pa rin ako ng kabiguan pagkatapos ng kabiguan, pagkatalo pagkatapos ng pagkatalo. Nakikita ko ang aking mga kasamahan na napopromote at lumalaki ang suweldo, at ako ay ganun pa rin kung saan ako nagsimula. Nakaramdam ako ng kawalan at sakit. Sister, tila mas masaya ka mula nang magsimula kang maniwala sa Diyos at ang iyong buhay ay napakapayapa at malaya, na parang wala kang mga alalahanin at wala man lang nararamdamang pagdurusa. Naiinggit ako sa iyo, at nais kong tanungin ka: Talaga bang maaari akong pahintulutan ng pananampalataya sa Diyos na maging malaya sa pagdurusa at maging masaya? Umaasa sa iyong tugon ...
Nagmamahal,
Li Nan
Hello Xiaonan,
Nakuha ko ang iyong email, at nalulungkot akong marinig na ang iyong buhay ngayon ay napakahirap at nakakapagod. Bukod sa pagdarasal para sa iyo, wala na akong magagawa pa upang tulungan ka. Ang nag-iisang makakatulong sa iyo na alisin ang iyong pagdurusa ay ang Diyos. Sinabi ng Panginoong Jesus, "Magsiparito sa Akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y Aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang Aking pamatok, at magaral kayo sa Akin; sapagka't Ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka't malambot ang Aking pamatok, at magaan ang Aking pasan" (Mateo 11:28-30). Ang Diyos ang ating walang hanggang suporta at Siya ang ating tulong tuwing nangangailangan. Kahit gaano man tayo maghirap o mag-alala, hanggat naniniwala tayo sa Diyos at tinatanggap ang Kanyang kaligtasan, nananalangin nang madalas sa Diyos, binabasa ang mga salita ng Diyos at inuunawa ang katotohanan, sa gayon magagawa nating malampasan ang ilang mga bagay. Sa gayon hindi tayo gaanong magdurusa at ang ating mga puso ay magiging payapa at magkakaroon tayo ng suporta na masasandalan.. Kung magagawa nating tanggapin ang katotohanan at isagawa ang mga salita ng Diyos, sa gayon magagawa nating maiwaksi ang katiwalian at maligtas.
Xiaonan, kung nais nating mabuhay nang maligaya at maginhawa, kailangan muna nating maunawaan nang eksakto kung ano ang pangunahing sanhi ng ating pagdurusa. Mayroong dalawang mga sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: "Kaya, ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang naiisip ng mga tao ay pawang katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagbabata ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakripisyo ang lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at gagawa sila ng anumang paghatol o pagpapasiya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Walang kaalam-alam nilang dinadala ang mga kadenang ito at lumalakad nang may matinding paghihirap. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay lumalayo sa Diyos at pinagtataksilan Siya at mas lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, nasisira ang sali't salinlahi sa katanyagan at pakinabang ni Satanas" ("Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI"). "Dahil hindi nakikilala ng mga tao ang pagsasaayos ng Diyos at ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, palagi nilang hinaharap ang kapalaran nang may pagtanggi at mapanghimagsik na saloobin, at palaging nais isantabi ang awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran, umaasa nang walang-saysay na mababago ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan at mapapalitan ang kanilang kapalaran. Subalit hindi sila kailanman magtatagumpay at nahahadlangan sila sa bawat liko. Ang pakikibakang ito na nagaganap sa kaibuturan ng sariling kaluluwa ay nagdudulot ng matinding sakit na tila tagos hanggang buto habang unti-unti niyang inaaksaya ang kanyang buhay. Ano ang sanhi ng sakit na ito? Dahil ba sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, o dahil sa ang tao ay ipinanganak na hindi maswerte? Malinaw na alinman dito ay hindi totoo. Pangunahin na ito ay dahil sa mga landas na tinatahak ng mga tao, sa mga paraan na pinili ng mga tao na isabuhay ang kanilang mga buhay" ("Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III").
Ang mga salita ng Diyos ay inihahayag sa atin ang ugat na sanhi ng pagdurusa ng buhay ng tao. Alam mo ba na, sa simula, ginawa ng Diyos sina Adan at Eba at sinunod nila ang Diyos at pinakinggan ang Kanyang mga salita? Sila ay binantayan at pinrotektahan ng Diyos, sila ay namuhay nang masaya sa Hardin ng Eden, at hindi nila alam ang pagdurusa at kalungkutan. Ngunit nang sina Adan at Eba ay akitin at linlangin ni Satanas, at sumalungat sila sa mga salita ng Diyos at kumain ng bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama, sa gayon ay nawala sa kanila ang pagpapala ng Diyos at pinalayas sa Hardin ng Eden. Pagkatapos noon, ang sangkatauhan ay nahulog sa ilalim ng pamumuno ni Satanas at mula noon ay nabuhay sa pagdurusa. Sa loob ng ilang libong taon, gumamit si Satanas ng mga maling paniniwala tulad ng ateismo, materyalismo at ebolusyonismo upang linlangin at gawing tiwali ang sangkatauhan, at ang sangkatauhan ay mas lalong natiwali ni Satanas. Ang ating mga maka-satanas na tiwaling mga disposisyon, tulad ng pagiging mayabang, mapanlinlang, at matigas ang loob, ay malalim na nakaugat sa loob natin. Tinatanggihan natin ang pag-iral ng Diyos, tinatanggihan na nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng mga bagay, hindi na tayo sumasamba sa Diyos at lumalayo tayo nang lumalayo sa Kanya. Ano pa, ginagamit din ni satanas ang mga haring demonyo, ang mga dakila at ang mga tanyag na tao na iyon upang ikintal sa atin ang gayong mga kasabihan ng lohika at mga maling paniniwala gaya ng "Mamukod-tangi at magdala ng parangal sa kanyang mga ninuno," "Dapat laging magsikap ang mga kalalakihan para maging mas mabuti kaysa sa kanilang mga kapanahon," at "Ang tadhana ninuman ay nasa kanyang sariling kamay." Sa ilalim ng impluwensya ng mga kasabihan at maling paniniwala na ito, naniniwala tayo na sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng pera at katayuan ay maaari nating makuha ang pagpapahalaga ng iba at pagkakaroon ng kapaki-pakinabang na pamumuhay. Naniniwala rin tayo na ang mamuhay ng isang pangkaraniwang buhay ay walang kabuluhan at ito ay upang maging walang mga hangarin, na mamatahin lamang tayo at mamaliitin ng iba, at ang ating buhay ay magiging kaawa-awa. Para sa kadahilanang ito, maraming mga tao ang naghahangad na mabuhay sa tuktok at upang mabuhay ng masaganang buhay, at sa gayon ay nagpupursige sila at nagsusumikap araw-araw, nagtatrabaho sila nang sobra sa oras, nakakakuha sila ng lahat ng uri ng sakit habang bata pa sila, at ang ilan ay nawawalan pa ng kanilang buhay sa paghahangad na ito. Mayroong ilang mga tao na gumagamit ng walang prinsipyong mga paraan at pakana laban sa kanilang mga kasamahan, na hindi hihinto sa anuman upang tapakan ang iba para makarating sa tuktok, na gumagamit ng mga tao, nandadaya ng mga tao, at namumuhay sa hindi matiis na sakit, para lamang sa pagkakaroon ng matagumpay na karera. Marami ring mga tao na, pagkatapos na gugulin ang lahat ng kanilang pagsisikap at matuklasan na hindi pa rin nila magawang mangibabaw mula sa karamihan ng tao, ay nagsisimulang maramdaman ang pagkabalisa at pagkalumbay, na pakiramdam na ang lahat sa kanilang buhay ay naging mali. Nararamdaman nila ito hanggang sa punto na sila ay naging matatakutin at nawawalan ng pag-asa na nagbibigay ng isang pakiramdam ng pagkapagod sa mundo, at pinipili nilang patayin ang kanilang sarili upang wakasan ang kanilang buhay. Sa katunayan, ang ating pagdurusa ay talagang sanhi ng ating pagiging natiwali ni Satanas, sapagkat tinanggap natin ang maling pananaw ni Satanas at dahil nabubuhay tayo sa mga pilosopiya at kasabihan ni Satanas.
