Paano Natin Dapat Hanapin ang mga Yapak ng Diyos at Batiin ang Panginoon?
"Dahil tayo ay naghahanap ng mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, dahil ang mga salita ng Diyos, ang mga sinambit ng Diyos- na kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Habang hinahanap ang mga yapak ng Diyos, ipinagwalang-bahala ninyo ang mga salitang 'Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.' Nang maraming tao ang nakatanggap ng katotohanan, sila ay hindi naniniwala na nahanap nila ang mga yapak ng Diyos at lalong hindi nila tinatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Napakalubhang pagkakamali iyon! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalong hindi magpapakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang mga sariling pasiya at Siya ay may sariling mga plano kapag Siya ay kumikilos para sa Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at Kanyang sariling mga paraan. Hindi mahalaga sa Kanya na ipaalam ang Kanyang mga gawain kasama ang tao o humiling ng payo sa tao, lalong hindi kailangang sabihin sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang mga gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos at, bukod dito, dapat tanggapin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, at nais ninyong sundan ang mga yapak ng Diyos, nararapat niyo munang lampasan ang inyong kaisipan. Hindi niyo dapat ipag-utos na dapat gawin ng Diyos ito o iyon, mas lalo na ilagay mo Siya sa sarili mong hangganan at limitahan Siya sa iyong sariling mga pagkaintindi. Bagkus, dapat ninyong itanong kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano niyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; iyan ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi taglay ang katotohanan, ang tao ay dapat magsaliksik, tumanggap, at sumunod" ("Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
——————————————————————
Higit pang pansin: Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig, at sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa tinig ng Diyos masasalubong ang nagbalik na Panginoon
Maraming tao ang nagpatotoo sa pagbabalik ng Panginoon. Paano ba natin matutukoy na bumalik na ang Panginoon? At paano dapat natin matanggap ang muling pagbabalik ng Panginoon? Ang mga sagot ay nasa artikulong ito.