Paano matatamo ng isang tao ang gawain ng Banal na Espiritu?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawat araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pahayag ng bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi makakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan. Ang dating kapanahunan ay nakalipas na; ito ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat na magawa. Lalung-lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, ang Diyos ay gaganap ng bagong gawain nang lalo pang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sundan ang mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin, ni itinuturing Niya ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi-nababago. Bagkus, ang gawaing ginagawa Niya ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit na praktikal sa bawat hakbang, paayon nang paayon sa tunay na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang na nararanasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na maaabot niya ang huling pagpapabago ng kanyang disposisyon. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay umaabot sa lalo pang mas mataas na mga antas, kaya't ganoon din ang gawain ng Diyos ay umaabot sa lalo pang mas mataas na mga antas. Sa ganitong paraan lamang na magagawang perpekto ang tao at nagiging angkop para sa paggamit ng Diyos. Gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan sa isang banda upang salungatin at baligtarin ang mga pagkaunawa ng tao, at sa kabila ay upang akayin ang tao tungo sa isang mas mataas at mas makatotohanang kalagayan, tungo sa pinakamataas na dako ng paniniwala sa Diyos, upang sa katapusan, ang kalooban ng Diyos ay magagawa. Lahat niyaong may kalikasang masuwayin na sadyang sumasalungat ay maiiwan sa likuran ng yugtong ito ng mabilis at mahigpit na sumusulong na gawain ng Diyos; tanging yaong mga bukal-sa-kaloobang sumusunod at nagagalak na nagpapakumbaba ang makakasulong hanggang sa katapusan ng daan. Sa uring ito ng gawain, lahat kayo ay dapat matuto kung paano magpasakop at kung paano isantabi ang inyong mga pagkaunawa. Dapat kayong maging maingat sa bawat paghakbang ninyo. Kung pabaya kayo, tiyak na kayo ay magiging isang tinatanggihan ng Banal na Espiritu, isang gumagambala sa Diyos sa Kanyang gawain. ... Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay nag-iiba sa bawat tagal ng panahon. Kung ikaw ay nagpapakita ng matinding pagkamasunurin sa isang yugto, datapwa't sa susunod na yugto ay nagpapakita ng kaunti lamang o wala pa nga, kung gayon iiwanan ka ng Diyos. Kung ikaw ay sumasabay sa Diyos sa Kanyang pag-akyat sa hakbang na ito, kung gayon kailangan mong magpatuloy sa pagsabay kapag umakyat Siya sa susunod. Doon ka lamang nagiging isa na masunurin sa Banal na Espiritu. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manatiling nagpapatuloy sa iyong pagkamasunurin. Hindi ka basta lamang maaaring sumunod kapag gusto mo at sumuway kapag ayaw mo. Ang ganitong uri ng pagkamasunurin ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi ka makakasabay sa bagong gawain na Aking ibinabahagi at nagpapatuloy sa paghawak sa mga dating kasabihan, kung gayon paano magkakaroon ng pag-unlad sa iyong buhay? Ang gawain ng Diyos ay upang tustusan ka sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kapag ikaw ay sumusunod at tumatanggap sa Kanyang mga salita, kung gayon tiyak na gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa nang eksakto sa kung paano Ako nagsasalita. Gawin mo kung ano ang Aking nasabi na, at ang Banal na Espiritu ay gagawa kaagad sa iyo. Naglalabas Ako ng bagong liwanag para makakita kayo at dalhin kayo tungo sa liwanag ng kasalukuyang panahon. Kapag lumalakad ka tungo sa liwanag na ito, ang Banal na Espiritu ay agad na gagawa sa iyo.
-mula sa "Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa ngayon, ang landas na nilalakaran ng Banal na Espiritu ay ang mismong mga salita ng Diyos. Kaya, para malakaran ito ng isang tao, kailangan niyang sumunod, at kumain at uminom ng mga salita mismo ng Diyos na nagkatawang-tao. Ginagawa Niya ang gawain ng salita, at ang lahat ay nagsisimula sa Kanyang salita, at ang lahat ay itinatatag mula sa Kanyang salita, sa Kanyang mismong salita. Maging ito man ay ganap na walang mga pag-aalinlangan tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao o ang pagkakilala sa Kanya, kailangang maglaan ang isang tao ng ibayong pagsisikap sa Kanyang salita. Kung hindi, ang sangkatauhan ay hindi makagagawa ng kahit anuman, at walang matitira sa kanyang anuman. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos at pagpalugod sa Kanya sa saligan ng pagkain at pag-inom ng Kanyang salita na unti-unting maitatatag ng isang tao ang isang maayos na ugnayan sa Kanya. Ang pagkain at pag-inom sa Kanyang salita at ang pagsasagawa sa mga ito ay ang pinakamahusay na pakikipagtulungan sa Diyos, at ito ang uri ng pagsasagawa ng pinakamahusay na pagsasaksi bilang isa sa mga tao Niya. Kapag nauunawaan ng isang tao at nagagawa niyang sundin ang diwa ng salita mismo ng Diyos, siya ay nabubuhay sa landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu at nakapasok siya sa tamang landas ng pagpeperpekto ng Diyos sa tao.
-mula sa "Yaong mga Nabago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinakamababang pamantayan na kinakailangan ng Diyos sa mga tao ay ang magawa nilang buksan ang kanilang mga puso sa Kanya. Kung ibibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos at sasabihin kung ano talaga ang nasa loob ng kanyang puso sa Diyos, kung gayon ang Diyos ay nakahandang gumawa sa tao; hindi gusto ng Diyos ang pilipit na puso ng tao, kundi ang kanyang dalisay at tapat na puso. Kung hindi tunay na sasabihin ng tao ang kanyang puso sa Diyos, kung gayon hindi aantigin ng Diyos ang puso ng tao, o gagawa sa loob niya.
-mula sa "Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag taos-puso silang nakikiugnay sa mga salita ng Diyos, naaantig sila ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo na ang iyong buong puso sa Diyos saka mo lamang mapapaunlad nang unti-unti ang isang angkop na espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sarili nila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso-hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos. Ang Diyos ay hindi makakakuha ng anuman mula sa taong ganito; ang ganitong uri ng tao ay makakapaglingkod lamang bilang isang hambingan sa gawain ng Diyos, kagaya ng isang palamuti sa tahanan ng Diyos, nakapagpapasikip lamang, at isang walang kabuluhan-hindi kinakasangkapan ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Ang isang taong gayon ay hindi lamang walang pagkakataon para sa gawain ng Banal na Espiritu, nguni't higit pa, walang anumang halaga sa pagka-perpekto. Ang ganitong uri ng tao ang siyang totoong "patay na naglalakad." Wala silang mga sangkap na maaaring kasangkapanin ng Banal na Espiritu-silang lahat ay inangkin na ni Satanas, lubos nang ginawang tiwali ni Satanas, at sila ang pakay ng pag-aalis ng Diyos. Hindi lamang kinakasangkapan ng Banal na Espiritu ang mga tao sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagpapairal sa kanilang mabubuting katangian, ngunit gayundin sa pagka-perpekto at pagbabago sa kanilang mga pagkukulang. Kung ang iyong puso ay maibubuhos sa Diyos at mananatiling payapa sa harap ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng pagkakataon at ng mga kwalipikasyon upang kasangkapanin ng Banal na Espiritu, upang tanggapin ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at higit pa, makakamtam mo ang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na makabawi para sa iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo ang iyong puso sa Diyos, mas lalo kang makapapasok nang mas malalim sa positibong aspeto at mapupunta sa mas mataas na uri ng pananaw; sa negatibong aspeto, magkakaroon ka ng mas maraming pagkaunawa ukol sa iyong sariling mga pagkakamali at mga pagkukulang, magiging mas masigasig ka na hangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos, at hindi ka magiging walang kibo, at aktibong makapapasok. Mangangahulugan ito na ikaw ay isang tamang tao.
-mula sa "Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Banal na Espiritu ay gumagawa batay sa prinsipyong ito: Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga tao, sa pamamagitan nila na aktibong nananalangin, naghahanap at mas napapalapit sa Diyos, ang mga bunga ay makakamtan at sila ay maaaring liwanagan at paliwanagin ng Banal na Espiritu. Hindi ito ang kaso na kumikilos nang isang-panig lamang ang Banal na Espiritu, o na ang tao ay kumikilos nang isang-panig lamang. Kapwa sila hindi maaaring mawala, at mas nakikipagtulungan ang mga tao, at habang mas hinahangad nila ang pag-abot sa mga pamantayan ng mga hinihingi ng Diyos, mas malaki ang gawain ng Banal na Espiritu. Tanging ang totoong pakikipagtulungan ng mga tao, dagdag pa sa gawain ng Banal na Espiritu, ang maaaring magbunga ng tunay na mga karanasan at ng makabuluhang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Unti-unti, sa pamamagitan ng pagdanas sa ganitong paraan, isang perpektong tao ang sa kahuli-hulihan ay naibubunga. Ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga higit-sa-natural na mga bagay; sa mga pagkaintindi ng mga tao, ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat, at ang lahat ay ginagawa ng Diyos-na ang bunga ay walang-kibong paghihintay ng mga tao, hindi nagbabasa ng mga salita ng Diyos o nananalangin, at naghihintay na lamang sa pag-antig ng Banal na Espiritu. Yaong may tamang pagkaunawa, samantala, ay naniniwala rito: Ang mga kilos ng Diyos ay maaari lamang makasulong hanggang sa aking pakikipagtulungan, at ang epekto ng gawain ng Diyos sa akin ay nakasalalay sa kung paano ako nakikipagtulungan. Kapag nagsasalita ang Diyos, dapat gawin ko ang lahat ng aking makakaya upang hanapin at magsumikap tungo sa mga salita ng Diyos; ito ang dapat kong makamit.
-mula sa "Paano Malalaman ang Realidad" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Maaaring makita mula sa karanasan na isa sa pinakamahalagang usapin ay ang pagpapatahimik ng puso ng isang tao sa harap ng Diyos. Ito ay isang usapin na may kinalaman sa espirituwal na buhay ng mga tao, at sa paglago ng kanilang buhay. Kung ang iyong puso ay panatag sa harap ng Diyos saka lamang magbubunga ang iyong paghahangad sa katotohanan at sa mga pagbabago sa iyong disposisyon. Sapagka't lumalapit kang may pasanin sa harap ng Diyos at palagi mong nadarama na masyado kang maraming kakulangan, na maraming katotohanan ang kailangan mong malaman, maraming realidad ang kailangan mong maranasan, at na dapat mong ibigay ang bawat pagmamalasakit sa kalooban ng Diyos-ang mga bagay na ito ay palaging nasa iyong isip, at para bang dinadaganan ka ng mga ito nang husto na hindi ka na makakahinga, at kung kaya nakadarama ka ng sobrang kalungkutan (nguni't hindi sa isang negatibong kalagayan). Ang mga tao lamang na kagaya nito ang karapat-dapat na tumanggap ng kaliwanagan ng mga salita ng Diyos at maantig ng Espiritu ng Diyos. Ito ay dahil sa kanilang pasanin, dahil sila ay napakalungkot, at, maaaring sabihin, dahil sa halaga na kanilang ibinayad at ang pagdurusa na kanilang tiniis sa harap ng Diyos kaya nila natatanggap ang Kanyang kaliwanagan at pagpapalinaw, sapagka't hindi binibigyan ng Diyos ang sinuman ng natatanging pagtrato. Palagi Siyang patas sa Kanyang pagtrato sa mga tao, nguni't hindi rin Siya kapritsoso sa Kanyang paglalaan sa mga tao, at hindi nagbibigay sa kanila nang walang pasubali. Ito ay isang aspeto ng Kanyang matuwid na disposisyon. Sa totoong buhay, hindi pa nakakamit ng karamihan sa mga tao ang kinasasaklawang ito. Sa paanuman, ang kanilang puso ay hindi pa lubos na bumabaling sa Diyos, at kung kaya wala pa ring anumang malaking pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Ito ay dahil sa nabubuhay lamang sila sa gitna ng biyaya ng Diyos, at hindi pa nila nakakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga saligan para sa pagkasangkapan ng Diyos sa mga tao ay ang mga sumusunod: Ang kanilang mga puso ay bumabaling sa Diyos, pasan nila ang mga salita ng Diyos, taglay nila ang isang puso na nasasabik, at taglay nila ang paninindigan upang hangarin ang katotohanan. Ang ganitong uri ng mga tao lamang ang makakapagkamit sa gawain ng Banal na Espiritu at madalas na makakamit ang kaliwanagan at pagpapalinaw.
-mula sa "Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mayroong isang kondisyon para sa gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng mga tao. Hangga't sila ay nananabik na maghangad at hindi hati ang puso o nag-aalinlangan tungkol sa mga pagkilos ng Diyos, at napagtitibay nila ang kanilang tungkulin sa lahat ng oras, sa ganitong paraan lamang nila makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat hakbang ng gawain ng Diyos, ang kinakailangan sa sangkatauhan ay napakalaking pagtitiwala at paghahangad sa harap ng Diyos-sa pamamagitan lamang ng karanasan natutuklasan ng mga tao kung gaano kaibig-ibig ang Diyos at kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa tao. Kung hindi mo mararanasan, kapag hindi mo nadama ang iyong landas sa pamamagitan ng gayon, kapag hindi ka naghangad, wala kang makakamit. Kailangan mong maramdaman ang iyong patutunguhan sa pamamagitan ng iyong mga karanasan, at sa pamamagitan lamang ng iyong mga karanasan na makikita mo ang mga pagkilos ng Diyos, at makikilala ang Kanyang pagiging kamangha-mangha at pagiging di-maarok.
-mula sa "Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mayroong isang patakaran sa pagperpekto ng Diyos sa mga tao, na kung saan nililiwanagan ka Niya sa pamamagitan ng paggamit ng isang kaibig-ibig na bahagi mo upang magkaroon ka ng landas na isasagawa at makakayang ihiwalay ang sarili mo mula sa lahat ng negatibong kalagayan, tinutulungan ang iyong espiritu na matamo ang kalayaan, at gagawin kang mas may kakayanang mahalin Siya. Sa ganitong paraan magagawa mong itapon ang tiwaling disposisyon ni Satanas. Ikaw ay walang kasanayan at bukas, nakahandang makilala ang sarili mo, at nakahandang isagawa ang katotohanan. Nakikita ng Diyos na ikaw ay nakahandang makilala ang sarili mo at nakahandang isagawa ang katotohanan, kaya kapag ikaw ay mahina at negatibo, liliwanagan ka Niya nang doble, tutulungan kang makilala ang sarili mo nang higit pa, magiging mas handang magsisi para sa sarili mo, at lalong maisasagawa ang mga bagay na dapat mong isagawa. Tanging sa ganitong paraan magiging payapa at maginhawa ang iyong puso. Ang isang tao na karaniwan nang nagtutuon ng pansin sa pagkilala sa Diyos, na nagtutuon ng pansin sa pagkilala sa sarili niya, na nagtutuon ng pansin sa kanyang sariling pagsasagawa ay madalas na makakatanggap ng gawain ng Diyos, upang madalas na tanggapin ang paggabay at kaliwanagan mula sa Diyos. Bagama't nasa isang negatibong kalagayan, nagagawa niyang bumwelta kaagad, maging ito man ay dahil sa pagkilos ng konsiyensya o sanhi ng kaliwanagan mula sa salita ng Diyos.
-mula sa "Tanging Yaong mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa ang Maaaring Gawing Perpekto" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Diyos ay gumagawa sa kanila na naghahangad at pinahahalagahan ang mga salita ng Diyos. Habang lalo mong pinahahalagahan ang mga salita ng Diyos, lalong mas gagawa sa iyo ang Espiritu ng Diyos. Habang lalong pinahahalagahan ng isang tao ang mga salita ng Diyos, lalong mas lalaki ang kanyang pag-asa na gagawing perpekto ng Diyos. Ginagawang perpekto ng Diyos yaong tunay na umiibig sa Kanya. Ginagawa Niyang perpekto yaong ang mga puso ay panatag sa harapan Niya. Kung pinahahalagahan mo ang lahat ng gawain ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang kaliwanagan ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang presensiya ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang pagmamalasakit at pangangalaga ng Diyos, kung pinahahalagahan mo kung paanong ang mga salita ng Diyos ay maging iyong realidad at panustos sa iyong buhay, higit mong hinahangad na kaayon ng puso ng Diyos. Kung pinahahalagahan mo ang gawain ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang lahat ng gawain na ginawa ng Diyos sa gitna mo, pagpapalain ka ng Diyos at itutulot na ang lahat ng sa iyo ay dumami.
-mula sa "Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong mga Kaayon ng Kanyang Puso" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
Gumagawa ang Banal na Espiritu ayon sa mga salita ni Cristo, at gumagawa din ayon sa pagtanggap at pagpapasakop ng mga tao kay Cristo. Tanging kung matatanggap ng mga tao si Cristo at magpapasakop kay Cristo maaari nilang matanggap ang paggawa ng Banal na Espiritu. Kung tututol ang mga tao kay Cristo o maghihimagsik laban kay Cristo, hindi nila makukuha ang paggawa ng Banal na Espiritu. Kung ang paniniwala ng isang tao sa Diyos ay makapagdadala sa kanila ng kaligtasan o hindi ay pinagpapasyahan kung kaya nila talagang matanggap at magpasakop kay Cristo. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay lubos na nakabatay sa pagtanggap ng isang tao ng at pagpapasakop kay Cristo. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Banal na Espiritu ay isinagawa ayon sa pagtanggap ng mga tao sa Panginoong Jesus, pagpapasakop sa Kanya, at pagsamba sa Kanya. Sa Kapanahunan ng Kaharian, ang gawain ng Banal na Espiritu ay isinagawa ayon sa pagtanggap ng mga tao sa Makapangyarihang Diyos, pagpapasakop sa Makapangyarihang Diyos, at pagsamba sa Makapangyarihang Diyos. Gumagawa ang Banal na Espiritu ayon sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, para madala ang mga mananampalataya sa realidad ng mga salita ng Diyos at maabot nila ang kaligtasan at pagkaperpekto. Ito ang batayan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu. Maraming relihiyosong lider ang namatay bilang kaparusahan sa pagtutol o pagkondena kay Cristo. Maraming relihiyosong tao ang nawalan ng gawain ng Banal na Espiritu, nahuhulog sa kadiliman sa pamamagitan ng kanilang pagtanggi na tanggapin ang Cristo ng mga huling araw. Sa tahanan ng Diyos, maraming tao ang nalanta sa buhay at sumuko dahil sa kanilang umiiral na mga pagkaunawa kay Cristo, at gayon pa man marami pang iba ang inalis mula sa gawain ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng paniniwala lamang sa Espiritu ng Diyos at hindi kay Cristo. Ang mga bagay na ito ay dulot ng mga tao na hindi tumatanggap at nagpapasakop kay Cristo. Kung ang mananampalataya ba ay may gawain o wala ng Banal na Espiritu ay lubos na pinagpapasyahan sa kanilang mga pag-uugali tungo kay Cristo. Kung naniniwala lang ang isang tao sa Diyos na nasa langit, at hindi nagpapasakop kay Cristo, hindi nila kailanman matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Marami pa ring tao ngayon sa iba't ibang iglesia na naniniwala lang sa Espiritu ng Diyos, ngunit hindi naniniwala kay Cristo, at sa ganoong paraan naiwala ang gawain ng Banal na Espiritu. Marami ang naniniwala lang sa mga salita ni Cristo, ngunit hindi nagpapasakop kay Cristo, at samakatuwid ay kinamuhian ng Diyos. Samakatuwid, ang pagtanggap kay Cristo at pagpapasakop kay Cristo ay ang susi sa pagtanggap ng gawin ng Banal na Espiritu. Kapag tinanggap lang ng isang tao si Cristo at nagpasakop kay Cristo ay maaabot nila ang kaligtasan at maging perpekto. Malinaw na ang mga gawain ng Banal na Espiritu sa bawat kapanahunan ay mayroong mga kanya-kanyang batayan at prinsipyo. Kaya't maraming tao ang hindi pa rin nakikita ang kahalagahan ng pagpapasakop kay Cristo. Ang Banal na Espiritu ay lubusang gumagawa ayon sa mga salita ni Cristo. Kung hindi matatanggap ng mga tao ang mga salita ni Cristo, at patuloy na hahawakan ang mga pagkaunawa tungkol sa kanila at tutulan ang mga salita ng Diyos, talagang hindi nila matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Maraming tao ang nagdadasal lang sa ngalan ng Makapangyarihang Diyos, ngunit hindi nagpapasakop sa gawain ni Cristo, at hindi lubusang tinatanggap ang mga salita ni Cristo. Mga anticristo ang mga taong tulad nito, at talagang hindi maaaring matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu.
-mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay para lamang gabayan ang mga tao sa pagpasok sa salita ng Diyos at pag-unawa sa katotohanan. Anong mga aspeto ang kasama sa pagpasok sa salita ng Diyos? Ang pagpasok sa salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na binabasa ng isang tao ang isang partikular na pangungusap ng Diyos, pinagbubulay-bulayan ito nang kaunti at pagkatapos ay nauunawaan na ito nang kaunti. Hindi ito katumbas ng pagpasok sa salita ng Diyos. Hindi iyon ganito. Ang pinakamahalaga ay ang pumasok sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng karanasan. Sakop ng "karanasan" na ito ang maraming iba't ibang karanasan. Ang karanasan ng tao ay hindi lamang isang aspeto ng karanasan, kundi iba't iba. Ang pagganap sa tungkulin ng isang tao ay pagdanas ng salita ng Diyos. Ang pagsasagawa ng katotohanan ay pagdanas din ng salita ng Diyos. Ang pagdanas ng iba't ibang klase ng mga pagsubok at pagpipino ay lalo nang isang pagdanas ng salita ng Diyos. Basta't nararanasan mo ang salita ng Diyos, anuman ang konteksto o okasyon, matatamo mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Halimbawa, kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok, nagdarasal tayo sa Diyos at sinisikap nating unawain ang Kanyang kalooban. Dahil dito, nililiwanagan tayo ng Banal na Espiritu at tinutulutan tayong maunawaan ang kalooban ng Diyos. Ito ay dahil may kaugnayan ito sa pagpasok sa salita ng Diyos. ... Bukod pa rito, sa proseso ng pagganap sa ating mga tungkulin, at sa nararanasan natin sa buhay araw-araw, anuman ang sitwasyon, basta't nananalangin tayo sa Diyos, hinahangad natin ang katotohanan at hinahangad nating maunawaan ang kalooban ng Diyos, matatamo natin ang gawain ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil ginagabayan tayo ng Banal na Espiritu sa pagpasok sa salita ng Diyos at sa katotohanan. May ilang tao na maraming karanasan pagdating sa aspetong ito. Anuman ang kanilang sitwasyon, at anumang klaseng mga tao ang makilala nila, nagdarasal sila sa Diyos at hinihiling nila sa Kanya na liwanagan at gabayan sila, at bigyan sila ng karunungan at talino. Kapag palaging nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos sa ganitong paraan, marami silang mauunawaang salita ng Diyos. Malalaman nila kung paano sila nararapat kumilos at paano nila ito magagamit sa kabutihan sa mga natatanging sitwasyon. Ito ang paraan para makapasok sa salita ng Diyos.
-mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
______________________
Malaman ang higit pa:
• Tagalog Devotional Topics: Tips to Get Close to God
• Tagalog Devotional Message: Napakahalaga para sa mga Kristiyano na Regular na Dumalo sa mga Pulong