Kuwento 1. Isang Buto, ang Lupa, Isang Puno, ang Sikat ng Araw, ang mga Ibong Umaawit, at ang Tao
Sa araw na ito ibabahagi Ko sa inyo ang tungkol sa isang bagong paksa. Ano ang magiging paksa? Ang titulo ng paksa ay "Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay." Hindi ba ito ay medyo malaking paksa upang talakayin? Para ba itong isang bagay na maaaring mahirap abutin? Ang Diyos bilang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay ay maaaring parang isang paksa na dama ng mga taong hiwalay sila, ngunit lahat ng taong sumusunod sa Diyos ay dapat itong maintindihan. Ito ay dahil sa ang paksang ito ay hindi maaaring mahiwalay sa bawat taong nakakakilala sa Diyos, sa gayon ay nakakayang mapalugod Siya, at igalang Siya. Kung gayon, ang paksang ito ay dapat maibahagi. Dati, maaaring magkaroon ang ilang tao ng isang pangunahing pagkaunawa ukol sa paksang ito, o marahil ay batid ito ng ilang tao. Maaaring mayroon silang payak na kaalaman o isang mababaw na pang-unawa tungkol dito sa kanilang mga isipan. Maaaring ang iba ay may ilang espesyal na karanasan dito; dahil sa kanilang mga natatanging karanasan, sa kanilang mga puso ay mayroon silang malalim na pang-unawa ukol dito. Ngunit maging malalim man o mababaw ang kaalamang ito, para sa inyo ito ay nasa isang panig at hindi ganap na tiyak. Kaya, ang paksang ito ay dapat na maibahagi, ang layunin ukol rito ay upang bigyan kayo ng mas tiyak at malalim na pagkaunawa. Gagamit Ako ng isang espesyal na paraan sa pagbabahagi sa inyo ukol sa paksang ito, isang paraan na hindi pa natin nagamit noong una at paraan na masasabi ninyong medyo hindi pangkaraniwan, o medyo hindi komportable. Gayunman, pagkatapos ninyong marinig ito malalaman ninyo ito, sa kahit na anumang paraan. Gusto ba ninyong nakikinig sa mga kuwento? (Oo gusto namin.) Parang tama ako sa pagpili sa paraan ng paglalahad ng kuwento. Gusto ninyong lahat na makarinig ng mga kuwento. Kung ganoon, atin nang simulan! Hindi na ninyo kailangang isulat ito sa inyong mga talaan. Hinihiling Ko na maging kalmado kayo, at huwag maglikot. Maaari mong ipikit ang mga mata mo kung sa tingin mong kapag nakabukas ang mga ito'y maliligalig ka ng iyong kapaligiran at ng mga taong nakapaligid sa iyo. Mayroon Akong isang kahanga-hangang munting kuwento na ilalahad sa inyo. Ito ay kuwento tungkol sa isang buto, lupa, isang puno, sikat ng araw, mga ibong umaawit, at tao. Ang kuwento na Aking ilalahad sa inyo ay mayroong anong pangunahing mga tauhan dito? (Isang buto, ang lupa, isang puno, ang sikat ng araw, ang mga ibong umaawit, at ang tao.) Makakasama ba ang Diyos dito? (Hindi.) Ngunit nakatitiyak Ako na pagkatapos mailahad sa inyo ang kuwento magiginhawahan kayo at makukuntento. O sige kung ganoon, maaari kayong tahimik na makinig.
Kuwento 1. Isang Buto, ang Lupa, Isang Puno, ang Sikat ng Araw, ang mga Ibong Umaawit, at ang Tao
Ang isang maliit na buto ay nalaglag sa lupa. Pagkatapos bumuhos nang napakalakas na ulan, ang buto ay umusbong nang bahagya at ang mga ugat nito ay dahan-dahang sumiksik sa ilalim ng lupa. Ang umusbong ay lumaki, sinasagupa ang malalakas na hangin at ulan, nakikita ang pagpapalit ng mga panahon kagaya ng paglaki at pagliit ng buwan. Sa tag-araw, naglalabas ng mga kaloob ng tubig ang lupa upang makayanan ng umusbong ang nakapapasong init. At dahil sa lupa, hindi naramdaman ng umusbong ang init at sa gayon ay nalampasan nito ang init sa tag-araw. Nang dumating ang taglamig, binalot ng lupa ang umusbong sa mainit na yakap nito at kumapit ang mga ito sa isa't isa nang mahigpit. At dahil sa init ng lupa, nalampasan ng umusbong ang mapait na lamig, ligtas sa pagdaan ng malakas na hanging-taglamig at ang panahon ng pagbagsak ng niyebe. Kinanlong ng lupa, ang umusbong ay lumaking matapang at naging masaya. Ito ay lumaki at naging matayog mula sa walang pag-iimbot na pag-aaruga na ibinigay ng lupa. Masayang tumubo ang umusbong. Ito ay kumakanta habang bumubuhos ang ulan at ito ay nagsasayaw at umiindayog habang umiihip ang hangin. At kaya, ang umusbong at ang lupa ay umasa sa isa't isa ...
Dumaan ang mga taon, ang umusbong ay matayog na puno na ngayon. Nagkaroon ito ng matatag na mga sanga na punong-puno ng dahon at nakatayong matatag sa ibabaw ng lupa. Ang mga ugat ng puno ay humukay sa ilalim ng lupa kagaya noong una, ngunit ngayon ay sumisid ang mga ito nang napakalalim sa lupa. Ang minsang nagprotekta sa umusbong ay isa na ngayong pundasyon para sa makapangyarihang puno.
Isang sinag ng sikat ng araw ang kumislap sa puno at ang katawan ng puno ay naalog. Iniunat ng puno nang maluwang ang mga sanga nito at lalong nahila palapit sa liwanag. Ang lupa sa ilalim ay humihinga kaalinsabay ng puno, at ang lupa ay nakadama ng panibagong-lakas. Pagkatapos lang noon, isang sariwang simoy ng hangin ang umihip mula sa mga sanga, at ang puno ay nanginig sa tuwa, punung-puno ng lakas. At kaya, ang puno at ang sikat ng araw ay umasa sa isa't isa ...
Ang mga tao ay nakaupo sa malamig na lilim ng puno at sila ay nadarang sa mabilis, mahalimuyak na hangin. Dinalisay ng hangin ang kanilang mga puso at mga baga, at dinalisay ang dugo sa loob. Ang mga tao ay hindi na nakadama ng pagod at bigat. At kaya, ang mga tao at ang puno ay umasa sa isa't isa ...
Isang kawan ng mga ibong umaawit ang humuhuni habang nakadapo sa mga sanga ng puno. Marahil ay umiiwas ang mga ito sa ilang kalaban, o ang mga ito ay nagpaparami at pinalalaki ang inakay nito, o marahil ay nagpapahinga lang saglit. At kaya, ang mga ibon at ang puno ay umaasa sa isa't isa ...
Ang mga ugat ng puno, nangabaluktot at nagkandabuhol-buhol, ay bumaon nang malalim sa lupa. Tinakpan ng katawan nito ang lupa mula sa hangin at sa ulan at iniunat nito ang kahanga-hanga nitong mga sanga at naprotektahan ang lupa sa ilalim nito, at ginawa ito ng puno sapagkat ang lupa ay ang ina nito. Pinalalakas ng mga ito ang isa't isa, umaasa ang mga ito sa isa't isa, at hindi mananahan ang mga ito nang magkahiwalay kailanman ...
Kaya, ang kuwento ay nasa katapusan na. Maaari na ninyong buksan ang inyong mga mata ngayon. Naglahad Ako ng kuwento tungkol sa isang buto, lupa, isang puno, sikat ng araw, mga ibong umaawit, at tao. Ang kuwento ay may ilang bahagi lamang. Anong mga damdamin ang ibinigay nito sa inyo? Sa pagkakalahad nito sa ganitong paraan, naiintindihan ba ninyo ito? (Naiintindihan namin.) Maaari kayong magsalita ukol sa inyong mga damdamin. Kaya, ano ang inyong nararamdaman pagkatapos marinig ang kuwentong ito? Magpapauna na Ako sa inyo, ang lahat ng bagay na Aking nabanggit sa inyo ay maaaring makita at mahipo; ang mga ito ay mga totoong bagay, hindi mga talinghaga. Nais Kong magpatuloy kayo at pag-isipan ang tungkol sa Aking tinalakay. Wala sa Aking tinalakay ang malalim, at may ilang pangungusap na bumuo sa pangunahing punto ng kuwento. (Ang kuwento na aming narinig ay nagpipinta ng isang magandang larawan: Ang buto ay nabuhay at habang ito ay lumalago nararanasan nito ang apat na panahon ng taon: tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig. Ang lupa ay parang isang ina sa paraan ng pag-aalaga. Nagbibigay ito ng init sa taglamig upang ang umusbong ay makaligtas sa lamig. Pagkatapos na ang umusbong ay lumaking isang puno, isang sinag ng araw ang humahaplos sa mga sanga nito, na nagdadala ng labis na kagalakan sa puno. Nakikita namin na sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, ang lupa ay buhay, at na ito at ang puno ay umaasa sa isa't isa. Nakikita din namin na ang sikat ng araw ay nagdudulot ng sobrang init sa puno, at kahit na ang mga ibon ay pangkaraniwang bagay lang na makikita, nakikita namin kung papaanong ang mga ibon, ang puno, at ang mga tao ay nagsasama-samang lahat sa pagkakaisa. Kapag naririnig namin ang kuwentong ito, ito ang damdamin na nasa aming mga puso na, talagang, ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos ay buhay.) Magaling! May idadagdag pa bang iba ang sinuman? (Sa kuwento habang ang buto ay umuusbong at lumalagong isang napakalaking puno, nakikita namin ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa ng Diyos. Ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay upang patibayin ang isa't isa at umasa sa isa't isa at ang mga ito ay magkakaugnay sa isa't isa at naglilingkod sa isa't isa. Nakikita namin ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang himala, at nakikita namin na Siya ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng bagay.)
Ang lahat ng bagay na kasasabi Ko lang ay mga bagay na nakita na ninyo noong una, kagaya ng mga buto, alam ninyo ang ukol rito, tama? Ang isang buto na lumalago at nagiging isang puno ay maaaring hindi isang proseso na iyong makikita nang detalyado, ngunit alam mo na ito ay isang katotohanan, tama? Alam mo ang ukol sa lupa at sa sikat ng araw. Ang imahe ng mga ibong umaawit na dumadapo sa puno ay isang bagay na nakita na ng lahat ng tao, tama? At ang mga tao ay nagpapalamig sa lilim ng isang puno, nakita na ninyong lahat iyon, tama? (Nakita na namin iyon.) Kaya anong damdamin ang inyong nakukuha kapag nakikita ninyo ang lahat ng halimbawang ito sa isang imahe? (Pagkakaisa.) Ang lahat ba ng halimbawa na inyong nakikita sa imahe na ito ay nagmumula sa Diyos? (Oo.) Dahil galing sila sa Diyos, nababatid ng Diyos ang kahalagahan at kabuluhan ng ilan sa mga halimbawang ito na umiiral na magkakasama sa lupa. Nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, nang planuhin at likhain Niya ang bawat bagay, ginawa Niya iyon nang may layunin; at nang likhain Niya ang mga bagay na iyon, bawat isa ay hitik ng buhay. Ang kapaligirang nilikha Niya para sa pag-iral ng sangkatauhan, na tinalakay sa kuwento na kapapakinig pa lang natin. Tumalakay ito sa pagtutulungan na mayroon ang buto at ang lupa; pinakakain ng lupa ang buto at ang buto ay nakabigkis sa lupa. Ang kaugnayan sa pagitan ng dalawang ito ay itinakda ng Diyos mula pa sa pasimula. Ang puno, ang sikat ng araw, ang mga ibong umaawit, at ang tao sa imaheng ito ay halimbawa ng buhay na kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan. Una, hindi maaaring iwanan ng puno ang lupa, at hindi rin ito maaaring walang sikat ng araw. Kung gayon ano ang layunin ng Diyos sa paglikha ng puno? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa lupa? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa mga ibong umaawit? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa mga tao? (Hindi.) Ano ang kaugnayan sa pagitan nila? Ang kaugnayan sa pagitan nila ay isang uri ng pagpapalakas sa isa't isa, pag-asa sa isa't isa kung saan hindi sila maaaring magkahiwalay. Ibig sabihin, ang lupa, ang puno, ang sikat ng araw, ang mga ibong umaawit, at ang mga tao ay umaasa sa isa't isa para sa pag-iral at inaalagaan nila ang isa't isa. Pinoprotektahan ng puno ang lupa samantalang pinangangalagaan ng lupa ang puno; naglalaan ang sikat ng araw para sa puno, samantalang nakakakuha ng sariwang hangin ang puno mula sa sikat ng araw at tumutulong na paginhawahin ang lupa mula sa init ng sikat ng araw. Sino ang nakikinabang mula rito sa katapusan? Nakikinabang ang sangkatauhan mula rito, tama? At ito ay isa sa mga prinsipyo kung bakit ginawa ng Diyos ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan at isa sa mga pangunahing layunin para dito. Kahit na ito ay isang simpleng larawan, makikita natin ang karunungan ng Diyos at ang Kanyang mga layunin. Ang sangkatauhan ay hindi maaaring mabuhay nang wala ang lupa, o wala ang mga puno, o wala ang mga ibong umaawit at ang sikat ng araw, tama? Kahit na ito ay isang kuwento, ipinapakita nito ng sitwasyon ng paglikha ng Diyos sa kalangitan at lupa at lahat ng bagay at ang Kanyang pagkakaloob ng buhay na kapaligiran sa tao.
Nilikha ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at ang lahat ng bagay para sa sangkatauhan at nilikha rin Niya ang buhay na kapaligiran. Una, ang pangunahing punto na ating tinalakay sa kuwento ay ang pagpapalakas sa isa't isa, ang pag-asawa sa isa't isa, at ang sama-samang pag-iral ng lahat ng bagay. Sa ilalim ng prinsipyong ito, ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan ay napangangalagaan, ito ay nakaliligtas at nakapagpapatuloy; dahil sa pag-iral nitong buhay na kapaligiran, ang sangkatauhan ay maaaring lumago at magparami. Nakita natin ang puno, ang lupa, ang sikat ng araw, ang mga ibong umaawit, at ang mga tao sa eksena. Naroon din ba ang Diyos? Maaaring hindi ito makita ng tao, tama ba? Ngunit hindi nakita ng isang tao ang patakaran ng pagpapalakas at pag-asa sa isa't isa sa pagitan ng mga bagay sa eksena; sa pamamagitan ng mga patakarang ito na makikita ng mga tao na ang Diyos ay umiiral at na Siya ang Namumuno. Ginagamit ng Diyos ang mga prinsipyo at mga patakaran upang maingatan ang buhay at pag-iral ng lahat ng bagay. Sa ganitong paraan Siya naglalaan para sa lahat ng bagay at naglalaan Siya para sa sangkatauhan. Mayroon bang kahit na anumang kaugnayan ang kuwentong ito sa tema na katatalakay pa lang natin? Sa wari ay parang walang ganyan, ngunit sa realidad, ang mga patakaran na ginawa ng Diyos bilang Lumikha at ang Kanyang kapamahalaan sa lahat ng bagay ay matibay na nakaugnay sa Kanya bilang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay at ang mga ito ay matibay na magkakarugtong. May natutuhan kayong konting bagay, tama ba?
Ang Diyos ang Panginoon nag-uutos ng mga patakarang namamahala sa pagkilos ng lahat ng bagay; Siya ang nagkokontrol sa mga patakarang namamahala sa kaligtasan ng lahat ng bagay; Siya ang nagkokontrol sa lahat ng bagay, at nagtatalaga sa mga ito na kapwa magpatibay at umasa sa isa't isa, para hindi mapahamak o maglaho ang mga ito. Sa gayon lamang maaaring magpatuloy sa pag-iral ang sangkatauhan, maaaring mabuhay ang tao sa gayong kapaligiran sa pamamagitan ng pamumuno ng Diyos. Ang mga patakarang ito na namumuno sa lahat ng bagay ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at ang sangkatauhan ay hindi maaaring makialam at hindi mapapalitan ang mga ito; tanging ang Diyos Mismo ang nakakaalam sa mga patakarang ito at Siya Mismo lamang ang nakapamamahala sa mga ito. Kailan uusbong ang mga puno, kailan uulan, gaano karaming tubig at gaano karaming pampalusog ang ibibigay ng lupa sa mga halaman, sa anong panahon malalaglag ang mga dahon, sa anong panahon mamumunga ang mga puno, gaano karaming pampalusog ang ibibigay ng sikat ng araw sa mga puno; ano ang ihihingang palabas ng mga puno matapos mapakain ng sikat ng araw-ang lahat ng ito ay mga bagay na naisaayos na ng Diyos nang lalangin Niya ang sansinukob at ang mga ito ay mga batas na hindi maaaring labagin ng tao. Ang mga bagay na nilikha ng Diyos-maging sila ay buhay o lumilitaw na walang buhay ayon sa mga tao-lahat ay nasa mga kamay ng Diyos at nasa ilalim ng Kanyang kapamahalaan. Walang sinuman ang makababago o makasisira sa patakarang ito. Ibig sabihin, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay binalangkas na Niya ang nararapat sa mga ito. Ang mga puno ay hindi maaaring magkaugat, umusbong, at lumago kung wala ang lupa. Kung ang lupa ay walang mga puno, ito ay matutuyo. At saka, ang puno ay ang tahanan ng mga ibong umaawit, ito ang lugar kung saan nagkukubli ang mga ito mula sa hangin. Magiging OK lang ba kung magkakaroon ng puno kahit walang sikat ng araw? (Hindi ito magiging OK.) Kung lupa lamang mayroon ang puno hindi ito maaaring gumana. Ang lahat ng ito ay para sa sangkatauhan at para sa ikaliligtas ng sangkatauhan. Nakatatanggap ang tao ng sariwang hangin mula sa puno, at nabubuhay sa ibabaw ng lupa na pinoprotektahan nito. Hindi mabubuhay ang tao nang walang sikat ng araw, ang tao ay hindi mabubuhay kung wala ang iba't ibang mga bagay na nabubuhay. Kahit na ang relasyon sa pagitan ng mga bagay na ito ay kumplikado, kailangan mong tandaan na nilikha ng Diyos ang mga patakaran na namamahala sa lahat ng bagay upang mapalakas ng mga ito ang isa't isa, umasa ang mga ito sa isa't isa, at magkasama silang umiral. Sa madaling salita, bawat isang bagay na Kanyang nilikha ay may halaga at kabuluhan. Kung ang Diyos ay lumikha ng isang bagay na walang kabuluhan, hahayaan ito ng Diyos na mawala. Ito ay isa sa mga pamamaraan na Kanyang ginagamit sa paghahanda sa lahat ng bagay. Ano ang tinutukoy ng "maglaan para sa" sa kuwentong ito? Lumalabas ba ang Diyos upang diligan ang puno araw-araw? Kailangan ba ng puno ang tulong ng Diyos para makahinga? (Hindi.) Ang "maglaan para sa" sa paliwanag na ito ay tumutukoy sa pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay pagkatapos ng paglikha; ang kinailangan lang Niya ay mga patakaran upang panatilihing maayos ang lahat. Ang puno ay lumaki nang kusa sa pamamagitan ng pagkatanim nito sa lupa. Ang mga kinakailangan para ito ay lumago ay nilikha lahat ng Diyos. Ginawa Niya ang sikat ng araw, ang tubig, ang lupa, ang himpapawid, at ang kalapit na kapaligiran, ang hangin, ang hamog na nagyelo, ang niyebe, at ulan, at ang apat na panahon; ito ang mga kondisyon na kakailanganin ng puno upang lumago, ito ang mga bagay na inihanda ng Diyos. Kaya, ang Diyos ba ang pinagmumulan nitong buhay na kapaligiran? (Oo.) Kailangan bang lumabas ang Diyos araw-araw upang bilangin ang bawat dahon sa mga puno? Hindi na kailangan, tama? Hindi rin kailangan na tulungan ng Diyos ang puno na makahinga. Hindi rin kailangan na gisingin ng Diyos araw-araw ang sikat ng araw sa pagsasabing, "Oras na upang magbigay ng liwanag sa mga puno ngayon." Hindi Niya kailangang gawin iyon. Ang araw ay sumisikat nang kusa kapag oras na para sumikat ito, alinsunod sa mga patakaran; lumilitaw at sumisikat ito sa puno at sinisipsip ng puno ang sikat ng araw, at kapag hindi kailangan ang sikat ng araw, ang puno ay nabubuhay pa rin sa loob ng mga patakaran. Maaaring hindi ninyo makayang ipaliwanag itong kababalaghan nang malinaw, ngunit ito ay isang katotohanan na maaaring makita at matanggap ng lahat. Ang dapat mo lang gawin ay tanggapin na ang mga patakaran para sa pag-iral ng lahat ng bagay ay mula sa Diyos at malaman na ang paglago at kaligtasan nito ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Nauunawaan mo, tama ba?
Isa bang talinghaga ang ginamit sa kuwentong ito, gaya ng tawag ng mga tao rito? Ito ba ay antropomorpiko? (Hindi.) Ang sinasabi Ko ay katotohanan. Ang lahat ng bagay na buhay, ang lahat ng bagay na may buhay ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Binigyan ito ng buhay pagkatapos itong likhain ng Diyos; ito ay buhay na ibinigay mula sa Diyos at sumusunod ito sa mga batas at sa daan na Kanyang nilikha para dito. Hindi ito dapat baguhin ng tao, at hindi nangangailangan ng tulong mula sa tao; ganito naglalaan ang Diyos para sa lahat ng bagay. Naiintindihan ninyo, tama? Iniisip ba ninyo na kinakailangan ng mga tao na kilalanin ito? (Oo.) Kaya, may kinalaman ba ang kuwentong ito sa biyolohiya? May kaugnayan ba ito kahit paano sa isang larangan ng kaalaman o isang sangay ng pag-aaral? Hindi natin tinatalakay ang biyolohiya rito at tiyak na hindi tayo nagsasagawa ng anumang pananalisik na biyolohikal. Ano ang pangunahing punto na pinag-uusapan natin dito? (Na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay para sa lahat ng bagay.) Ano ang nakikita ninyo sa gitna ng lahat ng bagay sa paglikha? Nakakita ba kayo ng mga puno? Nakakita ba kayo ng lupa? (Oo.) Nakita ninyo ang sikat ng araw, tama? Nakakita ba kayo ng mga ibong nagpapahinga sa mga puno? (Nakakita na kami.) Masaya ba ang sangkatauhan na manirahan sa gayong kapaligiran? (Masaya siya.) Ibig sabihin, ginagamit ng Diyos ang lahat ng bagay-ang mga bagay na Kanyang nilikha-upang mapanatili ang tahanan ng sangkatauhan para sa kaligtasan at ingatan ang tahanan ng sangkatauhan, at ganito Siya naglalaan para sa tao at naglalaan para sa lahat ng bagay.
Ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa pagtalakay Ko sa mga bagay-bagay sa ganitong paraan at sa Aking pakikipag-usap sa ganitong paraan? (Ito ay madaling maintindihan at mayroong praktikal na mga halimbawa ukol rito.) Ito ang totoong paraan sa pagtalakay ng mga bagay, tama? Mahalaga ba ang kuwentong ito upang tulungang makilala ng tao na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay? (Oo.) Kung ito ay mahalaga, kung gayon ay magpapatuloy tayo sa ating susunod na kuwento. Ang paksa sa susunod na kuwento ay bahagyang kakaiba at ang pangunahing punto ay kakaiba rin; ang mga bagay sa kuwento ang siyang makikita ng mga tao sa gitna ng mga nilikha ng Diyos. Gagamitin Kong muli ang paraan ng pagsasabi ng kuwento sa inyo, na maaari kayong tahimik na makinig at pakaisipin ang tungkol sa sinasabi Ko. Kapag natapos Ko ang kuwento, magtatanong Ako sa inyo ng ilang katanungan upang makita kung gaano na kayo natuto. Ang mga pangunahing gumaganap sa kuwentong ito ay ang malaking bundok, isang maliit na sapa, isang malakas na hangin, at ang higanteng alon.
Hinango mula sa "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
______________________________________
Malaman ang higit pa: Christian Music Video | Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos (Tagalog Subtitles)
Ang Page na, Salita ng Diyos Tungkol sa Buhay, ay hinahayaan ka na mabasa pa ang mga salita ng Diyos. Ang mga salitang ito ay ang lahat ng mga salita ng buhay, hindi lamang nadagdagan ng ating kaalaman sa Diyos, ngunit may kakayahang malutas din ang ating mga paghihirap at pagkalito sa paniniwala at buhay.