Ang Pangamba ng Isang Mangangaral—Paano Sa-salubungin ang Pagbabalik ng Panginoon

05.06.2021

Ako ay isang mangangaral sa isang simbahan, ngunit wala akong maipangaral na may halaga at hindi ko kayang suplayan ang mga kapatid. Ang kanilang pananampalataya sa kabuuan ay naging mahina at walang kabuluhan, at sa oras ng mga kongregasyon, kung hindi sila ay nakakatulog o nagkwe-kwentuhan sa mga mababang tinig. Ang nakikita kong eksena na ito na regular na nangyayari sa simbahan ay nagpapagalit sa akin. Maraming beses akong nagdarasal sa Panginoon, at maraming okasyon na pinaa-alalahanan ko ang mga kapatid na maging alisto at mag-ingat, ngunit dahil hindi nila nagawang tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon, nawalan sila ng pananampalataya. Kahit anong gawin ko, hindi ito sapat upang buhaying muli ang simbahan. At ngayon na ang mga huling araw at kahit na ang mga hindi mananampalataya ay alam na malapit na mangyari ang mga malalaking sakuna, kaya ito ay nangangahulugan na dapat nang bumalik ang Panginoon. Ngunit bakit hindi natin nagawang salubungin Siya? Maaari ba talaga nating masalubong ang pagbabalik ng Panginoon sa pamamagitan lamang ng pagmamatyag sa mga ulap at kalangitan? Ang aking puso ay talagang hindi napapalagay!

Noong nakaramdam ako ng pagkawalang-saysay at naguguluhan, 3 sa aking mga katrabaho-Si Kapatid Liu, Kapatid Zhang, at Kapatid Wang-ang dumating upang bisitahin ako sa bahay, at sinabi ko sa kanila ang tungkol sa aking kalituhan.

Sinabi ni Kapatid Wang, "Ang mga mapanglaw na simbahan ay isang pang-karaniwang pangitain sa buong relihiyosong mundo, ngunit maraming mga pastor at mangangaral ang hindi inaamin ito dahil gusto nilang protektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, at kumakapit silang mahigpit sa kung anong mayroon sila. Ngunit ang mga sakuna mas lumalala at ang apat na buwang dugo ay lumitaw, na tumutupad sa hula sa Aklat ni Joel sa Bibliya: 'At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova' (Joel 2:29-31). Kamakailan lamang, ay pinagninilayan ko ang hulang ito, at ang paglitaw ng apat na buwang dugo ay tila ang katuparan ng katagang 'maging... ang buwan ay naging dugo.' Sinabi din ng hula, 'bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova'. Naniniwala ako na ang 'dakila at kakila-kilabot na araw na ito ay tumutukoy sa mga dakilang sakuna. At ang talatang 'At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu,' tiyak na tumutukoy sa gawaing gagawin ng Diyos sa panahon bago ang mga malalaking sakuna. Ito ang naiintindihan kong ibig sabihin ng mga hula na ito. Tila na, bago ang mga malalaking sakuna, ang espiritu ng Diyos ay magsasalita at ibubuhos sa mga lingkod na lalake at babae ng Diyos. Nararamdaman kong ang Banal na Espiritu ay gagawa ng isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw!

Ang mga pagbigkas ng espiritu ng Diyos na binanggit dito ay tila nauugnay sa hula sa Aklat ng Pahayag tungkol sa Banal na Espiritu na nagsasalita sa mga simbahan. Karamihan sa mga dalubhasa sa Bibliya ay tila sumasang-ayon na, bago ang mga sakuna, ay magtitipon ang Diyos ng isang pangkat ng mga mananagumpay. Patungkol dito, ganito ang iniisip ko: Ang espiritu ng Diyos na nagsasalita ng Kanyang mga pagbigkas at ang Diyos na lumilikha ng isang pangkat ng mga mananagumpay ay tiyak na nauugnay, at sa mga mata ng Diyos ang mga mananagumpay ay magiging mga lingkod na lalake at babae ng Diyos!"

Ang bawat isa ay naliwanagan ng mga ito at tumingin kay Kapatid Wang.

Napaisip ako sa sinabi ni Kapatid Wang nang kunin ni Kapatid Zhang kung saan siya naiwan. "Kung talagang ganyan, dapat tayong lahat ay naghahanap para sa mga pananalita ng Banal na Espiritu. Dapat nating hanapin kung saan ipinapahayag ng Banal na Espiritu ang Kanyang Sarili upang hindi tayo tanggalin ng Diyos at makatagpo ng sakuna."

Sa pakikinig nito, mas nadarama ko ang higit pang liwanag na umaabot sa aking puso, at sinabi ko, "Sa pakikinig sa iyong pakikisalamuha, naisip ko ang mga salita ng Panginoong Jesus, 'Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan' (Mateo 7:7). 'Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin' (Mateo 5:6). Sa aking palagay ay dapat nating mabilis na hanapin ang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu at tingnan kung aling mga Iglesia ang tinutukoy ng Banal na Espiritu. Sa Kabilang banda, kung umaaligid lamang tayo ng may kamangmangan, ikinakatakot ko na tayo ay ipagtatabuyan ng Panginoon."

Nagsalita si Kapatid Liu, sa isang sukat na tono, na nagsasabing, "Sinasabi mo na ang mga pagbigkas ng espiritu ng Diyos ay ang Banal na Espiritu na nagsasalita sa mga Iglesia. Ito ay nagpapa-isip sa akin sa mga mananampalataya ng Kidlat ng Silanganan na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoon bilang Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay naglahad ng maraming mga katotohanan, at nagsasagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, at sa kasalukuyan ay nagpeperpekto ng isang pangkat ng mga mananagumpay. Sa palagay mo ba ito ay nauugnay sa espiritu ng Diyos na ibinuhos sa mga lingkod na lalake at babae ng Diyos? Kung ito nga, gayon hindi tayo dapat mag-aksaya ng oras sa pagsisiyasat kung ang Kidlat ng Silanganan ba talaga ay gawain ng Diyos o hindi."

Sinabi ni Kapatid Wang, "Oo, narinig ko rin iyon. Kaugnay ng pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon, nagsabi ang Panginoong Jesus ng isang bagay na napaka-importante, isang bagay na napakahalaga, na nakatutulong sa atin na maging matalinong mga dalaga Sinabi niya: 'Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya' (Mateo 25:6). Mula rito makikita natin na, kapag bumalik ang Panginoon, Siya ay gagamit ng mga tao upang maipahatid ang Kanyang tinig sa mga yaong naghihintay para sa Kanyang pagpapakita. Kapag naririnig natin ang isang taong nagpapa-totoo sa pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong maging matalinong dalaga at maingat na makinig sa tinig ng Diyos. Sa gayon lamang natin maaaring matanggap ang pagpapakita ng Panginoon."

Pagkatapos ay sinabi ni Kapatid Liu, "Mayroon akong isang babaeng pinsan na nakatira sa malayo na ngayon ay naniniwala sa Makapangyarihang Diyos at ipinangaral sa akin ang ebanghelyo. Nakipagdebatihan ako sa tanong na ito sa kanya, ngunit dahil nagbanta ang pastor sa aming simbahan na patatalsikin ang sinumang magbasa ng mga libro ng Kidlat ng Silanganan, hindi ako nangahas na mag-imbestiga pa. Sinabi sa akin ng pinsan ko ang tungkol sa mga hula ng Panginoon, tulad ng mga hula ng Panginoon sa Pahayag 16:15, 'Narito, Ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw' at Mateo 25:6, 'Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya' At saka Pahayag 3:20 'Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko.' Sabi nila, ayon sa mga salita ng Panginoon, darating Siya tulad ng isang magnanakaw kapag Siya ay bumalik at na may sumasaksi sa isang 'kasintahang darating' sa 'hatinggabi' ay nangangahulugan na, nang hindi napagtatanto ng mga tao, ang Diyos ay magkatawang-tao bilang Anak ng tao at lihim at tahimik na dumating upang maglahad ng mga pagbigkas at gawin ang Kanyang gawain. Ang malaman ng lahat ang patungkol dito ay hindi ang kaso. Tanging ang mga yaong nakikinig lamang sa tinig ng Panginoon ang makaka-kilala sa Panginoon at tatanggap sa Panginoon. Sinabi rin ng aking pinsan na ang sinumang makakarinig ng isang taong nagpapa-totoo sa pagbabalik ng Panginoon at mga yaong maingat na nakikinig sa tinig ng Panginoon ay madadala sa harap ng trono at makiki-pista kasama ng Panginoon."

Sinabi ni Kapatid Wang: "Sa mga hula na ito, binabanggit talaga ng Panginoong Jesus na hindi lahat ay makakakita sa Kanya kapag Siya ay bumalik. Tanging ang mga makakarinig lamang ng tinig ng Panginoon ang makakakita sa Kanya. Tila na kung nais mong tanggapin ang pagdating ng Panginoon, kailangan mong maingat na bigyang-pansin ang pakikinig sa tinig ng Panginoon!"

Pilit na tumingin sa amin si Kapatid Zhang at pagkatapos ay sinabi, "Ang inyong pinakikisalamuha ay napaka-makatwiran. Maaari nating maiwala ang lahat ng mayroon tayo ngunit hindi natin kayang mawala ang isang salita ng mga turo ng Panginoon. Sinabi ng Panginoon, 'At kung Ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo'y tatanggapin Ko sa aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon' (Juan 14:3). Ito ay tiyak na magaganap, ngunit kung paano maisasakatuparan at matutupad ang hula ng Panginoon ay talagang isang misteryo. Hindi ito isang bagay na maaaring malaman ng tao. Tila ngayon na hindi lamang natin dapat sundin ang mga pastor sa pagtanggi at pagkondena sa Kidlat ng Silanganan, ngunit sa halip ay dapat tayo magmadali upang siyasatin ang kanilang paraan. Kung hindi, ihihiwalay tayo ng Panginoon at hindi tayo magkakaroon ng panahon upang manghinayang!"

Nagpatuloy si Kapatid Wang at nagsabi, "Oo, naniniwala tayo sa Panginoon sa halos buong buhay natin upang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon at madala sa kaharian ng langit. Dahil naririnig na natin ngayon ang tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, dapat nating hanapin at suriin ito, at hindi na tayo nagpapapigil sa mga pastor. Tulad ng kasabihan, 'Hindi mo malalaman kung ang isang dalanghita ay maasim o matamis hanggang sa matikman mo ito...'"

Salamat sa Panginoon. Sa pamamagitan ng pakikisalamuha ng mga kapatid, nauunawaan ko ang aking kalagayan. Hindi na ako mag-aaksaya ng oras sa paghahanap ng isang simbahan na may gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang Panginoon ay talagang nakabalik na, kung gayon sa pamamagitan ng paggawa nito kahit papaano ay hindi ko nahadlangan ang mga kapatid na makaranas ng tulad ng isang pangunahing kaganapan sa buhay tulad ng madala sa sa kaharian ng langit.

______________________

Magrekomenda nang higit pa: Online Tagalog Sermons - News of the Lord's Return 

Pagbasa Ngayong Araw: Ang Karunungan ng Babaeng Samaritana 

Unawain ang Parabula ng Sampung Dalaga Upang Maging Mga Matalinong Dalaga at Masalubong ang Pagdating ng Panginoon 

© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia