Mga Propesiya Tungkol sa Kung Paano Babalik ang Panginoong Jesus sa mga Huling Araw
Mga Talata ng Bibliya para sa Sanggunian
"Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mateo 24:27).
"Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip" (Mateo 24:44).
"Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan" (Pahayag 16:15).
"Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20).
"Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa" (Pahayag 1:7).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos
Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay inalis iyon, at pagkatapos ay dinala ang mga Israelita patungo sa Silangan, at ang buong sangkatauhan patungo sa Silangan. Nadala Ko silang lahat sa liwanag upang sila ay muling makaisa nito, at makasama nito, at hindi na muling mangailangan pang maghanap para dito. Pahihintulutan Ko ang lahat ng naghahanap na makitang muli ang liwanag at makita ang kaluwalhatian na mayroon Ako noon sa Israel; sila ay pahihintulutan Ko na makitang matagal na Akong nakababa mula sa isang puting ulap tungo sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at hayaan silang makita ang hindi-mabilang na mga ulap na puti at masaganang kumpul-kumpol na prutas, at higit pa rito, hayaan silang makita si Jehova na Diyos ng Israel. Sila ay hahayaan Kong tumingin sa Panginoon ng mga Judio, ang kinasasabikang Mesiyas, at sa buong pagpapakita Ko na inusig na ng mga hari sa buong mga kapanahunan. Ako ay gagawa sa buong sansinukob at Ako ay gaganap ng dakilang gawain, ibinubunyag ang Aking buong kaluwalhatian at lahat ng Aking mga gawa sa tao sa mga huling araw. Ipakikita Ko ang Aking maluwalhating mukha sa kapuspusan nito sa mga naghintay sa Akin nang maraming taon, sa mga nanabik sa Akin na dumating sa ibabaw ng puting ulap, sa Israel na nanabik sa Akin na magpakitang muli, at sa buong sangkatauhan na siyang umuusig sa Akin, upang ang lahat ay makaaalam na matagal Ko nang inalis ang Aking kaluwalhatian at dinala ito sa Silangan, nang sa gayon ito ay wala na sa Judea. Sapagka't ang mga huling araw ay nakarating na!
Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng bansa at mga denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Kong malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang mangahulog sa agos na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi sa Aking pagiging kaibig-ibig? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking hinirang, na magsalita pa ng marami pang salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng mga tao at kasabay nito ay nasusumpungang hindi nila maarok ang mga ito, ngunit mas nagagalak sa mga ito. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao nang sa gayon ay lumapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa't lahat ng tao ay lumalapit sa Aking harapan at nakikita na kumikidlat mula sa Silangan at na nakababa na rin Ako sa "Bundok ng mga Olivo" ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay na mag-uli, at lumisan na mula sa sangkatauhan, at nagpakitang muli sa mga tao nang may kaluwalhatian. Ako ang Siyang sinamba nang napakaraming panahon bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikdan ng mga Israelita nang napakaraming panahon bago ngayon. Bukod pa rito, Ako ang lubos na maluwalhating Makapangyarihang Diyos sa kasalukuyang kapanahunan! Hayaang lumapit ang lahat sa harapan ng Aking luklukan at tingnan ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at masdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaang sambahin Ako ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat dila, panatilihin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya sa Akin, at magpasakop sa Akin ang bawat tao!
-mula sa "Dumadagundong ang Pitong Kulog-Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob"
Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan na ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan na ng tao na mapagmasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik na at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad na ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasakatuparan ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa gitna ng mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, patatawarin ang mga kasalanan ng tao, papasanin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at palalayain ang tao mula sa kasalanan. Pinananabikan nila na si Jesus na Tagapagligtas ay maging katulad ng dati-isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman napopoot sa tao, at hindi kailanman nanunumbat sa tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at nagpapasan ng lahat ng mga kasalanan ng tao, at namamatay pang muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga banal na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nangungulila sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat niyaong mga naligtas sa pamamagitan ng biyaya ni Jesucristo sa Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa masayang araw na yaon sa mga huling araw, kung kailan si Jesus na Tagapagligtas ay dumarating sa isang puting ulap at nagpapakita sa gitna ng tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang inaasam ng lahat niyaong mga tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat niyaong mga nakakaalam tungkol sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay desperado nang nananabik para sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus noong nasa lupa: "Babalik Ako tulad ng Aking paglisan." Ang tao ay naniniwala na, kasunod ng pagkakapako sa krus at pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Iniisip ng tao na kahalintulad nito, si Jesus ay bababang muli sakay ng isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa gitna niyaong mga desperado nang nananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na tataglayin Niya ang larawan at pananamit ng mga Judio. Matapos ang pagpapakita sa tao, magkakaloob Siya ng pagkain sa kanila, at magsasanhi ng pagbukal ng tubig na nagbibigay-buhay para sa kanila, at mamumuhay kasama ng tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwa't hindi ito ginawa ni Jesus na Tagapagligtas; ginawa Niya ang kabaligtaran ng inisip ng tao. Hindi Siya dumating sa gitna niyaong mga naghangad sa Kanyang pagbabalik, at hindi nagpakita sa lahat ng tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subali't hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang alam tungkol sa Kanya. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, hindi-nakakamalay na nakababa na Siya sakay sa isang "puting ulap" (ang ulap na ang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng kung ano Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga "templo" na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman naghihintay na ang tao sa Kanyang pagdating, paano Siya makakapagpakita sa mga yaon na kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya nguni't hindi Siya kilala, at patuloy na nangingikil sa Kanya? Ang alam lamang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang handog para sa kasalanan na puspos ng pagtubos. Nguni't ang tao ay walang ideya na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamakatuwiran, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at may angking awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman ang tao ay masugid na naghahangad at nananabik para sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga yaon na naniniwala sa Kanya nguni't hindi Siya nakikilala.
-mula sa "Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng 'Puting Ulap'
Ang mga huling araw ay dumating na, at ang mga bansa sa buong mundo ay nasa kaguluhan. Mayroong kaguluhang pulitikal, may mga taggutom, mga salot, mga pagbaha, at ang mga pagkatuyot na lumilitaw sa lahat ng dako. Mayroong malaking sakuna sa mundo ng tao; ang Langit ay nagpadala rin ng sakuna. Ito ang mga palatandaan sa mga huling araw. Nguni't sa mga tao, para itong isang mundo ng saya at kaningningan, isa na nagiging mas higit pa. Ang mga puso ng mga tao ay naaakit dito, at maraming tao ang nakukulong at hindi magawang pakawalan ang kanilang mga sarili mula rito; napakalaking bilang ang malilinlang nilang mga nakikibahagi sa panlilinlang at salamangka.
-mula sa "Pagsasagawa (2)
Lahat ng sakuna ay isa-isang babagsak; lahat ng bansa at lahat ng lugar ay makakaranas ng mga sakuna-ang salot, gutom, baha, tagtuyot at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang basta nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw, bagkus ay lalawak ang mga iyon sa loob ng palawak nang palawak na mga lugar, at ang mga sakuna ay magiging patindi nang patindi. Sa loob ng panahong ito lahat ng anyo ng mga salot na insekto ay lilitaw nang sunud-sunod, at ang penomeno ng kanibalismo ay mangyayari sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan.
-mula sa "Kabanata 65" ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula
Ngayon, hindi lamang Ako bumababa sa bansa ng malaking pulang dragon, ibinabaling Ko rin ang Aking mukha sa buong sansinukob, kaya't nanginginig ang buong pinakamataas na langit. Mayroon bang kaisa-isang lugar na hindi sumasailalim sa Aking paghatol? Mayroon bang kaisa-isang lugar na hindi umiiral sa ilalim ng mga hagupit na Aking inihahagis pababa? Saanman Ako pumunta nagpakalat na Ako ng lahat ng uri ng mga binhi ng sakuna. Isa ito sa mga paraan kung paano Ako gumagawa, at ito ay walang duda na isang gawa ng pagliligtas para sa tao, at kung ano ang ipinaaabot Ko sa kanya ay isang uri pa rin ng pag-ibig. Inaasam Kong magkaroon pa ng mas maraming tao na makakilala sa Akin, makakita sa Akin, at sa ganitong paraan igalang ang Diyos na hindi pa nila nakita sa loob ng maraming taon ngunit sino, ngayon, ay tunay.
-mula sa "Kabanata 10" ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob
Pagkatapos ng Kapanahunan ng Biyaya, ang huling kapanahunan ay dumating na at pumarito na si Jesus. Paanong Siya pa rin ay tinatawag na Jesus? Paano Niya nakakaya pang magkatawan sa anyo ni Jesus sa gitna ng tao? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay isa lang imahe ng Nazareno? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay ang Tagapagtubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya maisasagawa ang gawain ng panlulupig at gawing perpekto ang tao sa mga huling araw? Si Jesus ay umalis sa isang puting ulap, ito ay katotohanan, nguni't paano Siya makababalik sa isang puting ulap sa gitna ng tao at tatawagin pa ring Jesus? Kung Siya ay talagang dumating sa isang ulap, hindi ba Siya makikilala ng tao? Hindi ba Siya makikilala ng mga tao sa buong mundo? Kung magkagayon, hindi ba magiging Diyos si Jesus nang mag-isa? Kung magkagayon, ang larawan ng Diyos ay magiging ang kaanyuan ng isang Judio, at mananatiling gayon magpakailanman. Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, nguni't nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Nasabi ba Niya talaga sa inyo? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, nakasakay sa isang ulap, nguni't nalalaman mo ba talaga kung paano ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talagang nakikita mo, kung gayon paano maipaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sinabi Niya: Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa mga huling araw, hindi Niya malalaman sa ganang Kanyang Sarili, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng lahat ng mga tao. Tanging ang Ama ang makakaalam, iyon ay, ang Espiritu lamang ang makakaalam. Hindi nalalaman maging ng Anak ng tao sa ganang Kanyang Sarili, nguni't nagagawa mong makita at malaman? Kung may kakayahan kang makaalam at makakita gamit ang iyong sariling mga mata, ang mga salita bang iyon ay hindi sinabi nang walang kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus ng panahong iyon? "Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. ... Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip." Kapag dumating ang araw na yaon, hindi 'yon malalaman ng Anak ng tao Mismo. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong katawan ng Diyos, na magiging isang normal at karaniwang tao. Maging ang Anak ng tao Mismo ay hindi alam, kaya paano mo malalaman? Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis. Kapag Siya ay dumating, maging Siya sa Kanyang Sarili ay hindi nakakaalam, kaya maaari ba Niyang ipaalam sa iyo nang mas maaga? Nakikita mo ba ang Kanyang pagdating? Hindi ba iyon isang biro?
-mula sa "Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)
Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na "Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo" ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni't para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito'y tanda ng paghuhusga.
-mula sa "Sa Sandaling Mamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa"
————————————————————————
Ang limang mga propesiya sa biblia sa pagdating ng Panginoon ay natupad, at ang Panginoon ay nagbalik na. Nais mo bang malaman kung ano ang limang mga propesiya? Paano dapat natin salubungin ang muling pagbabalik ng Panginoon? Basahin ang artikulong ito upang malaman.
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.