Xiaonan, alam ng Diyos na tayo ay nasasaktan ni Satanas at na nabubuhay tayo sa pagdurusa, at kaya ipinapahayag Niya ang Kanyang mga salita upang ilantad ang mga paraan kung saan tayo tinitiwali ni Satanas upang mabuo natin ang pagkilala sa mga ito. Ipinapakita rin Niya sa atin ang landas kung saan maaari tayong mamuhay nang masaya. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, "Kahit ano pa ang mga pagkakaiba sa kakayahan, talino, at determinasyon, ang mga tao ay pantay-pantay na lahat sa harap ng tadhana, na hindi tumitingin sa pagkakaiba ng malaki o maliit, ng mataas o mababa, ng pinaparangalan o hinahamak. Ang pinagsisikapang hanapbuhay, ang ginagawa ng isang tao upang kumita, at kung gaano karami ang natitipong kayamanan ng isang tao sa buhay ay hindi napapagpasyahan ng sariling mga magulang, ng sariling mga talento, ng sariling mga pagpupunyagi o sariling mga ambisyon, at sa halip ay itinadhana ng Lumikha" ("Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III"). "Kapag hindi naiintindihan ng isang tao ang kapalaran, kapag hindi niya nauunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kapag nangangapa siya nang pasulong nang kusang-loob, pasuray-suray at pagiray-giray sa kalituhan, ang paglalakbay ay napakahirap at masyadong nakakasakit ng damdamin. Kaya kapag nakikilala ng mga tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao, pinipili ng matatalino na alamin at tanggapin ito, na magpaalam sa masasakit na araw nang sinubukan nilang magtatag ng isang mabuting buhay sa sarili nilang mga kamay, na tigilan ang pakikipagbuno laban sa kapalaran at ang paghahangad ng kanilang tinatawag na 'mga layunin sa buhay' sa sarili nilang kaparaanan. Kapag walang Diyos ang isang tao, kapag hindi niya Siya nakikita, kapag hindi niya malinaw na nakikilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, ang bawat araw ay walang kabuluhan, walang halaga, kahabag-habag. Saanman naroroon ang isang tao, anuman ang trabaho niya, ang paraan ng paghahanap-buhay niya at ang pagsisikap niya sa sariling mga layunin ay nagdadala lamang sa kanya ng walang-katapusang sakit sa damdamin at di-maibsang pagdurusa, hanggang sa hindi na siya makalingon sa nakaraan. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng isang tao sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, pagpapasailalim sa Kanyang mga pagsasaayos at paghahanda, at paghahanap sa tunay na buhay ng tao siya unti-unting makakalaya mula sa lahat ng sakit ng damdamin at pagdurusa, at maiibsan ng lahat ng kahungkagan sa buhay" ("Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III").
Malinaw na ipinapaliwanag ito ng mga salita ng Diyos. Ang kapalaran ng bawat isa sa atin ay pinamumunuan at isinasaayos ng Diyos, at ang Diyos ay matagal ng paunang itinalaga kung sa anong pamilya tayo maipapanganak, kung anong mga kasanayan ang magkakaroon tayo, kung anong karera ang magkakaroon tayo, at kung magiging gaano tayo kayaman. Bilang mga nilikhang nilalang, hindi tayo dapat mamuhay sa naturang mga maka-satanas na kasabihan at kamalian tulad ng "Mamukod-tangi at magdala ng parangal sa kanyang mga ninuno," at "Ang tadhana ninuman ay nasa kanyang sariling kamay," bulag na nakikipagpunyagi kasama ang pag-asa sa lakas ng ating sariling dalawang kamay. Sa halip, dapat tayong magpasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, tanggapin kung ano ang itinalaga para sa atin ng Lumikha, maging masigasig at mapagpakumbaba, gawin ang ating makakaya at sundin ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay, dahil sa paggawa lamang nito magkakaroon ng kapayapaan at kagalakan ang ating mga espiritu, at mabubuhay tayo nang walang kaguluhan at maginhawa. Gawing halimbawa si Job, na ang kuwento ay naitala sa Biblia. Nagtuon siya sa pagpapahalaga, pagdanas at pagkilala sa soberanya ng Diyos sa kanyang buhay, at hinanap niyang sundan ang landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Dahil dito pinangalanan siya ng Diyos na isang matuwid na tao at pinagpala siya upang siya ay maging dakila sa mga tao sa silangan. Gayunman, hindi kumbinsido si Satanas at nagparatang laban kay Job. Upang subukin ang pananampalataya ni Job sa Kanya, pinayagan ng Diyos si Satanas na tuksuhin si Job, at sa gayon ay nagpadala si Satanas ng mga tulisan upang nakawin ang lahat ng mga hayop ni Job, nagsanhi na mawala sa kanya ang kanyang mga anak, at kumalat ang masasakit na pigsa sa buong katawan ni Job. Sa panahon ng pagsubok na ito, bagamat hindi naiintindihan ni Job ang kalooban ng Diyos, hindi pa rin siya humiling sa Diyos ng anumang bagay para sa kanyang sariling kapakanan, o para sa kanyang mga anak o para sa kanyang pag-aari, ngunit sa halip ay nagpasakop siya sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, at nagpatirapa siya sa lupa upang purihin ang Diyos at sinabi: "Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova" (Job 1:21). Natalo ni Job si Satanas sa kanyang pagsunod sa Diyos at paggalang sa Diyos, nanindigan siya at nagbunga ng matunog na patotoo para sa Diyos, at siya ay pinagpala ng doble ng Diyos. Ang hinangad ni Job sa kanyang buhay ay hindi anumang prestihiyosong posisyon o matayog na estado, mas lalong hindi siya umasa sa kanyang sariling dalawang kamay upang makagawa ng isang magandang kinabukasan para sa kanyang sarili, ngunit sa halip ay hinangad niyang makilala ang Diyos, sumunod sa Diyos, at matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Samakatuwid, hindi lamang nakuha ni Job ang espirituwal na kapayapaan at kagalakan sa kanyang buhay ngunit, higit na mahalaga, natanggap niya ang papuri ng Diyos at nabuhay siya ng isang buhay na may halaga at kahulugan.
Xiaonan, tulad ng alam mo, bago ako naniwala sa Diyos, isinasaalang-alang ko rin ang gayong mga kasabihan at maling paniniwala gaya ng "Ang tadhana ninuman ay nasa kanyang sariling kamay" at "Mamukod-tangi at magdala ng parangal sa kanyang mga ninuno" bilang totoong mga kasabihan, at lagi kong nais na kumita ng maraming pera sa pamamagitan ng aking sariling pagsisikap, mabuhay na nasa tuktok at tingalain ako ng iba, at naniniwala ako na magkakaroon ako ng kagalakan at kaligayahan sa sandaling makamit ko ang mga bagay na ito. Matapos akong ikasal, ang aking asawa at ako ay nanghiram ng pera upang magsimula ng isang negosyo, ngunit taliwas sa aming inaasahan, nawalan kami ng pera nang paulit-ulit. Hindi ako handa na tanggapin ang pagkatalo, kaya't nagsimula akong makinig sa mga lectures na ibinigay ng mga matagumpay na tao, at napunta ako sa direct selling at nagbenta ako ng insurance. Inaasahan kong, sa pamamagitan ng pagsusumikap, mabibilang ako sa mga matagumpay, ngunit sa huli, pagkatapos ng maraming taon ng pag-angat at pagbagsak, natapos pa rin ang lahat sa kabiguan. Nang makita ko na ito ang kinalabasan ng lahat ng aking pagsusumikap, hindi ko makayanan ang dagok at nabuhay ako sa pagdurusa. Nawala ang lahat ng pag-asa ko sa buhay at naramdaman kong parang ang aking buhay ay natapos na. Ano pa ang punto ng pamumuhay kung hindi ako makikilala mula sa karamihan ng tao? At kaya, inisip ko ang pagpapakamatay bilang isang paraan upang wakasan ang lahat. Nang magsimula akong maniwala sa Diyos at mabasa ko ang mga salita ng Diyos sa wakas ay napagtanto kong ang lahat ng aking pagdurusa ay dahil namumuhay ako sa maling pananaw ni Satanas, sapagkat palagi kong sinusubukan na baguhin ang aking kapalaran sa pamamagitan ng aking sariling pagsisikap, at patuloy akong nakikipaglaban sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Sa totoo lang, nang nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, inihanda Niya ang lahat ng kakailanganin natin upang mabuhay, at ang dapat lamang nating gawin upang mapanatili ang ating buhay ay ang gumawa nang sapat. Sa ganitong paraan, mayroon tayong mas maraming oras upang manampalataya at sumamba sa Diyos, at sa gayon mamuhay sa harapan ng Diyos at tanggapin ang Kanyang pangangalaga at proteksyon. Gayunpaman, hindi ko naintindihan ang pag-ibig ng Diyos, at hindi ko naintindihan ang Kanyang mabubuting hangarin. Naudyukan ng aking ligaw na mga ambisyon at paghahangad, palagi kong nais na makipagtunggali sa aking kapalaran at hangarin na mabuhay sa taas, ngunit ang lahat na dinala sa akin ay pasakit. Nang naintindihan ko ang mga bagay na ito, nakita ko sa wakas kung gaano ako kalubhang tiniwali ni Satanas at lahat ng pagtataguyod ko ay ganap na laban sa mga hangarin ng Diyos nang likhain Niya ang tao. Kasabay nito, naintindihan ko rin na sa pamamagitan lamang ng paniniwala sa Diyos at sa pamamagitan ng pagpapasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos na tayong mga tao ay maiaalis ang ating sarili sa mga kadena at pinsala ni Satanas, at mamumuhay nang payapa, masayang buhay.
Nang maglaon, madalas akong dumalo sa mga pagtitipon kasama ang aking brothers and sisters upang magbasa ng mga salita ng Diyos at upang magbahagi tungkol sa aming sariling mga karanasan at pag-unawa. Pagkatapos, sinimulan ko na aktibong ipangaral ang ebanghelyo, upang ipalaganap ang kaligtasan ng Diyos sa mga namumuhay pa rin sa pagdurusa, nakikipaglaban sa pasakit at hindi matagpuan ang kanilang daan, upang sila rin, ay lumapit sa harap ng Diyos at tanggapin ang Kanyang kaligtasan. Ngayon, bagaman wala akong masyadong pera at wala akong maraming materyal na kasiyahan, sapagkat pinili ako ng Diyos na lumapit sa Kanya at