Ano ang Rapture? Sa Wakas ay Naunawaan Ko na Ito

24.03.2021

Mga Pantasya ng Pagrapture sa Himpapawid Upang Makita ang Diyos

Noong 2014, isang kapatid ang nangaral ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa akin. Matapos akong mag-umpisang maniwala sa Diyos, masigasig akong nagpunta sa mga pulong, at sa isa ay sinabi ng pastor ko, "Sinabi ng Panginoong Jesus, 'Sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon' (Juan 14:2-3). At sinabi rin ni Pablo, 'Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man' (1 Tesalonica 4:17). Naghanda ang Panginoon ng kalalagyan natin, at kapag nagbalik ang Panginoon, direkta tayong mara-rapture sa himpapawid upang makilala ang Panginoon, pagkatapos niyon ay habambuhay na nating makakapiling ang Panginoon. Ang mga pader ng kaharian ng langit ay gawa sa jasper, ang mga kalsada ay aspaltado ng ginto, at naroon ang lahat ng mga alahas, agate, at jade na maaaari nating gustuhin. Walang sakit o paghihirap doon, walang mga luha o pagdurusa, at walang-hanggang mga pagpapala na matatamasa...." Nang marining ko ang sigasig sa sermon ng pastor, naisip kong maganda kung isang araw ay maaari din akong ma-rapture pataas sa langit ng Diyos.

Ngunit, sa gitna ng akin pananabik, naisip ko, "Kung ira-rapture tayo ng Panginoon sa himpapawid upang makita Siya kapag dumating na Siya, paano tayo mara-rapture?" Tinanong ko ang tanong na ito ng ilang kababaihan sa aking grupo ng pag-aaral sa Biblia na naniniwala sa Panginoon sa mahabang panahon. Sinabi ng isa, "Ang Panginoon ay makapangyarihan. Kapag dumating ang Panginoon upang tanggapin tayo, lulutang tayo sa himpapawid." Mas nakampante ako nang marinig kong sabihin iyon ng kapatid ko. Tama, makapangyarihan ang Panginoon, kaya siyempre ay kaya ng Panginoon na i-rapture tayo sa langit. Pagkatapos noon, pumunta ako sa mga pagpupulong at mas masigasig na ikinalat ang ebanghelyo, at inabangan ang araw na tatanggapin tayo ng Panginoon.

Pagkalipas ng ilang panahon, natuklasan ko na kahit na naniniwala ako sa Panginoon, hindi ko maingatan ang mga turo ng Panginoon. Madalas akong nagagalit at nakikipag-away sa pamilya ko dahil sa maliliit na bagay. Pagkatapos ng mga away ay iisipin ko, "Isa akong Kristiyano, dapat akong matutong maging mapagparaya at pasensiyoso," ngunit pagkatapos ay hindi ko na naman magawang kontrolin ang sarili ko, at sumasama ang loob ko. Madalas akong umiyak at magdasal sa Panginoon, "Panginoon, ang pamumuhay sa daigdig na ito ay isang pagdurusa. Pakiusap, pumunta ka at tanggapin kami sa aming tahanan sa langit." Pagkatapos, sa tuwing maglalakad ako sa kalsada, madalas na tumingala ako sa mga puting ulap sa langit, umaasang tatanggapin tayo ng Panginoong Jesus sa tahanan natin sa langit.

Nakagugulat na Mabuting Balita

Isang araw, habang naglilinis ako ng bahay ko, tumawag ang ate ko at kinausap ako upang pumunta sa bahay ng isa pang kapatid na babae upang makarinig ng isang sermon, na kung saan masaya akong sumang-ayon at nagpunta. Matapos naming magkita, nagbahaginan kami ni Kapatid na Wang tungkol sa gawain ni Jehovah sa Kapanahunan ng Kautusan at sa gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, kung ano ang matatalinong birhen at ano ang mga hangal na birhen, kung paanong nag-iimpok ng langis ang matatalinong birhen upang salubungin ang Panginoon, at higit pa. Noon, ang pastor ng aming iglesia ay hindi kailanman ipinaliwanag ang Biblia ng detalyado para sa amin, at upang hanapin ang mga sagot sa pastor tungkol sa mga tanong na hindi namin naiintindihan, kailangan naming magbayad ng 3,000 yen upang magpa-appointment. Ang resulta ay makalipas ang pananampalataya sa halos dalawang taon, hindi ko pa rin masyadong naiintindihan ang Biblia, ngunit matapos marinig ang pagbabahagi ng kapatid ko, bigla akong naliwanagan tungkol sa Biblia, at mas nagliwanag ang puso ko. Pagkatapos noon, tinanong ko rin si Kapatid na Wang tungkol sa mga pangitain ni Juan sa Pahayag, kung anong sinasagisag ng munting aklat, at marami pang bagay, at ipinaliwanag niya ang mga ito nang isa-isa. Nakinig akong nalulunod sa tuwa, at mabilis na lumipas ang umaga.

Pagkatapos noon, ibinahagi sa amin ni Kapatid na Wang ang tungkol sa kahalagahan ng pangalan ng Diyos. Sinabi niyang ang mga pangalang Jehovah at Jesus, gayundin ang hinulaang bagong pangalan Niya sa Pahayag, ang Makapangyarihan, ay may espesyal na kahulugan lahat, at pagkatapos ay pinanood namin ang isang bidyo ng musika, "Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan." Habang nakikinig ako sa mga liriko, naramdaman kong tunay ngang may awtoridad ang mga salita at ang tinig Diyos. Pagkatapos noon, sinabi sa amin ni Kapatid na Wang, "Mga kapatid, tunay ngang nagbalik na ang Panginoong Jesus. Ang pangalan niya ay Makapangyarihang Diyos, at lahat ng sinabi ko sa inyo ngayong araw ay personal na inihantad ng Diyos Mismo."

Nasa Lupa ang Kaharian ng Diyos

Labis akong nasabik sa balitang nagbalik na ang Panginoon. Hindi ko mapigilang magtanong, "Kapatid na Wang, talaga bang nagbalik na ang Panginoong Jesus? Madalas akong tumingala sa langit. Bakit hindi ko Siya nakitang dumating? Nagpropesiya ang Panginoon na 'Ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon' (Juan 14:2-3). At sinabi rin ni Pablo, 'Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man' (1 Tesalonica 4:17). Madalas sinasabi ng pastor namin na naghanda ng kalalagyan natin sa langit ang Panginoon, at kapag nagbalik na Siya, direkta Niya tayong irar-rapture sa langit upang makita ang Panginoon. Sinabi mong nagbalik na ang Panginoon, ngunit bakit hindi pa tayo nara-rapture sa langit?"

Seryosong sinabi ni Kapatid na Wang, "Sinabi ng Panginoong Jesus, 'Ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon' (Juan 14:2-3). Nagpropesiya lang ang Panginoong Jesus na tatanggapin Niya tayo sa lugar na inihanda Niya para sa'tin, ngunit hindi Niya sinabing nasa langit ang lugar na iyon. Kung babasahin natin ang Biblia, maiintindihan natin. Basahin natin ang Pahayag 11:15 nang magkakasama, 'At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man.' At Pahayag 21:3-4, 'Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.' Mula sa mga propesiya sa Pahayag, makikita natin na ang Bagong Herusalem ay nasa lupa, na ang tabernakulo ng Diyos ay kasama ng mga tao, na ang Diyos ay maninirahan kasama ng mga tao, at na ang mga kaharian ng mundo ay magiging mga kaharian ni Kristo. Pamamahalaan ng Diyos ang mundo bilang hari, pamumunuan ang Kanyang mga tao, at sa lupa wala nang kamatayan, pag-iyak, o sakit. Ipinapakita nito sa atin na ang lugar na inihanda ng Diyos para sa atin ay nasa lupa, hindi sa langit." Maingat kong binasa ang mga taludtod na ito, at sinasabi nga ng mga ito na ang kaharian ng Diyos ay nasa lupa. Bakit hindi ko nadiskubre ang misteryong ito noon?"

