Ano ang ibig sabihin ng tunay na manalangin?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, pakiramdam na Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos-at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa.
Ang pinakamababang antas na kinakailangan ng Diyos sa mga tao ay ang magawa nilang buksan ang kanilang mga puso sa Kanya. Kung ibibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos at sasabihin kung ano talaga ang nasa loob ng kanyang puso sa Diyos, kung gayon ang Diyos ay nakahandang gumawa sa tao; hindi gusto ng Diyos ang pilipit na puso ng tao, kundi ang kanyang dalisay at tapat na puso. Kung hindi tunay na sasabihin ng tao ang kanyang puso sa Diyos, kung gayon hindi aantigin ng Diyos ang puso ng tao, o gagawa sa loob niya. Kaya naman, ang pinakamahalagang bagay tungkol sa panalangin ay para sabihin ang mga salita ng iyong tunay na puso sa Diyos, pagsasabi sa Diyos ng iyong mga kapintasan at mapaghimagsik na disposisyon at ganap na pagbubukas ng iyong sarili sa Diyos. Sa gayon lamang magiging interesado ang Diyos sa iyong mga panalangin; kung hindi, kung gayon ay itatatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa iyo.
Paminsan-minsan, ang pananangan sa Diyos ay hindi nangangahulugan nang malinaw na pagsasalita kapag ang mga tao ay nananalangin sa Diyos para sa isang bagay, o para gabayan sila ng Diyos sa ilang kaparaanan, o para ingatan sila ng Diyos; sa halip ito ay, kapag nakasasagupa sila ng ilang usapin, nagagawa nilang tumawag sa Kanya nang taimtim. Kaya, ano ang ginagawa ng Diyos sa panahong iyon? Kapag ang puso ng isang tao ay kinikilos, at taglay nila ang ideyang ito: "O Diyos, hindi ko ito magagawang mag-isa, hindi ko alam kung paano ito gagawin, at ako ay nanghihina at negatibo," kapag ang mga saloobing ito ay bumabangon sa kanila, nalalaman ba ng Diyos ang tungkol rito? Kapag ang mga saloobing ito ay bumabangon sa tao, ang mga puso ba ng mga tao ay taimtim? Kapag sila ay taimtim na tumatawag sa Diyos sa ganitong paraan, pumapayag ba ang Diyos na tulungan sila? Sa kabila ng katotohanan na maaaring hindi sila nakapagsabi ng isang salita, nagpapakita sila ng kataimtiman, at kaya sumasang-ayon ang Diyos na tulungan sila. Kapag ang isang tao ay nakasasagupa ng isang lalong masalimuot na kahirapan, kapag wala silang sinumang malalapitan, kapag nadarama nila ang lalong kawalang-pag-asa, nagtitiwala sila sa Diyos bilang kanilang tanging pag-asa. Ano ang nakakatulad ng kanilang mga panalangin? Ano ang estado ng kanilang pag-iisip? Ito ba ay taimtim? Mayroon ba silang anumang halu-halong layunin sa panahong iyon? Kapag nagtitiwala ka sa Diyos na parang Siya ang huling hibla na makakapitan upang iligtas ang iyong buhay, kapag umaasa ka na tutulungan ka ng Diyos, sa gayon lamang taimtim ang iyong puso. Bagamat maaaring hindi ka gaanong nagsasalita, ang iyong puso ay kinilos na. Iyon ay, ibinibigay mo ang tunay mong puso, ang iyong taimtim na puso sa Diyos, at ang Diyos ay nakikinig. Kapag ang Diyos ay nakikinig, nakikita Niya ang iyong mga paghihirap, at ginagabayan ka Niya, nililiwanagan ka at tinutulungan ka. Kailan nagiging lubos na mataimtim ang puso ng tao? Kapag ang mga ito ay nasa dulo na ng landas.
Ang panalangin ay hindi isang kaso ng pagdaan sa mga pormalidad, o pagsunod sa proseso, o pagbigkas sa mga salita ng Diyos, na ang ibig sabihin, ang panalangin ay hindi nangangahulugan ng basta na lamang pagsasalita at panggagaya sa iba. Sa panalangin, dapat mong ibigay ang iyong puso sa Diyos, pagbabahagi ng mga salita sa iyong puso sa Diyos upang mangyaring antigin ka ng Diyos. Kung magiging mabisa ang iyong mga panalangin, kung gayon ang mga ito ay dapat nakabatay sa iyong pagbabasa sa mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pananalangin sa gitna ng mga salita ng Diyos magagawa mong matanggap ang higit pang pagliliwanag at pagpapalinaw. Ang isang tunay na panalangin ay ipinakikita sa pagkakaroon ng isang pusong nasasabik para sa mga kinakailangan na ginawa ng Diyos, at sa pagiging handa na tuparin ang mga kinakailangang ito; magagawa mong kasuklaman ang lahat ng kinasusuklaman ng Diyos, sa batayang ito ka magkakaroon ng kaalaman, at malalaman at maliliwanagan tungkol sa mga katotohanang ipinaliwanag ng Diyos. Sa pagkakaroon ng pagpapasya, at pananampalataya, at kaalaman, at isang landas na isasagawa pagkatapos manalangin-ito lamang ang tunay na pananalangin, at ang panalangin lamang na kagaya nito ang maaaring maging mabisa. Ngunit ang panalangin ay dapat maitatag sa saligan ng pagtatamasa sa mga salita ng Diyos at pakikipagniig sa Diyos sa Kanyang mga salita, nagagawa ng iyong puso na hangarin ang Diyos at maging payapa sa harap ng Diyos. Ang gayong panalangin ay nakarating na sa punto ng tunay na pakikipagniig sa Diyos.
Umaaasa Ako na nagagawa ng mga kapatid na tunay na manalangin sa araw-araw. Ito ay hindi pagsunod sa doktrina, gayunman, ngunit isang epekto na dapat na matamo. ... Dapat mong sabihin: "O Diyos! Nais kong tuparin ang aking tungkulin. Upang mangyaring Ikaw ay maluwalhati sa amin, at mangyaring matamasa ang patotoo sa amin, ang grupo ng mga taong ito, maiaalay ko lamang ang aking buong pagkatao sa Iyo. Nakikiusap ako na gumawa ka sa loob namin, para tunay kong maibig at mapalugod Kita, at gawin Kang layunin na aking hinahangad." Kung tinataglay mo ang ganitong pasanin, tiyak na gagawin kang perpekto ng Diyos; hindi ka lamang dapat manalangin para sa kapakanan ng iyong sarili, ngunit para din sa pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos, at para sa kapakanan ng pag-ibig sa Kanya. Ang gayon ang pinakatunay na uri ng panalangin.
Habang lalo kang nabubuhay sa espirituwal na buhay, lalong mas sasakupin ng mga salita ng Diyos ang iyong puso, palagi kang mababahala sa mga usaping ito at palaging titiisin ang pasaning ito. Pagkatapos niyon, mabubunyag mo ang iyong kaloob-loobang katotohanan sa Diyos sa pamamagitan ng iyong espirituwal na buhay, sabihin sa Kanya kung ano ang nais mong gawin, kung tungkol saan ang iyong iniisip, ang iyong pagkaunawa sa at ang iyong sariling paraan ng pagtingin sa salita ng Diyos. Huwag kang magpipigil sa anuman, kahit na isang maliit na piraso! Sanayin ang pagsasabi sa mga salita na nasa loob ng iyong puso sa Diyos, sabihin sa Kanya ang katotohanan, at huwag mangingiming salitain kung ano ang nasa iyong puso. Habang lalo mong ginagawa ang ganito, lalo mong mararamdaman ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at ang iyong puso ay lalo pang mas hihilahin tungo sa Diyos. Kapag nangyari ito, madadama mo na mas minamahal mo ang Diyos kaysa kaninuman. Hindi mo kailanman iiwan ang panig ng Diyos, kahit ano ang mangyari. Kung isasagawa mo ang ganitong uri ng pagsamba sa araw-araw at hindi mo ito iwawaglit sa iyong isipan, ngunit ituturing ito bilang iyong pagtawag sa buhay, kung gayon sasakupin ng salita ng Diyos ang iyong puso. Ito ang kahulugan ng pagiging inantig ng Banal na Espiritu. Ito ay magiging para bang ang iyong puso ay palaging taglay ng Diyos, na para bang palaging mayroong pag-ibig sa iyong puso. Walang sinuman ang makaaagaw nito mula sa iyo. Kapag nangyari ito, ang Diyos ay tunay na tatahan sa iyong puso at magkakaroon ng isang lugar sa loob ng iyong puso.
Ang Pagbabahagi ng Tao:
Ang totoong panalangin ay nagsisimula kapag dalisay na binubuksan nang husto ng isang tao ang kanyang puso sa Diyos. Kapag nasasabi ng isang tao sa Diyos kung ano ang nasa puso niya, tunay na mailalahad ang kanyang puso, nasasabi sa Diyos ang kanyang sariling mga tunay na kahirapan at masamang kalagayan, at pagkatapos ay magmamakaawa para sa habag ng Diyos, magmamakaawa para sa pagliligtas ng Diyos, ito ang pagsasabi kung ano ang nasa kanyang puso. Sa pananaw ng Diyos, kahit na kulang pa sa gulang ang isang tao at hindi pa nauunawaan ang katotohanan, hangga't nakakaya niyang buksan ang kanyang puso sa Diyos, malulugod ang Diyos nang lubos; hindi mataas ang mga hinihingi ng Diyos sa tao.
Anong ibig sabihin na ang iyong panalangin ay nagbubukas ng iyong puso sa Diyos? Kung nagdadasal ka nang may mga salita na karaniwang nasa iyong mga labi, ang iyong mga dasal ay sumasabay sa mga kilos; tulad ng dalawang tao na nagsasabi sa bawat isa ng mga panlabas na pagbati at paggalang. Nagtatanong ang isang tao, "Kamusta ang relasyon sa pagitan ninyong dalawa?" "Ganoon lang, hindi ko kailanman binuksan ang aking puso, kapag nagkikita kami, tumatango lang kami at nagsasabi ng ilang mga salita ng pagbati." Iyon ba ay tunay na pakikipag-isa? Kung gusto mo ng tunay na pakikipag-isa, huwag kang mag-alala sa mga ganitong panlabas na mga salita, sabihin mo man ang mga ito o hindi ay walang saysay. Kapag nagdadasal ka sa Diyos, dapat kang makipag-usap ng taos-puso, kunin ang mga salita sa iyong puso, ang mga problema sa iyong puso, ang pagdurusa sa iyong puso, anumang kumokontrol sa iyo, o anumang mga mahahalagang lugar sa iyong puso, at ipasa ang mga ito sa Diyos para hayaan Siyang lumutas. Kapag ikaw ay hinatulan at kinastigo, pinungos at hinarap, o kapag ikaw ay ibinunyag sa ilang mga pagsubok at kapinuhan, dapat kang magdasal sa Diyos, "Tulungan Mo ako na tunay na makilala ang aking sarili, tulungan Mo ako na malaman ang aking tunay na katayuan, tulungan Mo ako na malaman kung paano ko dapat eksaktong gawin ang aking tungkulin na naaayon sa Iyong kalooban." Kung makakamit ng iyong pananalita at pagdadasal ang mga resultang ito, iyon ay tunay na panalangin. Sa sandali na sabihin nila ang kanilang panalangin, ipipikit ng ilang mga tao ang kanilang mga mata, at iyong ilang mga karaniwang parirala ay lalabas. Matapos iyon, sa sandali na buksan nila ang kanilang mga mata, ito'y tapos na; pagdadasal ba ito? Hindi ito maaaring matawag na tunay na pakikipag-isa, at sa panig ng Diyos hindi kikilos ang Banal na Espiritu. Ang panalangin ay pagsuko sa iyong puso, ikaw ay nadadala ng iyong sariling mga salita, nararamdaman mismo ng iyong sarili na: "Sinasabi ko ito mula sa kaibuturan ng aking puso, ito ang kirot ng aking puso, ito ang mga salita sa aking puso." Kapag natapos kang manalangin sa Diyos, ang iyong espiritu ay napalaya, nakakaramdam ng kasiyahan ang puso, nararamdaman mo na iyon ay tunay na panalangin, tunay na pakikipag-isa sa Diyos; tanging ang panalangin na nakakamit ang resultang ito ay tunay na panalangin.
Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng totoong pakikipag-usap sa Diyos? Ito ay ang makipag-usap sa Diyos tungkol sa mga espiritwal na usapin sa buhay. Ang pakikipag-usap tungkol sa mga espiritwal na usapin sa buhay, sa wastong pananalita, ay pakikipag-usap tungkol sa pagpasok sa katotohanan ng mga salita ng Diyos; ito ay pakikipag-usap tungkol sa pagpasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Lahat ng iyan ay ang katotohanan na ipinahahayag ng mga salita ng Diyos, makapapasok dito ang mga tao, at maisasagawa ito sa kanilang mga karanasan; nakakamit ito sa pamamagitan ng panalangin. Anumang panalangin na nakatuon sa kung paano pumasok sa katotohanan, paano pumasok sa mga salita ng Diyos ay totoong pakikipag-usap sa Diyos. ... Sa anong saligan nakabatay ang totoong pakikipag-usap sa Diyos? Ito ay ang magkaroon dapat ng kaalaman ang mga tao ukol sa gawain ng Diyos, kailangan nilang maintindihan ang ilang katotohanan, kailangan nilang malaman kung ano ang layunin ng gawain ng Diyos, bakit ginagawa ng Diyos ang gawain sa mga huling araw, ano ang gusto ng Diyos mula sa tao sa bandang huli, ano ang nilalayong makamtan ng gawain ng Diyos. Matapos maintindihan ang mga bagay na ito, maaaring pumasok ang mga panalangin ng isang tao sa tamang landas, makasusulong din ang pagpupursigi ng isang tao sa direksyon ng kaligtasan. Nagsimula na ba ngayong pumasok ang iyong mga panalangin sa tamang landas? Nasimulan mo na bang sundin ang mga hinihingi ng Diyos sa tao na magdasal, nasimulan mo na bang magkaroon ng tunay na panalangin sa mga salita ng Diyos? Maaari mong hangaring pasukin ang mga salita ng Diyos at ang lahat ng katotohanang inihayag ng mga salita ng Diyos, at hangarin ang tunay na pag-kaunawa sa mga ito; ang mga panalangin na makakakamit sa mga tagumpay na ito ay pinakatotoong mga panalanging lahat, mga panalanging naaayon lahat sa layunin ng Diyos. Anumang panalangin na ginawa nang walang kaugnayan sa katotohanan, sa mga salita ng Diyos ay hindi matatawag na totoong panalangin; walang kabuluhan ang ganoong mga panalangin.
Sa bawat oras na tunay kang nakikipagniig sa Diyos, dapat kang magkaroon nitong mga mahahalagang isyu at mga resulta. Doon mo lang maaaring masabi na ikaw ay tunay na nakipagniig sa Diyos. Kung hindi mo makakamit ang mga resultang ito, hindi ka tunay na nakikipagniig sa Diyos. Ano ang mga resultang ito? Una, kapag nakikipagniig sa Diyos, maaari nating malaman ang katotohanan ng ating katiwalian at ang diwa ng ating kalikasan, nakakamit ang resulta ng pagkilala sa ating mga sarili. Sa presensiya ng Diyos, dapat madalas tayong magnilay-nilay sa mga bagay na nagawa natin para makita kung sa katunayan na ang mga ito ay umayon sa kalooban ng Diyos, para makita kung ano itong ating sinandalan para mabuhay. Kung nabuhay tayo sa pamamagitan ng salita ng Diyos, iyon ay patotoo sa pagpasok sa buhay. Kung nabuhay tayo sa pilosopiya ni Satanas, iyon ang pagpapahayag ng tiwaling kalikasan ni Satanas, kung saan kinokonsidera itong kasalanan. Pangalawa, kapag nakikipagniig sa Diyos, hindi lang natin nakakamit ang tunay na kaalaman sa ating mga sarili ngunit nakakamit din natin ang tunay na kaalaman sa Diyos, na resulta ng pakikipagniig sa Diyos. Matapos ang pagkamit ng tunay na kaalaman sa Diyos, sisimulan nating igalang ang Diyos sa ating mga puso, sundin ang Diyos sa ating mga puso, at mahalin ang Diyos sa ating mga puso, kung saan sa huli'y magdadala sa atin ng kapasyahan para maglingkod sa Diyos. Ito ang resulta na nakamit sa pagkilala sa Diyos, at ito rin ang resulta na nakamit sa pakikipagniig sa Diyos. Kung hindi natin makamit ang mga resulta ito sa pakikipagniig sa Diyos, iyon ay sapat para patunayan na hindi tayo nakapasok sa tamang landas sa ating mga panalangin, at sa katunayan ay hindi tayo nakipagniig sa Diyos. Sinasabi ng ilang mga tao: "Buweno, nanalangin ako ng maraming taon, kaya ibig bang sabihin noon na ako'y nakikipag-isa sa Diyos?" Kung gayon kailangan mong itong sukatin ayon sa mga resultang ito. Mayroon ka bang resulta ng pagkilala sa iyong sarili sa iyong mga panalangin sa Diyos? Mayroon ka bang resulta sa paghahanap ng kalooban ng Diyos at ng katotohanan? Mayroon ka bang resulta ng pagsunod sa Diyos? Mayroon ka bang resulta ng paggalang sa Diyos? Mayroon ka bang resulta ng pagmamahal sa Diyos? Kung wala ka ni isang resulta sa mga ito, ang iyong mga panalangin ay butas, ang mga ito'y walang saysay, at ikaw ay wala lang ng tunay na pakikipag-isa sa Diyos.
—————————————————
Inirekomendang pagbabasa:
Ang Panalangin ng Pagsisisi sa Kumpisal Ba ay Tunay na Pagsisisi?
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.