nasisiyahan ako sa mga salita ng Diyos araw-araw, sapagkat maaari kong hanapin ang katotohanan at hanapin ang landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos tuwing nakakatagpo ako ng isang isyu o isang paghihirap, at marami sa aking mga isyu ay nalutas sa ganitong paraan, ang aking espiritu ay napuno ng kapayapaan at kagalakan. Ang pakiramdam ng kapayapaan at katatagan na nagmumula sa kailaliman ng aking espiritu ay hindi mabibili ng anumang pera. Sa pamamagitan ng pagdanas sa gawain ng Diyos sa huling ilang taon, naiintindihan ko na ang ilang mga katotohanan, at malinaw kong nakikita ang kahungkagan ng katanyagan, pakinabang at katayuan. Ang mga matataas bang opisyal, mayayamang tao at kilalang tao na nagtataglay ng prestihiyosong katayuan at nagkakahalaga ng milyun-milyon ay talagang namumuhay nang masaya at maligayang buhay? Bakit napakaraming matataas na opisyal, mayayaman na tao at kilalang mga tao ang pinili na patayin ang kanilang sarili upang wakasan ang kanilang buhay? Malinaw ang mga katotohanan: Gaano man kataas ang ating katayuan o kung gaano karaming pera ang mayroon tayo, ang mga bagay na ito ay maaari lamang magbigay sa atin ng pansamantalang pisikal na kasiyahan, ngunit hindi nila mapupuno ang kahungkagan sa ating mga espiritu. Sa mga bagay lamang na ito, ang ating buhay ay magiging ganap na walang kahulugan at hindi magagawang makuha ang totoong kaligayahan at kagalakan. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, "Ang tao, kung sabagay, ay tao, at ang posisyon at buhay ng Diyos ay hindi mapapalitan ng sinumang tao. Ang sangkatauhan ay hindi lang basta nangangailangan ng isang makatarungang lipunan kung saan lahat ng tao ay kumakain nang sapat at pantay-pantay at malaya. Ang kailangan ng sangkatauhan ay ang kaligtasan ng Diyos at ang Kanyang pagbibigay ng buhay sa kanila" ("Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan"). Sa pamamagitan lamang ng paniniwala sa Diyos at pagsunod sa Diyos, sa pag-unawa sa katotohanan at pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggi sa mga maling pananaw at sa pamamagitan ng pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos na maaari tayong makaranas ng tunay na kapayapaan at kagalakan at mabuhay ng maligayang buhay. Mula nang magsimula akong maniwala sa Diyos, nararamdaman kong nabuhay ako nang masagana at makabuluhang buhay araw-araw, at ang aking puso ay nakakaramdam ng higit na kalayaan at kaluwagan!
Xiaonan, kung magagawa mo ring maniwala sa Diyos, lumapit sa Diyos at tanggapin ang patnubay ng mga salita ng Diyos, matutong umasa sa Diyos at sundin ang Diyos, at mamuhay sa ilalim ng Kanyang pangangalaga at proteksyon, kung gayon naniniwala akong ikaw rin, ay tiyak na makakatamo ng kapayapaan na ito at kagalakan sa iyong espiritu. Sapagkat ang tunay na kapayapaan at kagalakan ay nagmula sa Diyos, sa pamamagitan lamang ng paglapit sa Diyos ay matatamasa natin ang kapayapaan at katatagan sa ating mga espiritu. Ang aking pag-unawa sa katotohanan ay napaka-limitado pa rin at maraming mga bagay na hindi ko maipaliwanag. Sa pamamagitan lamang ng paniniwala mo sa Diyos at pag-aaral sa pamamagitan ng iyong sariling mga karanasan ay magagawa mong pahalagahan kung ano ang tunay na kaligayahan, tunay na kagalakan at tunay na kapayapaan. Sa huli, nais ko lamang sabihin sa iyo ito: Sa pamamagitan lamang ng paniniwala sa Diyos, pag-unawa sa katotohanan at pagkilala sa Diyos ay magagawa nating mahanap ang tunay na kaligayahan!
Nagmamahal,
Li Rui
______________________
I-click at basahin ang artikulong ito, at pagkatapos ay mauunawaan ano ang pananampalataya at mahanap ang landas upang magkaroon ng tunay na pananampalataya at makamit ang pagsang-ayon ng Diyos.