Nagpatuloy si Kapatid na Wang, "Alam nating lahat na, sa simula, nilikha ng Diyos sina Adan at Eba mula sa alabok, at pagkatapos ay inilagay sila sa lupa upang bantayan ang lahat ng mga bagay sa lupa. Ang mga nakaraang henerasyon ng sangkatauhan ay nanirahan lahat sa lupa, at higit pa, ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan ay isinagawa sa lupa. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang kautusang ipinahayag ng Diyos ay isinagawa sa lupa, at sa Kapanahunan ng Biyaya ay dumating ang Panginoong Jesus sa katawang-tao upang gumawa sa lupa, kung saan Siya ipinako upang tubusin ang mga tao. Sa mga huling araw, pumuntang muli ang Diyos sa lupa upang ipahayag ang Kanyang mga salita at gawin ang gawain ng paghatol. Mula umpisa hanggang sa huli, lahat ng mga gawain ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan ay isinagawa sa lupa. Kung ang kalooban ng Diyos ay ang umakyat tayo sa upang manirahan sa langit, bakit Siya magbabayad ng napakalaking halaga sa dugo upang isagawa ang Kanyang gawain ng pamamahala upang iligtas ang sangkatauhan sa lupa? Sinabi rin ng Panginoong Jesus, 'At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit' (Juan 3:13). Ang mga salita ng Panginoon ay malinaw na isinasaad na walang pang tao ang umakyat sa langit, kaya bakit gusto nating lahat na pumunta doon? Maaaring isagot ng ilang tao na ang mga ito ay salita ni Pablo, ngunit maaari bang kumatawan sa mga salita ng Panginoon ang mga salita ni Pablo? Kailanman ay hindi sinabi ng Panginoong Jesus na ira-rapture Niya tayo sa langit, gayundin ang mga apostol at propeta, kaya paano malalaman ni Pablo na kapag dumating ang Panginoon, ira-rapture Niya tayo sa mga ulap upang makipagkita sa Panginoon? Hindi ba't sariling imahinasyon niya lang iyon?"

Matapos marinig ang pagbabahagi ng aking kapatid, labis akong naapektuhan. Tama iyon, naisip ko, kailanman ay hindi sinabi ng Panginoong Jesus na ira-rapture Niya tayo sa langit, gayundin ang iba pang mga apostol. Tanging si Pablo lang ang nagsabi noon. Ngunit kumakatawan ba iyon sa kalooban ng Panginoon? Malinaw na hinuhulaan sa Pahayag na "Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo," "ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao," at sa huli ang Diyos at ang Kanyang mga tao ay mananahan kasama Niya sa lupa. Ito ay talagang kalooban ng Diyos.

Ang Tunay na Kahulugan ng Rapture

Nagpatuloy si Kapatid na Wang, "Ang Diyos ay praktikal na Diyos, at palagi nang praktikal ang Kanyang gawain. Kung ang tunay na rapture ay hindi ang pag-angat sa himpapawid, kung ganoon ay ano ang rapture? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, 'Ang "pagiging nadagit" ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking pagtatalaga bago pa man at pagpili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking naordinahan bago pa man at pinili... Ito ay napaka-hindi-tugma sa mga paniwala ng mga tao. Sinuman na may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng tao na nadagit sa harap Ko. Ito ay tunay na tunay, hindi-nagbabago-kaylan-man, at hindi kayang pasubalian ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sino mang Aking naordinahan bago pa man ay madadagit sa harap Ko.' Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang 'rapture' ay hindi ang madala mula sa mababang lugar patungo sa isang mataas na lugar. Ito ay hindi mula sa lupa patungo sa langit. Ito ay tumutukoy sa Diyos na nagdadala sa mga taong Kanyang itinakda at pinili sa harap Niya. Ang mga taong ito ay ang mga matatalinong birhen na binabanggit sa Biblia. Nagawa nilang makilala ang tinig ng Diyos, dumalo sa piging ng Kordero, maitaas sa harapan ng trono ng Diyos, at matanggap ang kaligtasan ng Diyos. Sa ibang salita, ang na-rapture ay ang kinuha ng Diyos mula sa lumang panahon patungo sa bago, ang maitaas mula sa pagkawasak dahil sa pagkawala ng gawain ng Banal na Espiritu patungo sa harap ng trono ng Diyos, at mapatubigan ng bukal ng buhay na tubig ng Diyos, gaya ng mga nabuhay sa Kapanahunan ng Kautusan na nagpatuloy mula roon at tinanggap ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ito ang kahulugan ng na-rapture sa harap ng presensiya ng Diyos. Ngayon, nagawa nating magpatuloy mula sa Kapanahunan ng Biyaya, tinanggap ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw, at matanggap ang kaligtasan ng Diyos na nagpapakita sa mga huling araw, at ito ang kahulugan ng tayo ay na-rapture."

