Araw-araw na mga Salita ng Diyos | Tungkol sa Pagpapatahimik sa Puso Mo sa Harap ng Diyos | Sipi 421

03.07.2021

Para makaharap sa Diyos upang tanggapin ang Kanyang mga salita bilang buhay mo, kailangan mo munang mapayapa sa harap ng Diyos. Kapag payapa ka sa harap ng Diyos, saka ka lamang liliwanagan at bibigyan ng kaalaman ng Diyos. Kapag mas payapa ang mga tao sa harap ng Diyos, mas nagagawa nilang tumanggap ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Diyos. Kinakailangan ng mga tao na magkaroon ng kabanalan at pananampalataya sa lahat ng ito; sa gayong paraan lamang sila mapeperpekto. Ang pangunahing leksyon sa pagpasok sa espirituwal na buhay ay ang mapayapa sa presensya ng Diyos. Kung payapa ka sa presensya ng Diyos, saka lamang magiging epektibo ang lahat ng iyong espirituwal na pagsasanay. Kung hindi kaya ng puso mo na pumayapa sa harap ng Diyos, hindi mo matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung payapa ang puso mo sa harap ng Diyos anuman ang ginagawa mo, isa kang taong nabubuhay sa presensya ng Diyos. Kung payapa ang puso mo sa harap ng Diyos at napapalapit sa Diyos anuman ang ginagawa mo, patunay ito na isa kang taong payapa sa harap ng Diyos. Kung nasasabi mo, habang nakikipag-usap ka sa iba, o naglalakad, na "Ang puso ko ay napapalapit sa Diyos, at hindi nakatuon sa mga bagay na nangyayari sa labas, at kaya kong pumayapa sa harap ng Diyos," isa kang taong payapa sa harap ng Diyos. Huwag kang makisali sa anumang bagay na umaakit sa puso mo sa mga bagay na walang kinalaman sa iyo, o sa mga taong inilalayo ang puso mo sa Diyos. Anuman ang makakagambala sa puso mo mula sa pagiging malapit sa Diyos, isantabi ito, o layuan ito. Mas malaki ang pakinabang nito sa buhay mo. Ngayon mismo ang panahon para sa dakilang gawain ng Banal na Espiritu, ang panahon kung kailan personal na ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao. Kung, sa sandaling ito, hindi ka maaaring pumayapa sa harap ng Diyos, hindi ka isang tao na babalik sa harap ng luklukan ng Diyos. Kung naghahangad ka ng mga bagay maliban sa Diyos, walang paraan para maperpekto ka ng Diyos. Yaong mga nakakarinig sa gayong mga pagbigkas mula sa Diyos subalit hindi mapayapa sa Kanyang harapan ngayon ay mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan at hindi nagmamahal sa Diyos. Kung hindi mo ihahandog ang iyong sarili sa sandaling ito, ano pa ang hinihintay mo? Ang ihandog ang sarili ay ang patahimikin ang puso ng isang tao sa harap ng Diyos. Iyan ang tunay na paghahandog. Sinumang tunay na naghahandog ng kanilang puso sa Diyos ngayon ay tiyak na gagawing ganap ng Diyos. Walang anuman, anuman ito, na maaaring gumambala sa iyo; para tabasan ka man o pakitunguhan ka, o masiphayo ka man o mabigo, dapat ay palaging payapa ang puso mo sa harap ng Diyos. Paano ka man tratuhin ng mga tao, dapat pumayapa ang puso mo sa harap ng Diyos. Anuman ang sitwasyong kinakaharap mo-nahihirapan ka man, nagdurusa, inuusig, o iba pang mga pagsubok-dapat ay laging payapa ang puso mo sa harap ng Diyos; gayon ang mga landas para maperpekto. Kapag tunay kang payapa sa harap ng Diyos, saka lamang magiging malinaw sa iyo ang kasalukuyang mga salita ng Diyos. Sa gayon ay maisasagawa mo nang mas tama at walang paglihis ang pagpapalinaw at kaliwanagan ng Banal na Espiritu, mauunawaan nang mas malinaw ang mga layon ng Diyos na magbibigay ng mas malinaw na direksyon sa iyong paglilingkod, mauunawaan nang mas tumpak ang pagkilos at patnubay ng Banal na Espiritu, at matitiyak na mabuhay sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu. Gayon ang mga epektong nakakamit ng tunay na pagiging payapa sa harap ng Diyos. Kapag ang mga tao ay hindi malinaw tungkol sa mga salita ng Diyos, walang landas para magsagawa, bigong maunawaan ang mga layon ng Diyos, o walang mga prinsipyo ng pagsasagawa, ito ay dahil hindi payapa ang kanilang puso sa harap ng Diyos. Ang layunin ng pagiging payapa sa harap ng Diyos ay upang maging masugid at praktikal, at maghangad ng kawastuhan at kalinawan sa mga salita ng Diyos, at sa huli ay maunawaan ang katotohanan at makilala ang Diyos.

Kung ang puso mo ay hindi madalas na payapa sa harap ng Diyos, walang paraan ang Diyos para magawa kang perpekto. Ang kawalan ng paninindigan ay kawalan ng puso, at ang isang taong walang puso ay hindi maaaring mapayapa sa harap ng Diyos; hindi alam ng gayong tao kung gaano karaming gawain ang ginagawa ng Diyos, o gaano karami ang Kanyang sinasabi, ni hindi nila alam kung paano magsagawa. Hindi ba walang puso ang taong ito? Maaari bang pumayapa ang isang taong walang puso sa harap ng Diyos? Walang paraan ang Diyos na magawang perpekto ang mga taong walang puso-hindi sila naiiba sa mga hayop na may pasan. Nagsalita na ang Diyos nang malinaw at deretsahan, subalit hindi pa rin naaantig ang puso mo, at hindi ka pa rin mapayapa sa harap ng Diyos. Hindi ka ba isang mangmang na hayop? Ang ilang tao ay naliligaw sa pagsasagawa na mapayapa sa presensya ng Diyos. Kapag oras na para magluto, hindi sila nagluluto, at kapag oras na para gumawa ng mga gawain, hindi nila ginagawa ang mga iyon, kundi patuloy lamang silang nagdarasal at nagmumuni-muni. Ang mapayapa sa harap ng Diyos ay hindi nangangahulugan na huwag magluto o gumawa ng mga gawain, o huwag magpatuloy sa buhay; sa halip, ito ay ang magawang patahimikin ang puso ng isang tao sa harap ng Diyos sa lahat ng normal na kalagayan, at magkaroon ng puwang sa puso ng isang tao para sa Diyos. Kapag nagdarasal ka, dapat kang lumuhod nang maayos sa harap ng Diyos para magdasal; kung gumagawa ka ng mga gawain o naghahanda ng pagkain, patahimikin ang puso mo sa harap ng Diyos, pagnilayan ang mga salita ng Diyos, o umawit ng mga himno. Anuman ang sitwasyon mo, dapat kang magkaroon ng sarili mong paraan sa pagsasagawa, dapat mong gawin ang lahat ng kaya mo para mapalapit sa Diyos, at dapat mong sikapin nang buo mong lakas na patahimikin ang puso mo sa harap ng Diyos. Kapag itinutulot ng sitwasyon, magdasal nang walang ibang ginagawa; kapag hindi itinutulot ng sitwasyon, lumapit sa Diyos sa puso mo habang ginagawa mo ang gawaing kailangang gawin. Kapag maaari mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, kainin at inumin ang Kanyang mga salita; kapag makapagdarasal ka, magdasal ka; kung maaari mong pagbulay-bulayan ang Diyos, pagbulay-bulayan Siya. Sa madaling salita, gawin ang lahat ng iyong magagawa para sanayin ang sarili mo sa pagpasok ayon sa iyong kapaligiran. Maaaring mapayapa ang ilang tao sa harap ng Diyos kapag walang problema, ngunit sa sandaling may mangyari, gumagala ang isipan nila. Hindi iyon pagiging payapa sa harap ng Diyos. Ang tamang paraan ng pagdanas ay ganito: Anuman ang sitwasyon, hindi dapat lumayo sa Diyos ang puso ng isang tao, o magambala ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay sa labas, at saka lamang tunay na payapa ang isang tao sa harap ng Diyos. Sinasabi ng ilang tao na, kapag nagdarasal sila sa mga pagpupulong, maaaring mapayapa ang kanilang puso sa harap ng Diyos, ngunit sa pakikibahagi sa iba hindi nila kayang pumayapa sa harap ng Diyos, at gumagala ang isipan nila. Hindi ito pagiging payapa sa harap ng Diyos. Ngayon, karamihan sa mga tao ay ganito ang kalagayan, hindi kaya ng puso nila na palaging maging payapa sa harap ng Diyos. Sa gayon, kailangan ninyong dagdagan pa ang inyong pagsisikap sa pagsasanay sa inyong sarili sa aspetong ito, pumasok, nang paunti-unti, sa tamang landasin ng karanasan sa buhay, at magsimulang tumahak sa landas ng pagpeperpekto ng Diyos.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

______________________

Malaman ang higit pa:  

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw 

Araw-araw na mga Salita ng Diyos

Tagalog Devotional Topics: Tips to Get Close to God 

© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia