Araw-araw na mga Salita ng Diyos | Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos | Sipi 406
Pinaniniwalaan, minamahal, at pinalulugod ng mga tao ang Diyos sa pamamagitan ng paghaplos sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang puso at sa gayon ay pagkakamit ng Kanyang kaluguran, at sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga salita ng Diyos gamit ang kanilang puso at sa gayon ay pagkaantig nila ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong magkaroon ng isang normal na espirituwal na buhay at magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kailangan mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya. Pagkatapos mong mapatahimik ang iyong puso sa Kanyang harapan at maibuhos ang buong puso mo sa Kanya, saka mo lamang unti-unting magagawang magkakaroon ng isang normal na espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang pananalig sa Kanya, at kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sarili nila, lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, isang tipikal na kilos ng mga taong relihiyoso, at hindi makatatamo ng papuri ng Diyos. Walang mapapala ang Diyos sa ganitong klaseng tao; ang ganitong klaseng tao ay maaari lamang magsilbing hadlang sa gawain ng Diyos, kagaya ng isang palamuti sa tahanan ng Diyos, isang bagay na kalabisan at walang silbi. Hindi kinakasangkapan ng Diyos ang ganitong klaseng tao. Sa gayong tao, hindi lamang walang pagkakataon para sa gawain ng Banal na Espiritu, wala ring anumang halaga para gawin silang perpekto. Ang ganitong klaseng tao, sa totoo lang, ay isang naglalakad na bangkay. Walang taglay na anuman ang mga taong ganito para maging kasangkapan ng Banal na Espiritu, kundi taliwas dito, silang lahat ay naangkin na at malalim nang nagawang tiwali ni Satanas. Lilipulin ng Diyos ang mga taong ito. Sa kasalukuyan, sa pagkasangkapan sa mga tao, hindi lamang ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga bahagi nilang iyon na kanais-nais upang magawa ang mga bagay-bagay, pineperpekto at binabago rin Niya ang mga bahagi nilang hindi kanais-nais. Kung maibubuhos ang puso mo sa Diyos at mananatiling tahimik sa Kanyang harapan, magkakaroon ka ng pagkakataon at mga kwalipikasyong maging kasangkapan ng Banal na Espiritu, upang matanggap ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at bukod pa riyan, magkakaroon ka ng pagkakataon para makabawi sa Banal na Espiritu sa iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo ang puso mo sa Diyos, ang maganda, makakatamo ka ng mas malalim na pagpasok at makakatamo ka ng mas mataas na kabatiran; ang hindi maganda, mas mauunawaan mo ang iyong sariling mga pagkakamali at pagkukulang, magiging mas masigasig kang hangarin na mapalugod ang kalooban ng Diyos, at hindi ka magiging balintiyak, kundi aktibo kang papasok. Sa gayon, magiging isa kang tamang tao. Ipagpalagay nang kaya ng puso mo na manatiling tahimik sa harap ng Diyos, ang susi kung tumatanggap ka ng papuri mula sa Banal na Espiritu o hindi, at kung napapalugod mo ang Diyos o hindi, ay kung aktibo kang makakapasok. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang isang tao at kinakasangkapan sila, hindi sila nito ginagawang negatibo kailanman kundi lagi silang aktibong pinasusulong. Bagama't mayroong mga kahinaan ang taong ito, maiiwasan nilang ibatay ang paraan ng kanilang pamumuhay sa mga kahinaang iyon. Maiiwasan nilang maantala ang paglago ng kanilang buhay, at patuloy na hahangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ito ay isang pamantayan. Kung matatamo ninyo ito, sapat na patunay ito na nakamit mo na ang presensya ng Banal na Espiritu. Kung palaging negatibo ang isang tao, at kung, matapos man silang tumanggap ng kaliwanagan at makilala ang kanilang sarili, nananatili pa rin silang negatibo at balintiyak at hindi magawang tumayo at kumilos na kasabay ng Diyos, tinatanggap lamang ng ganitong klaseng tao ang biyaya ng Diyos, ngunit hindi sumasakanila ang Banal na Espiritu. Kapag negatibo ang isang tao, ibig sabihin ay hindi pa bumabaling ang kanilang puso sa Diyos at hindi pa naaantig ng Espiritu ng Diyos ang kanilang espiritu. Dapat itong maunawaan ng lahat.
Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Kapag Puso Mo'y Ibinigay Mo sa Diyos
Ⅰ
Para mahalin at maniwala sa Diyos, dapat abutin ng tao ang Espiritu ng Diyos gamit ang puso, gamit ang puso, kaya nakakamtan nila ang kaluguran ng Diyos. Dapat abutin ng tao ang salita ng Diyos gamit ang puso, upang sila'y maantig, maantig ng Espiritu ng Diyos. Kung hindi ibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa paniniwala nila sa Kanya, sa Kanya, kung silay hindi yayakapin ang Kanyang pasanin, dinaraya nila ang Diyos, pangrelihiyon lahat ang ginagawa nila. Hindi ito tatanggap ng papuri ng Diyos. Kapag ibinibigay mo ang buong puso mo sa Diyos, magkakaroon ka ng mas malalim na pagpasok, mapasa mas mataas na antas ng pananaw, at magkakaroon ka ng higit na pag-unawa ng iyong mga kahinaan at iyong kapintasan, masigasig na bigyang-lugod ang kalooban ng Diyos, aktibo, 'di walang-kibo, sa pagpasok. Ipinakikita nito na ikaw ay tamang tao.
Ⅱ
Kung ang puso mo'y ibinubuhos sa Diyos, at kayang manahimik sa Kanyang harapan, gagamitin ka ng Banal na Espiritu, pagpapalinaw ay matatanggap mo. Banal na Espiritu ang pupuno sa kakulangan mo. 'Pag ibinibigay mo ang puso mo sa Diyos, maiintindihan mo ang di-pansing pagpapakilos sa espiritu, sa espiritu, at bawat pagliliwanag mula sa Diyos. Panghawakan ito, ikaw ay papasok sa tamang landas ng pagpeperpekto ng Diyos.
Ⅲ
Kapag hindi ibinibigay kanilang puso sa Diyos, sa gayon espiritu ng tao'y nagiging mapurol at manhid. Ang ganitong tao'y hindi magkakaroon ng tamang pag-unawa sa mga salita ng Diyos, o ng wastong kaugnayan sa Diyos, at kanilang disposisyon ay hindi magbabago. Ang pagbabago ng disposisyon ay pagbibigay ng kanilang puso nang lubusan sa Diyos, at pagtanggap ng pagliliwanag mula sa lahat ng salitang sinabi ng Diyos. Kapag ibinibigay mo ang buong puso mo sa Diyos, magkakaroon ka ng mas malalim na pagpasok, mapasa mas mataas na antas ng pananaw, at magkakaroon ka higit na pag-unawa ng iyong mga kahinaan at mga kapintasan, masigasig para malugod ang kalooban ng Diyos, aktibo, 'di walang-kibo, sa pagpasok. Ipinakikita nito na ikaw ay tamang tao.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
______________________
Malaman ang higit pa:
• Tagalog Devotional Topics: Tips to Get Close to God