Ang marinig ito ay isang biglaang paggising para sa akin. Ang rapture pala, ay nangangahulugan na madala sa presensiya ng Diyos at tinatanggap ang gawain ng kaligtasan ng Diyos.

Sinabi ni Kapatid na Wang, "Noon, ang mga imahinasyon natin ay humantong sa marami sa atin na isipin na kapag ang Panginoon ay nagbalik sa mga huling araw, tayo ay direktang ira-rapture sa himpapawid, kung saan makikipagkita tayo sa Panginoon. Ngunit, isinaalang-alang mo ba kung ang Panginoon ay tunay na ira-rapture ang mga tao na puno ng dumi katulad natin sa kaharian ng langit? Sinasabi ng Biblia, 'ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon' (Mga Hebreo 12:14). 'kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal' (Levitico 11:45). Banal ang Diyos, at hindi hinahayaang makapasok sa kaharian ng langit ang madumi. Isipin mo ang katotohanan na, kahit na tinanggap natin ang pagtubos ng Panginoong Jesus at pinatawad na ang ating mga kasalanan, hindi pa rin nawala ang likas nating pagiging makasalanan. Gaya noon, namumuhay tayo sa estado ng pagkakasala at pangungumpisal. Hindi pa rin tayo naaangkop na pumasok sa kaharian ng Diyos. Kung nais nating makapasok sa kaharian ng Diyos, kailangan pa rin tayong mahusgahan at kastiguhin ng mga salita ng Diyos, dalisayin ang ating masasamang disposisyon, maging tunay na masunurin sa Diyos, at maging tugma kay Kristo. Tanging sa ganoong paraan lamang nating makakasama ang Diyos habambuhay. Ang Kristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay dumating na nagkatawang-tao sa lupa at nagpahayag ng maraming aspeto ng katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay. Inihahantad ng Kanyang paghatol ang ating makasalanang kalikasan at dinadalisay ang mga satanikong masasamang disposisyon sa loob natin gaya ng kaarogantehan, pagkamakasarili, at panlilinlang na dahilan upang maging kaaway tayo ng Diyos. Ang mga sumailalim sa paghatol at pagdadalisay ng Diyos ay ang mga madadala sa kaharian ng Diyos kapag nagtapos na ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ng nagkatawang-taong Diyos. Isinasakatuparan nito ang propesiya ng Panginoong Jesus, 'Ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon' (Juan 14:2-3). Samantala, habang ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang gawain, ang mga naghimagsik laban at lumaban sa Diyos, na hindi sumailalim sa paghuhukom ng Diyos at pagdadalisay, at mawawalan ng kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw, kapag hayagang inihayag ng Diyos ang Kanyang Sarili, ay ganap na pupuksain sa dakilang sakuna ng mga huling araw, hindi na mabubuhay muli."

Nasindak ako nang marinig ko ito. Ang orihinal na ibig sabihin ng Panginoon nang sabihin Niya na tatanggapin Niya tayo upang tayo ay makasama Niya ay ang Diyos ay personal na nagkatawang-tao sa lupa upang iligtas tayo, sa huli ay dadalisayin tayo, at dadalhin tayo sa kaharian na inihanda Niya para sa atin. Ito ay tunay na isang misteryo. Naisip ko kung paanong, noon, lahat tayo ay naghintay sa pagdating ng Panginoon upang i-rapture tayo sa taas patungo sa kaharian ng langit, ngunit kailanman ay hindi natin isinaalang-alang kung ang mga taong gaya natin, na nabuhay sa pagkakasala, sa estado ng pagkakasala at pangungumpisal, na ni hindi magawang magtiis, magpasensiya, o hindi magsinungaling, at lumalaban at naghihimagsik sa Panginoon, ay tunay ngang naaangkop na pumasok sa kaharian ng Diyos. Mukhang ang paniniwala ko tungkol sa pag-rapture sa himpapawid at makita ang Panginoon ay base lamang sa sarili kong mga paniniwala at imahinasyon!

