Araw-araw na mga Salita ng Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa | Sipi 492

27.06.2021

Hindi madarama ng mga tao ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos kung makikinig lamang sila sa mga damdamin ng kanilang konsensya. Kung aasa lamang sila sa kanilang konsensya, ang pag-ibig nila sa Diyos ay magiging mahina. Kung magsasalita ka lamang tungkol sa pagsusukli sa biyaya at pag-ibig ng Diyos, hindi ka magkakaroon ng anumang pagpupursigi sa iyong pag-ibig sa Kanya; ang pag-ibig sa Kanya batay sa mga damdamin ng iyong konsensya ay isang balintiyak na pamamaraan. Bakit Ko sinasabi na isa iyong balintiyak na pamamaraan? Ito ay isang praktikal na usapin. Anong uri ng pag-ibig ang inyong pag-ibig sa Diyos? Hindi ba ito panlilinlang lamang sa Diyos at wala sa loob na paggawa para sa Kanya? Karamihan sa mga tao ay naniniwala na yamang walang gantimpala sa pag-ibig sa Diyos at ang isang tao ay kakastiguhin din naman sa hindi pag-ibig sa Kanya, kaya sa pangkalahatan, ang hindi pagkakasala lamang ay sapat na. Kaya ang pag-ibig sa Diyos at ang pagsukli sa Kanyang pag-ibig batay sa mga damdamin ng konsensya ng isang tao ay isang balintiyak na pamamaraan, at hindi ito pag-ibig sa Diyos na kusang nanggagaling mula sa puso ng isang tao. Ang pag-ibig sa Diyos ay dapat na isang tunay na damdamin mula sa kaibuturan ng puso ng isang tao. Sinasabi ng ilang tao: "Ako mismo ay nakahandang hanapin ang Diyos at sundin Siya. Ngayon, kahit gusto akong iwanan ng Diyos, susundin ko pa rin Siya. Gusto man Niya ako o hindi, iibigin ko pa rin Siya, at sa huli, kailangan ko Siyang makamit. Iniaalay ko ang aking puso sa Diyos, at anuman ang Kanyang gawin, susundin ko Siya sa aking buong buhay. Anuman ang mangyari, kailangan kong ibigin ang Diyos at kailangan ko Siyang makamit; hindi ako titigil hangga't hindi ko Siya nakakamit." Taglay mo ba ang ganitong uri ng paninindigan?
Ang landas ng paniniwala sa Diyos ay walang pinag-iba sa landas ng pag-ibig sa Kanya. Kung naniniwala ka sa Kanya kailangan mo Siyang ibigin; subalit, ang pag-ibig sa Kanya ay hindi lamang tumutukoy sa pagsukli sa Kanyang pag-ibig o pag-ibig sa Kanya batay sa mga damdamin ng iyong konsensya-ito ay isang dalisay na pag-ibig para sa Diyos. Minsan, hindi nararamdaman ng mga tao ang pagmamahal ng Diyos batay sa kanilang konsensya lamang. Bakit ba palagi Kong sinabing: "Nawa'y antigin ng Espiritu ng Diyos ang ating mga espiritu"? Bakit hindi Ko binanggit ang pag-antig ng konsensya ng mga tao upang ibigin ang Diyos? Ito ay dahil hindi nadarama ng konsensya ng mga tao ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Kung ikaw ay hindi nakumbinsi ng mga salitang ito, subukan mong gamitin ang iyong konsensya upang damhin ang Kanyang pag-ibig. Maaaring bahagyang pursigido ka sa ngayon, ngunit maglalaho rin iyan agad. Kung nadarama mo lang ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos sa iyong konsensiya, magiging pursigido ka habang ikaw ay nananalangin, ngunit pagkatapos noon ay agad itong lilipas at maglalaho. Bakit ganoon? Kung ang ginagamit mo lamang ay ang iyong konsensya, hindi mo mapupukaw ang iyong pag-ibig para sa Diyos; kapag talagang nadarama mo ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos sa iyong puso, ang iyong espiritu ay aantigin Niya, at sa gayong pagkakataon lamang magagampanan ng iyong konsensya ang orihinal nitong papel. Na ang ibig sabihin, kapag inaantig ng Diyos ang espiritu ng tao at kapag may kaalaman ang tao at nahimok sa kanyang puso, iyon ay, kapag nagkamit na siya ng karanasan, saka lamang niya magagawang mabisang ibigin ang Diyos gamit ang kanyang konsensya. Ang pag-ibig sa Diyos gamit ang iyong konsensya ay hindi mali-ito ang pinakamababang antas ng pag-ibig sa Diyos. Ang pag-ibig sa pamamagitan ng "bahagyang pagbibigay lang ng hustisya sa biyaya ng Diyos" ay hindi talaga magtutulak sa taong masigasig na pumasok. Kapag natatamo ng mga tao ang kaunting gawain ng Banal na Espiritu, iyon ay, kapag nakikita at nararamdaman nila ang pag-ibig ng Diyos sa kanilang praktikal na karanasan, kapag mayroon silang kaunting kaalaman tungkol sa Diyos at tunay na nakikita na ang Diyos ay napakakarapat-dapat sa pag-ibig ng sangkatauhan at kung gaano Siya kaibig-ibig, saka lamang nila nagagawang ibigin nang tunay ang Diyos.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

______________________

Malaman ang higit pa: 

Araw-araw na mga Salita ng Diyos 

Paano Mapalapit sa Diyos: 3 Mga Paraan ng Pagsasagawa  

Daily Devotional (Tagalog) - Draw Closer to God Every Day

© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia