Christian Music Video | Ang Mga Mananampalataya sa Diyos ay Dapat Sumunod ng Papalapit sa Mga Yapak ng Diyos
21.07.2021
Yamang naniniwala ang tao sa Diyos,
dapat niyang sundang mabuti
ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang;
dapat siyang "sumunod sa Kordero saan man Siya pumaroon."
Ang mga ito lamang ang mga taong naghahanap ng totoong daan,
sila lamang yaong mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu.
Ang mga taong labis na sumusunod sa mga titik at mga doktrina ay
yaong mga naalis na ng gawain ng Banal na Espiritu.
Sa bawat sakop ng panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain,
at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng tao.
Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan
na "si Jehova ang Diyos" at "si Jesus ang Cristo,"
na mga katotohanan na nailalapat lamang sa iisang kapanahunan,
sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu,
at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu.
Tanging ang mga sumusunod lamang
sa mga yapak ng Cordero hanggang sa katapus-tapusan
ang magkakamit ng pangwakas na pagpapala.
Yaong mga hindi sumusunod hanggang sa katapus-katapusan,
na hindi sumasabay sa gawain ng Banal na Espiritu,
na hindi sumasabay sa gawain ng Banal na Espiritu,
at kumakapit lamang sa mga lumang gawain
ay hindi lamang nabigo sa pagkamit ng katapatan sa Diyos,
nguni't sa kabaligtaran, naging yaong mga sumasalungat sa Diyos,
naging yaong mga tinatanggihan ng bagong kapanahunan,
at siyang mapaparusahan.
Mayroon pa bang mas nakakaawa kaysa kanila?
Yaong mga tao na hamak na sumusunod sa kautusan
at nagpapakitang lahat ng kanilang sukdulang katapatan sa kautusan,
at mas ipinakikita nila ang kanilang gayong katapatan sa kautusan,
sila ay mas mga suwail na lumalaban sa Diyos.
Dahil ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian
at hindi ang Kapanahunan ng Kautusan,
at ang gawain sa ngayon at ang gawain ng nakalipas
ay hindi maaaring banggitin nang sabay,
ni maikukumpara ang gawain ng nakaraan sa gawain sa ngayon.
Ang gawain ng Diyos ay nagbago na,
at ang pagsasagawa ng tao ay nagbago na rin;
ito ay hindi para kumapit sa kautusan o magpasan ng krus.
Kaya, ang katapatan ng mga tao sa kautusan at sa krus
ay hindi magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
______________________
Malaman ang higit pa:
• Mga Awit ng Pagtitiwala sa Diyos
• Tagalog Full Christian Movie "Pananalig sa Diyos" | What Is True Faith in God?
Ang best Tagalog Bible App ay pinagsama-samang masaganang mapagkukunan, tulad ng mga salita ng Diyos, lahat ng uri ng mga himno, pelikula ng ebanghelyo, Q/A sa paniniwala, at lahat ng uri ng mga artikulo ng karanasan. Gamit ito, mababasa natin ang mga salita ng Diyos at mapakikinggan ang mga himno anumang oras. Sa gayon ang ating buhay ay maaaring makatamo ng panustos upang magkaroon tayo ng mas malapit na relasyon sa Diyos. Magmadali upang i-download ito at maranasan kaagad!