Nasasabik kong sinabi kay Kapatid na Wang, "Ang pagbabahagi mo sa nakalipas na dalawang araw ay nakatulong sa akin na maunawaan ang higit pa sa natutunan ko sa loob ng dalawang taon ng paniniwala sa Panginoon. Sa nakalipas na dalawang taon, kahit na naging abala ako sa pagpapakalat ng ebanghelyo, at sa labas ay tila napaka-relihiyoso ko, hindi ko naintindihan ang tunay na kahulugan ng mga salitang Diyos, at hindi ko alam ang tunay na lokasyon ng lugar na sinabi ng Panginoon na inihanda Niya para sa atin. Ngayon ay naiintindihan ko na ang tunay na kahulugan ng rapture, naiintindihan ko na ang lugar na inihanda ng Panginoon para sa atin ay nasa lupa, at alam ko na tanging ang mga sasailalim lamang sa paghatol at pagkastigo ng Diyos at madadalisay ang makakapasok sa kaharian ng langit. Napaka-praktikal ng gawain ng Panginoon."

Nasasabik na sinabi ng kapatid ko, "Tama, lagpas isang dekada na ako sa iglesia at ang mga natutunan ko ay hindi kasing dami ng sa mga nakalipas na araw. Palagi nating iniisip, base sa mga imahinasyon natin, na kapag nagbalik ang Panginoon sa mga huling araw, direkta Niya tayong ira-rapture sa langit. Ngunit ang ideyang iyon ay nakabase lamang sa ating malalabong imahinasyon, at hindi naaayon sa kalooban ng Panginoon."

Masayang sinabi ni Kapatid na Wang, "Papuri sa Diyos. Ang gawain ng Diyos ay ang praktikal na pagpapahayag ng katotohanan upang iligtas ang mga tao, upang makita at maabot natin iyon, na nagbibigay-daan sa atin upang makamit ang kaligtasan ng Diyos. Kung hindi personal na pupunta ang Diyos sa katawang-tao at ihahayag ang mga misteryong ito, wala sa atin ang makakaintindi nito!"

Kasama si Kapatid na Wang, nagbasa kami ng mas marami pang mga taludtod ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagbahagi sa kung paanong hinahatulan, dinadalisay, at binabago ng Diyos ang sangkatauhan sa mga huling araw, at tinalakay kung paanong nagbalik na ang Panginoon at gumawa na sa loob ng higit ng 20 taon, na ang gawain ng Diyos ng paghatol at pagdadalisay sa sangkatauhan ay malapit nang magtapos, at kung paanong ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos ay kumalat mula sa silangan hanggang kanluran. Habang binabasa namin ang mga salita ng Diyos, nakita ko na binuksan ng Diyos ang lahat ng aspeto ng katotohanan at ang Kanyang mga misteryo sa atin. Tunay ngang karangalan sa akin na magkaroon ng kapalaran na ma-rapture sa presensiya ng Diyos bago ang malaking sakuna. Hindi ko mapigilang madamdaming mapaluha, at sumumpa ako ng isang panunumpa upang ituloy ang pagiging dalisay ng Diyos.

Binigyan kami ni Kapatid na Wang bawa't isa ng kopya ng aklat ng mga salita ng Diyos Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero, at para sa'kin ay tila iyon pagtanggap ng kayamanan. Hindi ko mapigilang magpasalamat sa Diyos. Mula noon, bawa't araw ay binabasa ko ang mga salita ng Diyos na tila ba nauuhaw ako doon, at sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos at panonood ng mga bidyo ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, labis na akong nakasisiguro na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at nag-umpisang maranasan ang paghatol at pagdadalisay ng mga salita ng Diyos sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Salamat sa Diyos. Ang Lahat ng Kaluwalhatian ay sa Makapangyarihang Diyos!

______________________ 

Ang mga sakuna ay palala ng palala. Paano tayo maraptured sa mga sakuna? Basahin ang rapture bible verse tagalog at pagkatapos ay maaari mong hanapin ang landas at maraptured sa harap ng Diyos sa lalong madaling panahon. 

© 2020 Antonio Giannelli. Tutti i diritti riservati.
Creato con Webnode
Crea il tuo sito web gratis! Questo sito è stato creato con Webnode. Crea il tuo sito gratuito oggi stesso! Inizia