Christian Music Video | Paano Pumasok sa Realidad ng mga Salita ng Diyos

27.03.2021

Christian Music Video | Paano Pumasok sa Realidad ng mga Salita ng Diyos


Yaong mga ibinibigay ang lahat sa Diyos,
inilalagay ang kanilang mga sarili nang ganap sa harapan Niya,
masusunod nila ang Kanyang mga salita nang buong puso,
maisasagawa ang Kanyang mga salita.
Ginagawa nilang pundasyon ang mga salita ng Diyos sa kanilang pag-iral,
hinahanap ang mga bahagi ng pagsasagawa
sa mga salita ng Diyos.
Ito ay isang taong tunay na nabubuhay, nabubuhay sa presensiya ng Diyos.
Kung gagawin mo ang mabuti para sa iyong buhay
at bibigyang kasiyahan ang kalooban ng Diyos,
kinakain at iniinom ang Kanyang mga salita,
matutugunan mo ang iyong mga pangangailangan,
matamo ang maaaring kulang sa iyo, magbago,
kung gayon mapalulugod mo ang kalooban ng Diyos.

Kung kumikilos ka ayon sa Kanyang kalooban,
iniisang-tabi ang laman,
gumagawa upang bigyang kasiyahan ang Kanyang kalooban,
ikaw ay papasok sa realidad ng salita ng Diyos, ng salita ng Diyos!
'Pag pinag-uusapan ang mas makatotohanang
pagpasok sa realidad ng mga salita ng D'yos,
ibig sabihin maisasagawa mo ang iyong tungkulin
at mabibigyang kasiyahan mo ang mga pangangailangan ng D'yos.
Tanging itong mga uri ng praktikal na mga aksyon ang matatawag
na pagpasok sa realidad ng Kanyang mga salita.
Kung magagawa mong pumasok sa realidad na ito,
kung gayon nasa iyo ang katotohanan.
Ito ang simula ng pagpasok sa realidad;
kailangan mo munang isagawa itong pagsasanay
at tanging pagkatapos nito na magagawa mong
pumasok sa mas malalim na mga realidad.
At tanging pagkatapos nito na magagawa mong
pumasok sa mas malalim na mga realidad.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

______________________ 

Rekomendasyon: 

• Tagalog Christian Songs With Lyrics 

Christian Song Ialay ang Puso Mo sa Harap ng Diyos Kung Naniniwala Ka sa Kanya | Music Video 

Basahin ang mga salita ng Diyos at gumawa ng Tagalog Devotional upang mapalapit sa Diyos anumang oras at magtatag ng isang maayos na relasyon sa Diyos. 

© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia