Paano Marinig ang Tinig ng Diyos at Salubungin ang Panginoon

16.05.2021

Ngayon ang malalaking sakuna ay nangyayari at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay malawakang natutupad. Sa lahat ng dako ng buong mundo, ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos lamang ang hayagan na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, na nagpahayag ng milyun-milyong salita at nagsasagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Matapos mabasa ng maraming tunay na mananampalataya sa Diyos ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, narinig nila ang tinig ng Diyos at sinalubong ang Panginoon. Ngunit ang ilang mga tao ay hindi agad na naghahanap o nag-iimbestiga, iniisip, "Tanging ang Siyang nagpapakita lamang ng mga palatandaan at kababalaghan ang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay hindi nagpapakita ng mga palatandaan at kababalaghan, kaya't paanong Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus?" Naisip ba natin na kung ang mga nagpapakita ng mga palatandaan at kababalaghan ay Diyos tulad ng iniisip natin, hindi ba ang mga salamangkero at mangkukulam, na maaaring magpakita ng mga himala at gumagawa ng pangkukulam, nagpapakita bilang Diyos matapos silang magtanghal ng ilang higit sa pangkaraniwan na mga palatandaan at kababalaghan? Ipinapakita nito na kung ito man ay ang pagbabalik ng Panginoon, hindi matutukoy sa kung ang isang tao ay maaaring magpakita ng mga palatandaan at kababalaghan.

Sa katunayan, sinabi ng Panginoong Jesus, "Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay" (Juan 14:6). Upang masukat kung ito ay Diyos, dapat nating makita kung maaari Niyang ipahayag ang katotohanan. Ang Siyang maaaring magpahayag ng katotohanan ay tanging ang Diyos at ang mga hindi ito kayang gawin ay hindi Diyos. Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan" (Juan 16:12-13). "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin" (Juan 10:27). Iprinopesiya ng maraming beses ng mga Kabanata 2 at 3 ng Aklat ng Pahayag: "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Makikita natin mula rito na sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw, ipapahayag Niya ang katotohanan at ang mga salitang sinalita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Ang pinakamahalagang bagay upang masalubong ang Panginoon ay dapat nating marinig ang tinig ng Diyos. Lahat ng mga makaririnig sa tinig ng Diyos ay maaaring masalubong ang Panginoon at dumalo sa piging kasama ng Panginoon. Kung gayon paano natin maririnig ang tinig ng Diyos? Paano natin matitiyak na ang mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Diyos? Mangyaring basahin ang sumusunod.

______________________

 Malaman ang higit pa: 

Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.

© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia